Kanina pa ko palingon-lingon sa mga kasamahan ko na nahuhuli kong nakatingin sakin pero bigla din namang mag iiwas ng tingin.
Napailing ako at tinapos nalang yung ginagawa ko
"Kate"
"Hmm?"
"Hindi kaba naiintimidate?"
Binaba ko yung ballpen ko at tumingin kay thea na nasa tabi ko na
"Bakit naman?"
Mas lumapit pa to sakin "Kanina kapa nililingon at pinag uusapan ng mga kasama natin dito. Kahit sa ibang department ikaw ang pinagpepyestahan nila"
Napairap ako "So? wala akong dapat ikaintimidate dyan."
"Seriously kate? You're just dating Azrael Montefalco. An acting COO of Montefalco Industry, and sir Rage best of friend. What do you think they are all thinking?" Madramang sabi sakin nito
"Thea. Hindi ko na poproblemahin kung anong iniisip nila. Besides, it's my life not theirs" Pinagpatuloy ko na ulit yung ginagawa ko.
"Just be careful. You know who's Azrael Montefalco"
Ngumisi ako dito "Ofcourse Thea. I know him well"
Napansin kong ngumiti na ito "Well. I'd rather date Josiah than Azi" mahinang sabi nito
Tumawa ako "Oh. Josiah ha? You're just dreaming of dating Josiah Montefalco. A CEO of J Montefalco Shipyard."
Nag iwas ito ng tingin at bumalik na sa pwesto nito.
Napangiti ako at tinignan ang phone ko.
Still no text?
Its been a week since we slept together in his condo.
Nasa ibang bansa sya ngayon dahil may idideal syang business. Pero sobrang busy ba nya para hindi ako itext?
Napabuntong hininga ako.
Well. I'll just focus on my work then.
"What are you looking at people? Go back to your places"
Nadinig kong nagkagulo yung mga kasamahan ko at nagsibalikan sa mga pwesto nila.
"Kate"
Lumingon ako kay Julianna
"Yes Ma'am?"
Umirap ito sakin "Cut the Ma'am."
Ngumiti ako dito "Bakit ba?"
"Rage wants to talk to you" Halos pabulong na sabi nito
Napakunot noo ako dito "Seryoso ba yan?"
Umiling ito at ngumiti "Pumunta kana lang don sa office nya. He's giving you.." tumingin ito sa relo nya "5 minutes."
"What?!" tumayo nako sa upuan ko "Dapat kanina mo pa sinabi. Sira kaya yung elevator, seriously Julianna. I will kill you later"
Tinawanan lang ako nito kaya tumakbo nako paakyat. Hindi ko na pinansin yung mga nabubunggo ko na pababa ng hagdan.
Nasa 16th floor lang naman ang office ni Sir Rage at nasa 12th floor kami.
Wow! Kamusta naman ang itsura ko pagdating don?
Halos habulin ko yung hininga ko ng makarating ako sa tapat ng office ni sir.
Pinunasan ko muna yung pawis ko at inayos ang damit kong nagusot.
Binuksan ko yung pinto at nakita kong nakaupo si sir patalikod.
Tumikhim ako "Good day sir. Pinapatawag nyo daw po ako?"
"Your 2 minutes late"
Nanlaki ang mata ko ng lumabas si sir Rage galing sa kabilang pinto.
"Sir!"
Tumingin ito sakin "Oh? Bakit mukang gulat ka?"
"But.." lumingon ako sa taong nakaupo sa pwesto nya at unti-unti itong umikot at humarap sakin.
Nakangising tumayo ito at inayos ang colar ng suot nya.
"Miss me?"
Hindi pa din ako makapaniwala na nasa harap ko sya kaya hindi ako makapag salita
"Uhm.."
Hinapit ako nito palapit sa kanya at niyakap ako.
Napapikit ako at niyakap ito pabalik.
"I miss you" bulong nito sa tenga ko.
Binaon pa nito ang ulo nya leeg ko.
Bumukas yung pinto kaya medyo kumalas ako sa pagkakayakap dito.
"Dont worry guys. It's just me" Pumasok si Julianna at dumiretsong naupo sa sofa.
Tumingin ako kay Azi na nakatitig sakin
"Why you didn't tell me na ngayon ang uwi mo?"
Ngumiti ito "I want to surprise you"
Tinitigan ko ang muka nito. Still handsome kahit na malalim ang eyebags nito at medyo tumubo ang bigote nya.
Hinalikan ako nito sa pisngi "I miss being with you"
Tumikhim si sir Rage "Not in my office, please"
Humalakhak naman si Azi "Oh Man. I'm not you"
Tinignan ni sir Rage ng masama si Azi "Shut your mouth"
Kinurot ko si Azi "Tumigil ka nga"
Nakangisi itong tumingin sakin "What?" bulong nya "I'm just teasing him."
"You should catch up you know? Ilang weeks din kayong di nagkita. Besides,l laging malungkot si kate nung wala ka"
Nilakihan ko ng mata si Julianna.
"Really?"
Nag iwas ako ng tingin dito "That's not true. I've been busy in my work"
"What work are you talking about Ms.Piado? Baka akala ni Azi pinapahirapan kita dito. Well, in fact wala talaga kong pinapagawa sayo this past few weeks"
Napalunok ako sa sinabi ni Sir rage.
Kailangan talagang ipangalandakan nya pa? Sa harap pa nitong si Azi ha?
"Sabi ko nga sa kanya sakin nalang sya magtrabaho para magkasama kami. Ayaw naman nya, she's loyal in your company man!"
Bahagyang ngumiti sir Rage "I know. Shes a loyal woman just like my wife"
Napakunot noo si Azi "Wife?"
"Yeah, Julianna is my wife"
Namula ang pisngi ni juliana "Pwede ba Rage? Hindi pa no"
"Hindi pa" mahinang sabi nito na nadinig naman namin.
"Anyway. Can I borrow her?" Turo ni Azi sakin
"Sure. But is it fine to you Kate kung bawasan ko sweldo mo?"
Nanlaki ang mata ko kay Sir rage.
"Sir?"
Tumawa ito "Just kidding. Sure man, you can have her"
Ngumiti si Azi "Thanks. Pano? Kita nalang ulit tayo?"
Tumango si sir Rage. "Sure"
Ngumiti sakin si Julianna "Ingat"
Ngumiti din ako "Yeah. Thanks"
Sabay kaming lumabas ni Azi.
Nakatingin samin lahat ng nandito. Hinawakan ni Azi ang kamay ko
"Did you miss me?"
"May kasalanan kapa sakin"
Saglit itong natigilan pero agad ding nakabawi.
"Anong kasalanan ko?"
"Lets talk later"
Napatingin kami sa elevator na may lumabas na.
Mukang okay na yata. Sumakay na kami don
"Kukunin ko lang yung gamit ko sa department namin. Mauna kana?"
Tumingin ito sakin "Antayin nalang kita sa parking?"
Tumango ako "Mabilis lang ako"
Naghiwalay kami ni Azi at bumaba ako sa floor ng department namin.
Napatingin ako kay Thea na may kausap sa phone nya.
Kinuha ko yung bag ko at inayos ang mga papel sa table ko. Napatingin ako sa salamin sa may table ko at halos himatayin ako sa itsura ko.
Just Omygod! Nagkalat ang maskara sa muka ko dahil sa pawis ko kanina. at yung buhok ko! Tikwas-tikwas.
Nakakahiya. Humarap ako ng ganto kay sir Rage? Sa mga kasamahan kong nakatingin sakin kanina, and worst kay Azrael.
Pero bat di manlang nya sinabi? Nakakainis!
Kumuha ko ng tissue at dumiretso muna sa cr. Inayos ko yung makeup ko at pati buhok ko.
Naglagay din akong face powder at nagpabango. Nang maging ok na ko sa ayos ko ay tyaka ako lumabas sa cr at nagpunta ng parking.
Hindi nako nagpaalam kay Thea na busy sa pakikipag usap. Itetext ko nalang sya.
Hinanap ko ang sasakyan ni Azi.
Papalapit nako sa kotse nya ng makita kong may kausap itong babaeng naka id ng katulad sakin.
Kumunot ang noo ko ng tumawa sila at hinampas pa sya nung babae.
Hindi ako pamilyar sa muka nya, siguro sa ibang department.
Wala naman kase kong balak alamin lahat kung sinong kasamahan namin dito.
Inayos ko ulit yung itsura ko bago pumunta sa kanila.
"Are you done?" Tanong ko sa mga ito
"Yeah?" lumingon sakin si Azi. "Oh! I mean. Yeah, lets go?"
Nauna nakong sumakay sa sasakyan nya. Hindi ko na hinayaang pagbuksan nya ko.
Bago pa ito pumasok ay may sinabi pa sya sa babaeng kausap nya.
Inistart nya yung sasakyan at lumingon sya sakin
"Are you hungry? Kumain muna tayo?"
"San ba tayo pupunta?"
"Sa condo ko"
Napangisi ako "Yeah, right."
"What?"
Hindi ko ito pinansin at nag play nalang ng music.
"Lets eat first" Pinal na sabi nito.
Tahimik lang kami sa biyahe. Mahinang sinasabayan ko na nga lang yung kanta ni Taylor swift na we are never ever getting back together.
"Ano yung kasalanan ko sayo?"
Napalingon ako dito "Wala. Kalimutan mo na"
"Do we have a problem Kate?"
Tumingin ako sa labas ng bintana "Wala?"
Hindi na ito sumagot pero maya-maya lang ay hinawakan na nito ang kamay ko.
"Tell me. May nagawa akong mali?" Saglit itong lumingon sakin
"Eyes on the road Azrael. wala kang ginawa ok?"
Binatawan nito ang kamay ko ng kailangan nyang hawakan yung manibela.
"Wala? Then why are you like this?"
"What?" Tumingin nako dito
"Meron kapa din ba?" Kunot noong tanong nito
"What kind of question is that?" Naiinis na sabi ko dito
Kahit ba kelan yun nalang nasa isip nya? f**k buddy kami ganon? Ha! Ano pa nga ba Kate?
"Para kaseng meron ka. Iritado ka sakin, tinatanong naman kita kung may nagawa ba kong mali?"
"Wala nga diba"
"I can't understand you"
"Wala kang ginawa Azi. As in wala." Wala kang ginawa para itext manlang ako. Wala kang ginawa para kamustahin ako.
Ang alam mo lang ay sabihing miss mo na ko. Thats all. Miss kase sa s*x?
"Are you mad because i didn't contact you?"
Napairap ako
"I'm sorry babe" hinawakan na ulit nito yung kamay ko at hinalikan
"Busy lang talaga ko non, hindi ko nakuhang hawakan yung phone ko, after kong makipag usap sa mga kliyente. Uuwi lang ako para matulog, kinabukasan ganon na naman."
Lumingon ako dito.
"Kahit isang text?"
Seryoso itong nakatingin sa daan
"Akala ko kase ok lang sayo dahil pareho tayong may ginagawa. Sorry babe, babawi ako"
Napabuntong hininga nalang ako. Ano nga bang alam nito? He used to be a playboy. O baka naman hanggang ngayon pa din?
Pumikit nalang ako at umiling.
"Yeah. Okay na yon" Mahinang sabi ko
Napatingin ako dito ng huminto kami sa gilid ng highway.
"May problema ba?" Tanong ko dito.
May kinuha ito sa bulsa nya
"Mamaya pa dapat to. Kaya lang ayoko namang hanggang mamaya nagtatampo ka sakin"
Napatingin ako sa hawak nitong box.
Binuksan nito yung box at nilabas ang kwintas na may ruby na bato.
"Nung nakita ko to, naisip agad kita. well in fact lagi naman kitang naiisip nung nandon ako. Hindi kita tinext kase ayokong maabala ka din sa trabaho mo, naisip kong mas mabilis, kung tatapusin ko nalang kagad yung trabaho ko don para makita kagad kita. Here" lumapit ito sakin "Ako na magkakabit sayo nito"
Hinayaan ko syang ikabit yung kwintas sakin. Hinawakan ko ito
"I knew it. It looks good on you"
Napanguso na ko " I'm sorry"
Hinawakan nito ang pisngi ko "Sorry? Hindi ba dapat thank you ang madinig ko sayo?" Bahagya itong tumawa
Parang nanlambot ako ng madinig ko ang tawa nya. Masyado ba kong selfish na sariling feelings ko lang yung iniisip ko?
Diko kase alam kung anong mararamdaman ko. Lagi akong nalilito sa dapat kong paniwalaan.
Nagtubig ang mata ko.
"Hey. Do you like it?"
Tumango-tango ako at hindi tumitingin dito.
Asan ang tapang mo ngayon Kate?
Hinawakan ulit nito ang pisngi ko at inangat ang muka ko.
Napakunot noo ito "Why are you crying?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng naiyak.
"I'm sorry"
"Hey. Why?" Niyakap ako nito kahit mahirap yung posisyon naming dalawa.
"I've been selfish to you. Nagalit ako kase di mo ko kinontak pero dapat hindi naman ako magalit kase pareho naman talaga tayong may trabaho. Nagiging childish ako" Humagulgol na talaga ko at lalo pang naiyak ng tinawanan lang ako nito
"Shh. Babe, it's fine. May kasalanan din naman ako. I should texted you. Sa susunod diko na uulitin yon, okay?" Hinagod-hagod nito ang likod ko.
Pinunasan nito ang luha ko at hinalikan ako sa labi.
"Wag ka ng umiyak"
"Sorry" Mahina ko ulit na sabi
"Just say that you miss me, and we're good"
Tumingin ako dito " Imissyou so much Azi"
Ngumiti ito "I miss you alot. Sa condo na tayo kumain?"
Tumango ako dito at ngumiti
Pinaandar na ulit nito ang sasakyan. Hindi na nito binitawan ang kamay ko.
"Next time wag ka na ulit iiyak ng ganon"
"Bakit? Kase ang panget ko?"
Mahina itong natawa "You've never been ugly in my eyes, though. Kahit na kalat ang makeup at sabog ang buhok mo"
Nag init ang pisngi ko ng maalala ko yung itsura ko kanina.
"Hindi mo nga sinabi sakin kanina na ang panget ng itsura ko"
"I told you babe. Kahit ano kaseng ayos mo, maganda ka sa paningin ko. Kaya bakit ko sasabihing mag ayos kapa kung ayos kana para sakin?"
Naramdaman kong nagkagulo ang kung ano sa tiyan ko.
Gutom na yata ako?
"Azi?"
"Hmm?"
"Wag kana ulit makikipag usap sa ibang babae kung di naman importante"
Saglit itong lumingon sakin "Why?"
Napalabi ako "Ayoko lang"
Ngumisi ito "Nagseselos ka?"
Kinagat ko yung labi ko"Basta, pag nakita kong nakipag usap kapa sa ibang babae. sasabunutan ko kagad"
"That's my girl"
Napangiti ako.