‘’Mama naman ang aga- aga daig mo pa ang tilaok ng manok ng kapitbahay natin.’’ Good morning po, I Love You ma’’
‘’ lee ann harojusko buti na lang at nagising ka na, hindi mo ba alam na alalang alala kami sa iyo bata ka’’
‘’buti naman ate at nagising ka na ilang linggo ka na rin diyan sa kama ko’’ paliwanag ni Monica, pampito sa magkakapatid, morena at mahilig mag sss.
Nagtataka, naguguluhan sa nasambit ng kanyang kapatid.
‘’ Ilang linggo do you mean matagal na akong nakahimlay dito sa kamang ito kaya pala maraming surot ang baho ng kumot, ma, pa ilang linggo napo akong natutulog’’
‘’dalawang linggo na anak, kaya nga idinala na kita sa ospital at kung saan saaang mga albularyo para matingnan ka, ang sabi nila ay natutulog ka lang daw.’’
Nag isip nang malalim kung mayroon siyang natatandaan sa mga nangyari. Pero wala siyang maalala.
‘’oh siya kumain muna tayo at doon na lang natin pag usapan ang lahat’’ sabi ng mama niya
Habang kumakain ay napag uusapan nila ang nangyari nung gabing yun. ikinuwento ni aling Corazon ang pangyayari.
‘’alam mo anak, nakita ka ni Mang badong, kapitbahay natin, na nakahiga sa tabi ng daan, at nang madala ka niya sa bahay ay wala kang malay. Gabi gabi kang umuungol sa kwarto, na nangingisay at may mga salita kang ibinabanggit na ibang lenggwahe, at kung sa araw naman ay para ka lang natutulog.”
‘’ oo nga anak ano bang nangyari sa iyo nung gabing natagpuan kang walang malay.’’ Sabi ng ama
‘’hindi ko rin po alam pero para bang nawala ang memorya ko nung gabing yon.’’ Hinawakan niya ang kanyang sinitido at inaalala ang nangyari
‘’ hindi ba’t paborito mo ang adobong manok lee ann, bakit parang hindi ka kumain’’ ang tanong ng ama
‘’ gulay lang po vegetarian na po ako’’
Sa katunayan ay parang bumaligtad ang bituka niya ng makita niya sa karne. Kumibit balikat na lamang ito at hindi na napansin.
‘’tapos na po ako kumain pupunta lang po ako sa kwarto’’.
Lee ann POV
‘’ ano kaya nangyari sa akin, wala man ako sakit, headache, stomach ache o kaya tooth ache’’ minustra niya ang paghawak sa kanyang noo, tiyan at leeg
‘’lee ann okay ka lang ba, kanina ka pa tulala ah, may masakit ba sa iyo’’
‘’wala naman po ma!’’
‘’oo nga pala nagbigay ako ng letter sa school mo sa mga nangyari sa iyo, papasok ka na ba bukas’’
‘’opo, marami –rami na rin po akong hahabolin mga subjects sa school, Hihiramin na lang po ako ng mga notes nila at pag- aaralan ko na lang po dito’’
‘’oh siya aalis muna ako mamalengke pa ako ng uulamin natin para mamaya, iiwan na muna kita’’
‘’ sige po!’’
Isabel POV
‘’Good Morning mga Beshy waps, hay naku another subjects na naman, oy! May Assignment ka na? pa copy naman oh, sige na Lorenza, hindi kasi ako nakagawa ehh’’
‘’eh hindi ka naman gumagawa eh puro K POP boom boom naman kasi inaatupag mo’’ani ni Mary
Nagtawanan ang lahat. Nang biglang nagtanong si gladys sa kalagayan ni lee ann.
‘’kamusta na kaya si lee ann, ok na kaya siya’’ tanong ni gladys
‘’Sana magising na siya no para kumpleto na ang lahat’’ sabi ni Maryland
Tumonog ang bell at nagsipasok na ang lahat ng mga estudyante sa kani-kanilang classroom.