Binuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse para harapin ang kaniyang ina-inahan na si Diana. Mabilis na hinawakan nito ang braso niya't may pag-aalalang tiningnan ang kaniyang mukha. "Ano'ng nangyari? You don't look okay." Malambing nitong tanong sa kaniya. Ang magandang mukha ng ginang ay makikitaan nang pangamba habang nakatitig sa kaniya. May takot sa mga mata nito at hindi niya matukoy kung ano ang dahilan ng takot na 'yon. "Stop staring at me like you're scared of something!" mariing utos ni Shawn sa kaniyang ina-inahan. Gumuhit ang pagkabigla sa mala-anghel nitong mukha kasabay ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata nito. "S-Shawn. Nagtatanong lang naman ako. May karapatan naman siguro akong mag-alala sa'yo, 'di ba? Kilala kita, Shawn. Ilang araw ka nang ganiyan at alam kong

