Rachel’s POV HINDI ko akalain na ito ang mangyayari sa pagpunta namin sa Manila, isinantabi ni Cali ang ego at pride para sa anak namin. At tatanggi pa ba ako doon? Marupok ako eh. Charot! Hindi. Actually ay iniisip ko rin ang kapakanan ng anak ko higit sa lahat. Gusto kong lumaki siya na mayroong mga magulang na buo. At kaya naman naming ibigay ni Cali. Mahal ko siya, at alam kong mahal niya rin ako. Nagpapataasan lang din talaga kami ng ego. Pero higit sa lahat, hindi lang para kay Calla, syempre gusto ko rin! Nasa master’s bedroom kami ni Cali ngayon. Mahimbing nang natutulog si Calla. Natagalan ngang matulog iyon dahil tuwang-tuwa siya na makasama kaming dalawa ng daddy niya. “Dito lang ako sa sala, just wake me up if you need something,” bilin ni Cali na nakatayo sa tapat ng pinto.

