Rachel’s POV HINDI ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko nang mawala sandali si Calla sa school nila. Sinisi ko pa ang sarili ko dahil matagal ako bago nakarating. Ikababaliw ko talaga kapag may masamang nangyari sa anak ko. “Hindi ba sinabi ko sa’yo na huwag kang sasama sa hindi mo kilala?” galit pero mahinahon kong saad sa anak ko nang makarating kami sa bahay nina mama. “Eh, mommy she was Amethyst’ dad naman po eh. So hindi po siya stranger,” inosenteng tugon niya. Aba’y nagpaliwanag pa talaga. Kaya naman ay nagtaas na ako ng boses. “Kahit sino pa iyan, ayokong sumama ka kahit kanino! Naiintindihan mo ba Calla?” sambit ko sa kanya. “Bakit si Amethyst merong daddy? Ako wala?” Natameme ako sa tanong niya. Ito ang unang pagkakataon na tinanong niya ako ng ganoon. Umiiyak na tum

