Chapter 14

1948 Words
    Lee Ann P.O.V   Nakita ko ang libro sa bahay ni zayn , naantig ako ng hawakan ito, dahil biglang bumukas ito, nakikita ko ang bawat titik na nakaukit, isang lenggwahe na ibang iba sa alphabet ngayon. May pagkakahawig sa baybayin. Ang mga titik ay parang may gustong iparating sa akin.   Naramdaman ko na may mga matang kanina pa nakatingin sa akin. Yun pala ang Daddy niya yung Pulis.   “Isang mahiwaga ang libro na iyan, kaya ingatan mo sana ang paghawak, o kaya maari ay ilapag mo na iyan, dahil kakain na tayo ng meeryenda” pagyayaya ng daddy niya   “wow naman daddy, tara na Lee Ann”   Kumakain na ako pero nakikita kong pinagmamasdan ako ng daddy niya. May naamoy kaya siya. Nakita ko na puro may halong karne ang meryenda na inihain ng daddy niya.   “Hindi mo ba nagustuhan, magluluto na lang ako ng lumpia kasi sabi ni zayn paborito mo d aw iyon”   “Hindi na po, magtitinapay na lang po ako”   Nagkuwentuhan kami ng daddy niya, nilibot ko ang paningiin ko at may isang tao ako na Nakita sa painting na para bang Nakita ko na dati pa.   Hinatid ako sa gate ni zayn, nagpaalam na rin ako sa daddy niya. Nakauwi na ako sa bahay at nagriring ang cp ko ,,,andami ko pala miscall galing sa nerd groups. Nasa messenger….   “hoy, lee ann bat di mo sinabi na di ka na pala pupunta” (With angry emoticon) si Isabel   “Oo nga, alam mo ba na maraming nangyari kanina, kay Isabel, kay Maryland at kay Lorenza” with heart emoticon si Gladys   “si Shiela pala?” tanong ko   “Alam mo ba na kinikilig silang tatlo ayieee” Gladys   “Si shiela ay nakikinig lang ohh”   Matapos ang kilig lovestory nila tumulog na kami. Pero ako di ako makatulog buhat ng mga nabasa ko sa mga mahiwagang libro ng daddy ni zayn. Mga letra na para bang may konekta sa akin. Mga sulat na tumutulak na basahin ko. May nabasa ako na isang pahina doon.   JULY 27, 2019……FULL MOON.. ISANG GABI AT ARAW NA MANGYAYARI SA LAST BLOOD. MANGYAYARI ANG HINDI MO MAASAHAN…   Mga salita sa libro ng isang pahina. Nalalapit na ang araw na iyon ano kaya ang ibig sabihin nun.   Nakita ko na full moon nga ang nasa kalendaryo. Kailangan ko malaman ang nasa loob pa ng libro.   Zufron P.O.V (daddy ni zayn)   Nakita ko ang bisita ng anak ko. Nahahalintulad siya sa dati kong kaibigan na si Granger. Mga kilos niya na may pagkakahawig, siya na nga kaya ang sinasabi ni granger sa libro. Ang sinasabing last blood ang taong magliligtas sa sangkatauhan. Siya rin kaya ang tinatawag nilang “Devil Angel” na nagliligtas sa mga naapi.   Sino ka ba Lee Ann?”   Narinig ni zayn ang sinabi ko “Dad, parang nagdududa ka kay lee ann ah?” takang tanong niya     “Kasi Anak kung siya nga ay bumalik na siya ang sinasabi sa libro,”   “Sino po? At ano pong libro?”   “kung siya nga  iyun ay.. kailangan niya bumalik sa pinanggalingan niya, ang kaharian ng mga vampire, dahil sa sinasabi ng oracle na sinuman ang makagat ng kahuli- huling   mud blood general, ay siyang tagapagligtas ng kaharian.”   Mud blood general – half human at half vampire, isang matapang na general sa kaharian ng mga bampira. Lumen Kingdom-  kaharian ng mga bampira.   “Dad, naguguluhan na po ako, maari bang ikwento mo po ang lahat sa akin”   “makinig ka anak”   227 bc May isang kaharian na wala sa mortal world. Isang kaharian kung saan ay mga bampira ang mga nakatira. Pinamumunuan ito ng mga matatapat na hari, na naging magkaibigan ng mga tao. Dati ay nagtutulungan pa ang mga tao at ang bampira, hindi sinasaktan ng mga bampira ang mga tao dahil dugo at laman ng hayop ang kinakain at iniinom nila. Dumating ang araw na naging vegetarian ang mga bampira. May mga tao rin na nakakapasok sa Lumen kingdom para makipagkalakalan. Ang lumen kingdom ay humahati sa dalawa na pinamumunuan ng dalawang hari subalit may pinaka hari  at reyna pa sila nakatira sa itaas.     Shadow world – kaharian kung saan itinatapon ang mga bampirang hindi sumusunod sa patakaran. Dito na inilalagay ang mga bampirang mga suwail, mga malulupit sila. Si Lucifred- ang tapat na hari nito, subalit dumating ang oras na naghiganti sya sa kaharian.   Brillian world- kaharian kung saan matatagpuan ang mga mababait at matatapang na bampira. Mababait sila di tulad ng shadow world, mas nananaig pa ang pagmamahalan kaysa pag aawayan.   Ang dating dalawang kaharian ay magkaibigan ngunit dumating ang alitan na ang pinagbintangan ay ang shadow world. Nagkaalitan at iniisip ng shadow world na kinakampihan sila ng nasa itaas, nagkagulo ang lahat dahil sa inggitan at isang masidhing alitan na hindi alam kung saan nagmula?   Nagkaroon ng giyera ang lumen kingdom, pinasok na rin nila ang mortal world. Hanggang ngayon ay hinahanap nila ang last blood ng mud blood. Isang orasyon ang kinakailangan. Ayon sa orakulo ay kailangang mabuo ang tatlo..ang last blood na mortal, ang libro at ang itinakda -ang anak ni lucifred. Itong tatlo ay kinakailangan upang masakop ang mundo.   Isang siglo pa ang lumipas ay naging magulo na ang lahat, dahil sa shadow king. Nasakop na nila brillan kingdom at ang nasa itaas. Sa takdang panahon bubukas ang lagusan sa pamamagitan ng mortal world at vampire world.    Si Xander Granger ang ay isang mud blood general ng nasa itaas na kingdom. Siya ang pinatago ng mahalagang libro- the book of powers.  Ang librong iyon ay idinala ni xander dito para mahanap ang last blood mortal. Pagdating ng takdang panahon ay kailangang makapunta ang tatlo para buhayin muli ang lumen kingdom. Kaibigan ko si xander granger namuhay siya na parang tao.   May mga palatandaan siya sa last blood vampire ito ay ang balat na parang paru-paro sa kaliwang kamay nito.   Ang itinakda ay anak ni lucifred na magpapalakas sa kanya sa shadow world. Ang anak ni lucifred ay itinakas rin ni xander pero ibinigay niya ito kay Felipo. Idinala rito ni xander ang itinakda upang hindi matuloy ang ibinabalak niyang plano. Isasakripisyo niya ang  buhay ng kanyang anak para sa sariling interes.   “Dad, ang sakim naman ni lucifred, bakit niya isasakripisyo ang buhay ng anak niya”   “ganun katindi ang kagustuhan ni Lucifred na maging hari kahit sariling anak ay isasakripisyo niya”     “kaya kailangan mahanap na natin ang Last Blood vampire dahil nasa atin na ang libro, at upang hindi mahuli ang lahat”   “pero dad ano ang koneksyon natin dyan, bakit pa natin pag aaksayahin yan?”   “dahil tayo ay may lahi ring bampira, ang kanununuan mo na si zufrino ay isang bampira na nagkagusto kay Ara ang lola mo sa tuhod. Si zufrino na tatay ng tatay ko, ay bumalik upang ipaglaban ang kingdom subalit natalo sila. Ang lahi natin ay matapat na tagapangalaga ng libro. Tayo ang dapat mangalaga ng tatlo.”   “nasaan na po ang pinakahari at reyna ng lumen kingdom?”   “Ayon kay xander, ang pinakamataas na hari at reyna ay humihina na ang mga kapangyarihan. Ang hari ay nahuli at nakakulong. Ang reyna ay nagtatago. Sa pagdating ng tatlo ay muling lalakas sila, hindi matalo ng pinakamataas kahit sila pa ang naglalang dito dahil kulang ang nagsisilbing kapangyarihan, nanghihina na rin sila dahil sa digmaan.”     “Paano natin sila mahahanap?” ang tatlo?” “Mayroon na akong binabantayan, pero kailangan ko pang patunayan kung sya nga?”   “Si Lee Ann ba?”   “ Oo”   Wala ka ba napapansin sa kanya?”   “Mayroon po, marami tulad ng hindi niya pagkain ng karne, ang mga kilos,”     “kailangan pa nating siguraduhing maiigi kung siya nga yung sinasabi ng libro”   “Bukas Dad may laro pa siya sa Archery, baka pwede mo tignan, umaga po yun”   “Oo! Sige matulog ka na muna, para makapagpahhinga ka na”   Umalis na ako at bumalik sa kwarto upang matulog. Iniwan ko si papa na nakatingin sa libro.   Zufron P.O.V   Umalis na si zayn habang ako naman ay tinititigan ang libro ni xander. Siya nga kaya ang tinutukoy ng mahiwagang libro. Kung siya man kailangan niya ng malaman ang lahat dahil konti na lang ang natitirang oras.   Kailangan ko na rin mahanap ang anak ni lucifred baka maunahan pa ako.   Hindi maari na sila ang magmamay ari ng mundo. Kunaumagahan……..   Sumama ako sa event kung saan ginaganap ang Archery Game Finals. Siyan a yung naglalaro, sa una nakikita ko na mukhang tulad lang siya ng normal na tao. Sa kalagitnaan ng event ay may nakikita ko ang isang enerhiya na nagmumula sa kanya na hindi nakikita ng normal. Nakikita ko ang kilos niya. I conclude na siya ang mananalo sa laban. Finally siya nga ang nagkamait ng championship.   Pero iba ang nararamdaman ko dahil may iba pang mga mata ang nakatingin sa kanya. Itim na enerhiya ang nakikita ko.   Tapos na ang laban ng biglang may isang grupo ng kalalakihan ang nanggulo. Hindi ko na Nakita pa si lee ann at may isang babeng naka itim ang lumitaw.   Maraming tao ang naghihiyawan, nagsisisigawan, nagtatakbuhan at nag iiyakan Nanatili lang kami ni zayn sa upuan para tingnan ang laban sa pagitan ng isang babae at ang mga gruo ng kalalakihan.   Napansin ko na agad ang watch ng isang babaeng nakaitim. Nakikita ko na balak ng grupo na kunin ang isang lalaki, sino kaya ang lalaki? Ano ang balak nila?   Nakikita namin ang laban, mukhang saglit lang na matapos ang laban ngunit may isang lalaking dumating. Hindi sya isang normal na tao Mayroon syang kapangyarihan at mukhang kasamahan sya ng grupo. Hinarap niya ang babaeng nakaitim. Malakas at maliksi kung kumilos, nakasuot sya ng shades na black, matangkad, maskulado ang katawan, at iba ang aura nito   Nasaktan sa kanang bahagi ang babae dahil sa dagger na hawk nito. Ngunit binalewala nya lang ang sugat at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban, mabilis na pinakawalan ng isang malakas na pagsipa ng babae at agad naman napaatras ang lalaki, nmay isang baril na hindi katulad sa akin, inilabas niya yun at pinatamaan sa kaliwang balikat ang lalaki. Natamaan ito pero bugbog sarado naman ang babae sa kanya hindi nakuha ng grupo ang target hanggang may nakaharang. Umalis na sila ng dumating sng mga pulis Sa mga mata ng tao ay normal na nakikipag away lang ang dalawang pagitan.   Pero kung titignan mo nang maiigi ay ibang iba ang mga pangyayari   Nawala na lang bigla ang babaeng nakaitim at biglang sumulpot sa tabi ng coach  si lee ann.   Lumapit kami kay lee ann at kinausap.   “Hi! Lee ann maari bang makausap ka sandali?”   “Bakit po?”   Itatanong ko na sana ng biglang sumingit ang isang lalaki.   “Saan ka ba pumunta? Di ba dapat nasa tabi lang kita, saan ka ba nag sususuot?, Nakita mo bang nagkagulo kanina?” sabi nito kay lee ann   “Ah eh…dito lang ako sa tabi ng coach ko,, kasi nga nagkagulo baka madamay pa ako noh?” palusot nito   “Tara na, ihatid mo na ako”   “Mamaya na lang po tito”   Lumakad na siya palayo kasama ang lalaki. Siya nga kaya ang anak ni lucifred at ang last vampire.   Nagkukuwnetuhan kami ni zayn ngayon sa bahay namin.   Prince kyxel P.O.V   Ako lang mag isa nanonood ng archery game final dahil bumalik ng maynila ang mga friends ko.   Hawak ko ang cp ko at denial ang number ng bodyguard ko ara samahan ko. Pero di niya sinasagot. Pinapanood ko na lamang ang mga player at isa doon ang bodyguard ko. Kaya pala di niya sinasagot dahil isa sya sa naglalaro. Patapos na ang game and as usuall she won again. Sino ba naman ang tatalo sa kanya eh napakagaling nya. Hindi lang halata. Pero ang ganda niya kapag naglalaro. Bakit ko ba sinasabi ito dapat maiinis ako sa kanya.   Patapos na ang game ng biglang may isang grupo ng kalalakihan ang nagtangkang guluhin ang game. Isang eksena ang live kong napapanood ngayon mala aksyon. Isang babae lamang ang kalaban nila Naging intense ang laban ng may sumulpot na isang lalaki na nakashade na may dagger. Nasugatan niya ang babae na nakahood na itim rin katulad sa kanya.   Nag uusap sila ngunit hindi ko marinig. Ang layo ko kasi eh. Parang isa sya sa mga  lalaki ang nasa panaginip ko.   Bakit parang may iba?   Sino naman itong babaeng ito? Para siyang superhero sa pelikula ah.   Natapos na ang laban na para bang walang nangyari bumalik sa kanya kanyang upuan ang lahat.   Pinuntahan ko ang bodyguard ko, dito lang pala siya makikita sa tabi ng coach niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD