Lee Ann P.O.V
Papunta na ako sa first subject ko, nakakain na rin ako ng sariwang gulay at sariwang dugo ng manok na ligaw sa talukan. Hindi ko kinakain ang karne nito dahil vegetarian at iba ang lasa.
Papasok na ako sa room ko MD3 malapit sa marketing at may katabing MD1, at MD2, nakita ko na si Zayn doon sa pintuan na para bang may inaabangan. May bitbit na isang kahon na di ko alam ang laman siguro tsokolets yun.
“hey lee Ann, how are you today? Ah nga pala eto oh para sa iyo”
Inabot niya sa akin ang kahon, hindi ako makapasok sa room dahil hinaharangan niya ang daanan.
“Its Ok, kaya padaanin mo na ako ha dahil papasok na ako sa loob” sabi ko ng marahan
Nakita ko ang mga kaklase ko na naghihiyawan sa amin na para bang may nakikitang loveteam. Umalis ako at pumunta sa gilid ng MD1 sumunod siya upang hindi marinig ang pinag uusapan.
“why are you here and what is the purpose of that box” i asked him
“Well this box is for thanks giving, you save me last night, and i hope you will like it”
Tinanggap ko ang kahon, siyempre di ko tinangihan dahil ibibigay ko ito sa mga kaibigan ko. Pili lang ang kinakain ko.
“Thank you for this, Zayn, kaya makakalis ka na, wait, nga pala last night dont tell to everyone ang nangyari ”
“pwede bang maging friends kita”
“We are friends na, I already accept your suggestion”
Umalis na rin siya at nakita kong nag yes siya. Ngumiti siya ng para bang wala ng bukas.
Then nakita ko si Lorenza palabas ng building, sabi ng friends ko may bibilhin lang daw.
Ibinigay ko na ang laman ng box sa kanila, sino ba naman ang kakain na iyon di ba.
Lorenza P.O.V
Habang nag uusap si Lee Ann at Zayn umalis ako hindi ako nakapag wave sa kanila kasi busy sa pag uusap ayoko namang maistorbo sila di ba.
Andito ako sa labas ng building at nasa harap ng tindahan ng shomai, nagugutom na kasi ako. Hindi ko rin namang mayaya si Gladys at isabel dahil busy sa pangongopya ng assignment ko si Sheila naman pagod dahil sa training.
Bumili ako sa halagang 10 piso na shomai at nakasubo pa lang ako ng isa ng may nakabangga sa akin na isang lalaki, na may dalang buko juice at cheesedog. Lahat ng sauce at juice ay tumalsik sa akin at ang shomai kong may tuyo at bawang na may kalamansi ay nasa kanyang damit.
“Hey hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, nakikita mong dadaan ako hindi ka tumatabi,bulag ka ba miss, oh bat di ka makasalita dahil nabangga mo ako, kasalanan mo ito eh” galit na pasigaw na sabi niya
“ ako pa ngayon ang may kasalanan, eh ikaw lang naman itong bumangga sa akin hindi ka kaya tumitingin sa dinadaanan mo, at sino ka ba para bigyan ko ng daan, at ituring na prinsepe.”at nilakihan ko siya ng mata
“at sino ka bang babae ka, alam mo kung andito yung mga fans ko yari ka, ako lang naman si Dylan Ventura” at nag sign ng lagot ka
“So, whatever bwesit” pabulong ko habang umaalis
Iniwan ko siyang dismayado dahil sa namantiyahan kong damit, eh pareho lang naman kami. Pumunta ako sa C.R para magpalit ng extra shirt, syempre may baon akong dala. Pumunta na ako sa aking klasrom dahil malapit na rin mag start ng klase.
Pagkarating ko sa klasrom lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin maliban na lang kay Lee Ann eh sa walang pakialam yun sa chismis.
“Hoy Lorenza kalat na sa sss ang post na video sa inyo ni Dylan” palapit na sabi sa akin ni isabel
“ha patingin nga” nagtatakang tanong ko
Tiningnan ko ang video na nakapost, at laking gulat ko na ako nga ang nag viral.
Kanina lang iyon ang bilis naman kumalat
“Instant viral ka na beshie ang kaso ang raming nagbabash sa iyo at sabi nila yari ka raw pag nakita ka” Shiela
“Teka teka nga kanina pa ako naguguluhan sino ba yang lalaking iyan at andaming fans”
Sinearch ko si Dylan Ventura sa sss,twitter at i********: at laking gulat ko sa aking nalaman.
Si Dylan Ventura ay isang sikat na Varsity player ng OMSC at hindi lang dito siya nakikilala kundi sa iba pang kolehiyo sa Buong pilipinas, dahil pinapanlaban siya sa larangan ng basketball at tennis. Isa siya sa sikat na grupo na “Mystery Guys”. Isang mayaman, at 5’8 ang taas, may abs at gwapo raw. Iniidolo ng karamihan sa loob at labas ng bansa.
“Lagot ka friend binash ka sa sss” pananakot ni isabel
Dumating na ang professor namin sa subject at lahat ng estudyante ay mataimtim na nakikinig sa kanyang lecture. Samantalang ako kanina pa kinakabahan dahil sa mga naririnig at kung bakit ko pa kasi niresearch eh.
Lee Ann P.O.V
Alam ko ang mga nangyayari sa bawat galaw ni lorenza kanina, but i dont know the guy she encounter at nalaman ko lang sa sinasabi ni isabel at maryland.Hindi lamang ako nangialam o pinagsawalang kibo ko na lang, malay mo may chemistry na mabubuo di ba. I want to pretend na parang walang nangyari.
Then, pauwi na ako sa bahay,sakay ng aking motor na white. Nakaparking ako ngayon sa San Isidro, pasado na alas 6:00 ng hapon makulimlim na o lubog na ang araw, naghahanap na masisilo na hayop sa talukan. Kumakain na ako ng dugo ng tandang na manok ng may nakarinig ako ng mga putok ng baril na umaalingaw ngaw kaya ang mga ibon ay nagsilipad sa ibat ibang parte na para bang humahanap ng lugar na ligtas.
I want to know the situation and suddenly i saw a man inside the black tinted van with many armed person holding him. Meron akong night vision kaya nakikita ko sila.
Hindi ko namalayan na pinaandar ko ang sasakyan papunta sa kanila, parang may force na tumutulak sa akin. Lumiko ang mabilis na Van papunta sa Murtha, huminto ang kanilang sasakyan sa matalahib, mapuno at madamong lugar, na kung saan hindi na inadaanan ng mga sasakyan.
Ibinaba nila ang lalaki at tinutukan ng baril. Ipuputok na sana ang bala sa ulo ng lalaki nang inihagis ko ang maliit na bato sa kanyang kamay. Nalaglag ang baril at tumingin sa akin ang lalaki.
“ Sino ka para bawiin ang buhay ng taong iyan” sabay turo ko sa lalaki na biktima
“Who are you para pakialaman ang gawain namin, kaya kung ayaw mong mamatay umalis ka na” Sabi ng isang matabang lalaki na nakasuot ng face mask, ang taas ay 6’1, malaki ang katawan. Sabay senyas sa kanyang kasamahan na pigilan ako.
“Binibini, mukhang naliligaw ka ata rito malapit ba ang bahay ninyo dito.” Sabi ng isang lalaki na payat na may balbas na puti, medyo matanda na at may taas na 5’8,
“Oy huwag mong subukan iligtas ang taong iyan, baka ikaw ang isunod namin, gusto mo” Sabi ng isang lalaki na nasa 46 na ang edad, may taas na 5’9. Malaki ang tiyan at maliit ang ulo. Walang bigote at balbas.
“Lima kami, isa ka lang” sabay halakhak ng isang lalaki na malaki ang katawan, maraming muscle batak ang katawan sa exercise.may taas na 6’4. Maputi, at may madamong bigote.
Kahit na nakaface mask nakikita ko ang kanilang mga mukha. Ang kanilang tindig at kilos. Nasa van ang isa nagsisilbing look out nila.
Lumapit ang panghuling lalaki sa akin, then he slap and throw me away kaya napaupo ako sa damuhan.
“See nakikita mo ang ginagawa mo, bagay yan sa iyo” Fifth person said and laughed
Kahit na anong sigaw at halakhak nila,walang makakarinig dahil nasa dulo na ito ng lugar. I stand then walked through the fifth person. I slapped him too.
He chuckled, I know na gagamitin niya ang gun but I get it on him. I kick him to his back. Then the fourth one attacked before he shot the gun to me, mabilis akong nakapunta sa likod at hinampas sa batok ang baril at siya’y nakatulog. Next, the third one punch my stomach, I hold my it because it hurts. I shot him to his knee at napaluhod siya.
The second person, know how to karate, he acts as an experts on it. Di ko na pinatagal dahil I punch him to his face two rounds and on his stomach one rounds.
Akala ko pa naman magaling sa karate,style lang pala.
The last men standing is the one who hold his gun and pointing it on the victim. Dahil bampira ako, naunahan ko siyang magpaputok kaya natamaan siya sa balikat ng dalawang beses, at isa sa tuhod.
Actually ako lang siguro ang bampira na hindi marunong pumatay. Ibang usapan kapag buhay ang kanilang sinasaktan, I can kill and drink his blood for my loved ones.
Paalis na sana ako sa lugar na iyon ng tinawag ako ng lalaking biktima. He ran papunta sa akin. He asked who am i? but I should’nt said my real identity. The only word I said is “Call the police in this incidence and don’t tell anyone what I done, tell and lies that you shot them, or else I will do what I did to them” sabay turo sa kanila
Hindi Nakita ng biktima ang sasakyan na ginagamit ko baka makilala pa ako. Nakasalubong ko ang mga police and ambulance.
Umuwi ako sa bahay pasado alas 10 na ng gabi. Humanap pa kasi ako ng mga hayop na iistock na pwede isang buwan. I experiment my drink inside my room. I used different chemical and herbal na niresearch ko. I successfully done it alas 4 na ng umaga, ang hirap maperfect.
Pagkatapos ay natulog ako dahil sabado naman wala akong pasok at walang trabaho. Hinayaan na lamang ako ng magulang at kapatid na matulog at hindi istorbohin.