Bridgette P.O.V
Ipinatawag ako ni ama upang tawagin ang mga taong nanalig at kumakapi sa amin. Mula sa ibat ibang kaharian na nasasakupan ng buong kaharian ng Lumen kingdom.
“Amang hari naririto na po ang mga taong kakampi natin.” Habang nakayuko
Nakahilera na ang mga taong gustong kumampi sa amin. Yung iba ay sapilitan kong ipinapunta gamit ang dahas.
Ang buong kaharian ng Shadow world ay walang atubiling sumanib sa amin. Sa isang kaharian naman ay sapilitang nakipag alyansa na sa amin. Dahil nalalaman nilang si Lucifred na ang magiging makapangyarihang hari sa sanlibutan.
“Ipinatawag ko kayo sa umagang ito upang ipabatid sa inyo ang pagsasanib pwersa ng dalawang kaharian. Dahil magaganap na ang paghahari natin at magwawakas na ang kinikilalang hari. Patay na ang itinuturing niyong hari at reyna. Kailangan nating sakupin ang mundo ng mga tao na nagpahirap sa atin. Sisimulan na natin ang paghahari ng shadow world” sabay halakhak ni Ama
“mabuhay Si Lucifred” sabi ng isang opisyales
Sinabayan na ng ibang nakapanood.
“Paano natin masasakop? Isinarado na ang lagusan sa kabilang mundo?” tanong ng isa
“Madali lang yan,buhat ng iniutos sa akin ni ama na bantayan ang aking kapatid ay nalaman ko na ang isa pang lagusan na matatagpuan sa isang eskwelahan” paliwanag ko
“Ang ibig mo bang sabihin ay narito na ang itinakda?” dugtong niya
Saka pumasok si Prince Eckel.
“Ladies and Gentlemen, I proudly introduce to you my Son, Prince Eckel”
Humarap si prince eckel sa madla at malugod siyang tinanggap ng mga taong naroroon.
“Ako bilang inyong prinsipe ang tutulong sa ating hari na pabagsakin ang sinuman na hahadlang sa ating paghahari. Hindi ko hahayaang isa sa inyo ang magtatraydor sa amin. Maliwanag ba?” sabi ni prince Eckel
“Opo, Mahal na prinsipe” sabi ng lahat habang nagbigay galang sa kanya
Ibang iba na ang pagkatao ni Prince Eckel mula nung namalagi na siya kung saan nararapat. Iba na rin ang takbo ng kanyang isipan. Ang nakikita ko ngayon ay isang mabagsik na leon.
Madalas na ring nakikipagsanay at nakikipag buno sa hari upang maging malakas.
Sinanay na rin ang iba pang bampira para sa nalalapit na paglusob sa mundo ng tao.
Konting oras na lang nalalabi ng mga tao.
Prince Kyxel P.O.V
Sinabi ko sa kanila na palaganapin ang kasamaan sa buong sanlibutan.
Inutusan kong buhayin ang mga masasamang tao na upang maghasik ng lagim at takot.
Itinanong ko kay ama kung saan nakabilanggo ang dating hari.
“Siya ba ang kinikilalang hari ng lumen kingdom? Nakakaawa naman. Alam mo bang kami na ang bagong titingalain na pinakamalakas sa buong mundo” sabi ko sa hari
“Wala kang galang sa dating hari” sabi ng kanyang alagad
“Pwe! Hinding hindi ako magbibigay galang sa iyo? Wala ka ng silbi sa kahariang ito” matapang kong sabi
“Nalamon na ng kasamaan ang iyong isipan, isa ka sa tinatawag na Trio Powers di ba?” tanong ng hari
“Oo, at kapag nangyari iyon kami na ang pinakamalakas hahahahahahahah”
“Hindi kayo magtatagumpay sa binabalak niyo” sabi niya
“Iyon ang akala mo” sabi ko
“Aaaaahhhhhhhh” sigaw niya habang hinihigpit ko ang silver na kadena sa bawat bahagi ng katawan
“Hahahahahahahahahahahah kung mabubuhay pa kayo” sabi ko at saka umalis na upang buksan ang lagusan sa mga tao.
Nag cast sila ng spell upang mabuksan ang secret passage.
“Mga alagad lusob” sigaw na sabi ko
“Opo mahal na prinsipe” at saka nag silipad sa ibat ibang bahagi ng lugar gabi iyon kaya hindi masyado kami makita
Pananakot lamang muna ang aming gagawin.
“Sino kayo?” sabi ng isang magsasaka
“Wala kang galang sa prinsipe ng mga bampira” sabi ng tauhan ko
“hahahahahahaha mga baliw na ba kayo hindi pa halloween party uy” dugtong niya pa
“Oh ito” at kinagat ko siya sa leeg
“Aaaack” sabi niya
Halloween party pala ha.