Tumungo siya sa kung saan madalas silang magkita ni Vito. Sa exclusive bar na yon kung saan madalas tumambay si Wilbert. Kumuha siya ng isang exclusive table para sa kanila at doon na hinintay ang lalaki. "Kanina ka pa?" tanong nito ng dumating. Hindi niya 'yon tinugon bagkos ay itinuro niya ang upuan dito. Ngumiti naman ito bago umupo. "Anong nasagap mo?" paunang tanong niya bago tunggain ang alak na hawak. Inabutan niya rin ito ng isang bote na hindi naman nito tinanggihan. "Well, mayroon na akong balita tungkol kay Alfredo Bongcayao na saksi sa kaso," pagbabalita nito. Sumandal siya sa couche na kaniyang kinauupuan at pumikit. "Driver namin siya, Vito. Tinanong ko na siya tungkol sa kung ano ang nakita niya ng gabing 'yon ngunit wala siyang maibigay na matinong detalye," walang ga

