Sa interrogation room, naroon si Toper na nakaupo sa tapat ng isang mesa. Ang kaniyang mga kamay na may posas ay nakapatong doon habang tahimik na naghihintay. Maya-maya pa'y pumasok na si Vito upang gampalaan siya ng ilang mga katanungan. "Tobby Perkinson..." Aniya sabay upo sa katapat nito. Inilapag niya ang hawak na papel sa mesa bago pinagsiklop ang sariling mga kamay. "Nasaan ka noong December sixteen, ganap na alas dos ng madaling araw?" pangunang tanong ni Vito sa lalaking tila hindi naman interesado sa kaniyang sinasabi. Bumuga ito ng hangin bago tamad na tumingin sa kaniya. "Sinabi ko na sa'yo, nasa bahay lang ako ng araw na 'yon! Lasing ako at ang mga kaibigan ko ang magpapatunay na hindi ako umalis nang gabing 'yon!" iritadong sagot nito. Vito caressed his chin as he watch

