Rachel’s POV NAGPAALAM sa akin si Cali na luluwas siya ng Maynila para bisitahin si Savanna. Yung nakababatang kapatid niyang babae. Sabi niya ay isasama raw niya ito pauwi dito sa Cebu para magkalilala raw kami. Nahihiya ako actually, kasi hindi ko pa masabi kay Calla ang estado namin ni Cali. Ayoko lang talaga kasing biglain siya. Ayokong malito rin siya. She is too young to handle what is happening with our life right now. I want to take it slowly. At isa ko pang iniisip ay kung paano sasabihin kay Cali ang katotohanan. Baby steps lang muna sana kumbaga. Isa pa, iniisip ko rin ang magiging reaksiyon ng pamilya ko, lalong-lalo na si mama at nanay lucing. Buti na lang hindi naman nag attempt na manggulo ni Amiel, simula ng pangyayari ay hindi pa siya nagpaparamdam sa akin. At mabuti n

