Rachel’s POV ANG walang-hiyang si James Cruz pala ang may pakana ng pagdukot sa amin ni Calla. Ikinuwento sa akin dati ni Cali kung paano napunta si Athena sa condo niya. Iyon ay dahil iniligtas niya ito sa kamay ng hayop na lalaking ito. Takot na takot ang anak ko. Sobrang trauma ang idinulot ng walanghiya na ito sa anak ko. hindi na bale kung ako na lang, pero idinamay pa niya ang inosenteng bata sa kahayupan niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya kay Cali. Kailangan kong tatagan ang loob ko para sa anak ko. pagkatapos niyang kausapin si Cali ay bininalik na niya kami sa isang locker room. Ikinulong nila kami doon at tinanggal nila ang busal ko sa bibig. Saka ko naman nilapitan ang umiiyak na si Calla. “Anak, don’t be sacred. Be strong, nandito sa momm

