Sa Gymnasium sila nagpapractis at Nilapitan niya ang coach upang kausapin ito.
“hi! Sir May i talk to you for a while, it is all about Basketball practis”
“What is it?” Sir Rommel
“ Alam ko na araw –araw kayo nagpapractis dahil sa nalalapit na patimpalak, gusto ko po sana humingi ng favor, kakapalan ko na ang mukha ko, Kung pwede sana ay Magpapractis po ako ng basketball sa hapon or gabi or yung may bubong”
“Why Lee ann?”
“Baka po masunog po ang balat ko, mangingitim ho ako hindi na ako makikilala ng kaibigan ko.”
“No, we must in hurry because konti na lang ang panahon, ok lang naman kung mangitim ka eh matagal ka na ring maiitim” pabiro na sabi nito
“If you dont want po Hindi na lang din po ako sasali.”
“ok, ok, oo na magpapractis tayo ng may bubong but sunlight gives us energy, kailangan ng katawan mo yun”
“yan na naman si sir Science base” sa isip lang
“ Noted , kung maari po… may Gymnasium rin sa aming baranggay dun na lang din po ako magpapractis.”
“ Back to practice” Rommel
Natapos ang araw ng pagpapractis ng basketball, pagod ang lahat ng kasamahan niya, pero siya hindi man lang nahingal, hindi niya ito ipinakita upang hindi magduda.
“Bye, Guys See you tommorrow!” Ethel
“ ok bukas ulit yung mga gamit niyo ligpitin ninyo muna ha bago umuwi” Sir Rommel
“Yes, Sir”
Pauwi na habang naglalakad, nagkukwentuhan
“ Wow may sport ka pala sa basketball” Shiela
“Hindi naman ako nakakashoot eh, nang aagaw lang ng bola”
“Oo nga eh bawi ka na lang next time, ingat ka sa pag- uwi bye” Shiela
“ Ingat din sila sa iyo”
“Baliw ka talaga” Shiela
Naglalakad lang Si Lee Ann papunta sa sakayan. Nasa Zamora St. na siya nakarinig ng tinig na humihingi ng saklolo, isang tinig ng babae. Pinuntahan niya ang pinagmulan ng boses nadatnan niya ang apat na kalalakihan at isang dalaga na balak nilang pagsamantalahan.
Nasa madilim na sulok ng bonifacio St. , nakapwesto ang dalawang lalaki sa gilid ng dalaga na hawak ang tig isang kamay at ang isang lalaki naman ay tagapaghudyat, at ang isang lalaki na hubad na ang pang itaas na aakmang susunggaban na ang dalaga
“Ahem mga pare Gabing gabi na at dito kayo sa labas nanggugulo pa, Oops may babae pa kayong gagawing ulam hindi na tama yan?
“Kung sinuswerte ka nga naman oh may isa pa tayo na gagawing ulam,” Sabi ng lalaki 1- malaki ang katawan 5’5 ang taas , malaki ang tiyan at kalbo
“Hui, ineng wag ka nang mangi alam dito umalis ka na baka gawin ka pa naming pang – agahan pa” lalaki 2 naghawak ng kaliwang kamay ng babae, mahaba ang buhok, malaki ang tiyan , may bigote 5’2 ang taas
“Huwag ka na ring tumangkang tumawag ng pulis, baka di ako makapagpigil ikaw ang isusunod ko.” Lalaki 3 naghuhudyat sa kanilang apat , payat kulang kulang ang ngipin, mahaba at kulot ang buhok at 5’3 ang taas
“o kaya sumali ka na rin dito para mas maganda” naglalaway na sabi nito lalaki 4 maliit, sa gitna lang ang buhok na ka braid, may hikaw na bilog sa dalawang tainga at 5 lng ang taas
“ Ate tulungan mo po ako para mo nang awa” babae
“ Tumigil ka nga, tumahimik ka” sinuntok ng lalaki 2 sa tiyan ang babae
“Sobra na yata ang ginagawa niyo sa babae”
Mabilis na sinugod ni Lee ann ang lalaki 1 at pinabaunan ng suntok sa tiyan at ulo. Akmang susugod patalikod ang tagapaghudyat ay nalaman agad ito ni lee Ann kaya nailagan niya ang sasalubong na suntok. Sumogod naman ang lalaki 2 dahil sa mabils na pakiramdam ay nalaman agad nito ni lee ann kaya hinala niya ang kaliwang braso nito sinipa sa pagkalalaki nito.
Mabilis na tumakbo ang lalaki 3 na may dalang baril calibre 45 na itunutok sa ulo ng babae.
“Wag kang gagalaw kung hindi pasasabugin ko ang ulo nito” lalaki 3
“Kanina lamang nalilibugan kayo sa babaeng yan ngayon naman papatayin mo, nakakatuwa naman”
Pumulot siya ng maliit na bato at pinataas at baba na para bang pinaglalaruan.
“”Bato lamang sa iyo ngunit baril sa akin anong magagawa niyan nagpapatawa ka ba, hahahahahahaha” tumatawa ng malakas parang demonyo
“ito oh tignan mo”
Ang bato ay lumipad sa ere at tumama sa noo ng lalaki na nagpabagsak sa kanya at napaluhod ito.
“ Maraming salamat Miss utang ko ang buhay ko sa iyo, ang galing mo paano nagawa yun” babae
“ Tumawag ka na lang ng pulis at ireklamo mo ito upang hindi na makapanggulo, nagawa ko iyon dahil nangangailangan ka ng tulong”
“Ako nga pala si Lisa bagong salta sa lugar kaya hindi ko alam na marami ang mga tulad nila.”
“Kung maari sana kung ano ang nakita mo huwag mong sasabihin kahit kanino tungkol sa itsura ko.”
Agad na nawala si Lee Ann na para bang bula.
Dumating ang pulis sa pinangyarihang lugar, kasama ang mga magulang ng dalaga.dinakip ang mga suspect at kinuha ang baril at armas.
“Maraming Salamat!! kanina ka pa namin hinihintay ng tatay mo, Ayos ka lang ba anak?” Nanay
“Maaari bang sumama ka sa amin sa presinto upang hingan ng testimonya ukol dito” Pulis
“Ok po” lisa
Sa prisento nagising ang mga suspect at tinanggi ang paratang nito sa kanila.
“wala kang ebidensya na kami nga ang may tangkang gahasain ka” lalaki 1
“ Nagsisinungaling yan, paano naman namin gagawin yun” lalaki 2
“Paano? Nagtatanong ka pa may nadiskubre kaming isang calibre 45 at mga gamit tulad ng matatalim na kutsilyo sa inyong mga bulsa, nakakita kami ng fingerprint ninyo, may sasabihin ka pa ba?” Inspector
“Maraming salamat po inspector makakauwi na kami” Tatay
“dalhin ang mga suspect sa kulungan dahil sa salang ‘Attempted r**e’ Inspector
“ Pero bago ka umalis Miss Lisa maari pa bang tatanungin kita ng ilang bagay?” Inspector
“tungkol po ba sa pagkaligtas ko” Lisa
Oo, Sino ba ang nagligtas sa iyo”
‘’Madilim po ang mga pangyayaring iyon hindi ko po masyadong nakita ang kanyang pagmumukha ang natatandaan ko lang po ay babae po at hindi po kalakihan, mabilis po siyang kumilos, parang hangin nga po eh yun lang po ang natatatandaan ko’’ Lisa
“Maraming salamat din sa impormasyon na ibinahagi mo bukas po pupunta kayo dito upang i file ang kaso” Inspector
“Tuloy na po kami”
Umuwi na ng bahay si lisa at labis na tuwa ang nadama ng mag-asawa. Samantala si Lee ann habang papasok ng bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na nakaupo na hinihintay siya sa pagdating.
“Ba’t ngayon ka lang, alam mo ba kung anong oras na mag aalas 11 na, lee Ann yan ba ang oras ng uwian ninyo?” singhal ni Aling Corazon
“ Ma, alam niyo naman po na gabi ang uwian namin at nagpapraktis po ako ng basketball” giit na sabi ni lee ann
“Ano! sumali ka sa basketball di ba study ang prioritize mo, paano kung mapano ka pa diyan?” sabi ni mama
“Ma, its ok sumali ako dahil pampalipas oras ko lang po, nag aaral naman po ako eh kailangan rin ng katawan ko ng exercise” lambing na sabi nito habang niyayakap ang ina
“bakit kaya ang bilis kong kumilos kanina at natalo ko ang apat na lalaki, pero bakit hindi lumabas ang pangil ko, o kaya ang itim na kapa sa likod ko, sa ganung pagkakataon lang kaya yun lumalabas, i reresearch ko na lang yun bukas”
Nakatulog si lee ann na may tanong sa kanyang isipan. Kinaumagahan nagising si Lee Ann alas 8:00 na nang umaga, nadatnan niya ang kanyang mgamagulang na nagkukwentuhan.
“Good morning ma, pa ano po ang pinag uusapan niyo napakahalaga naman po ata yan ano ang atin” (habang naghihikab na nagmamano)
“Kanina ka pa ba diyan anak, wala naman ito ” Aling Corazon
“Asus, ano nga po yun? confidential ba iyan? At hindi ninyo masabi sa akin”
“tanghali ka na Lee Ann sa eskwela ano oras ba ang pasok mo?” Ama
“Magkape ka muna” Ina
“Ayan tayo eh iniiba ang usapan, ano nga po yun?”
“eh kasi.. alam mo naman na marami tayong utang kung kani-kanino at kung saan saan, Ang totoo niyan may ipinagkakautangan kasi kami at si Don Filipo, ang may- ari ng hacienda sa karatig bayan, kung hindi daw tayo makakapagbayd ng utang palalayasin at ikukulong kami ng ama mo” Nagsasalita habang tumutulo ang luha
“Sandali! What! paano nangyari na nagkaroon tayo ng utang kay Don Filipo kung sino man yun at magkano po ang inutang ninyo” Gulat na tanong nito
“Halagang kalahating milyon, inutang namin yun para sa ikagagaling mo ipinambayad sa hospital ang 300, 000, 100,000 naman sa lupang tintirikan ng bahay at 100,000 ipinambayad naman sa mga utang natin sa labas” hagulhol ni Aling Corazon
“eh kung magtago na lang tayo o kaya lumuwas tayo ng maynila, hindi rin kasi sasapat ang pinapadala ng ating panganay sa Kuwait” Ama
“ano ka ba naman Felix kahit anung tago mo makikita ka pa rin ni Don Felipo dahil makapangyarihang tao yun”
“ Inay, itay hindi natin kailangan magtago o kaya lumuwas ng maynila mayroon pa ring mga paraan para makabayad tayo, habang may bukas may pagasa, magtutulungan tayo pamilya tayo diba, Ilan po ba ang ibinigay na palugit”
“Tama ang anak mo Felix,…. Isang Buwan”
“Ano po” halos mabasag ang tasa ng kape sa narinig
“Tama ang inay mo”
“Sige po gagawin po natin ang lahat”
Halos manlumo at manghina si Lee Ann sa narinig niya dahil doon dala dala niya ito sa school at walang ganang pumunta sa practice.