Cali’s POV IT has been 5 years since my brothers were put behind bars. When Dad had his funeral and burial, nakabisita sila sandali at nakapagbigay galang sa yumaong Daddy namin. Minsan, dinadalaw ko sila pero ayaw din nila akong kausapin. Nagagalit sila dahil ipinakulong namin sila ni Dad. Naaalala ko pa nga ang sinabi sa akin ni Kuya Henry. Galit daw siya sa akin pero hindi naman daw sa puntong gusto niya akong ipapatay. Nakikita ko naman ang sincerety niya noong sinabi niya iyon. Just that, natakot na rin akong magtiwala. Gaya na lang ng ginawa sa akin ni Athena, na hindi ko man lang naramdaman hanggang sa huli. Well, if they are really innocent, then they have to prove it. Kahit kasi ang dalaaang lalaki na kumidnap sa akin ay naninindigan pa rin na sila ang utak mg pagkidnap at

