Mabilis kong tinapos lahat ng trabaho ko dahil anong oras na din. Magkikita pa naman kami ngayon ni Azi
Kinuha ko yung phone ko at tinext ito.
Naupo muna ko saglit at nilingon si Thea na may kausap na naman sa phone nya, Ngiting-ngiti na naman sya pero ng mapalingon ito sakin ay kumunot ang noo at tumikhim.
Napangisi nalang ako at nag iwas ng tingin. Nitong nakaraang araw kase ay nakita ko syang sinundo ni Josiah tapos nagpalit pa sya ng profile nya sa sss na kasama si Josiah sa restaurant.
Nung tinanong ko naman sya todo tanggi agad.
Nang mag vibrate ang phone ko ay chineck ko kagad kung sino nagtext.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang text ni Azi na nasa office sya ni sir rage.
Nag ayos agad ako ng sarili at nagmadaling sumakay ng elevator. kumaway nalang ako kay thea
Nagreply ako dito na papunta nako sa Office.
Huminga muna ko ng malalim at tyaka kumatok sa office ni sir.Pagbukas ko ng pinto ay agad akong ngumiti pero agad ding napawi ng si sir rage lang ang nandon at nag angat ng tingin sakin
"Kate."
Ngumiti ako dito at pumasok "Uh sir." nilibot ko ang paningin sa buong office nito
"Do you need something?"
"Uhm." Alangan akong ngumiti "Si Azrael po?"
Kumunot ang noo nito "Azrael?bakit mo naman sakin hahanapin ang boyfriend mo?"
Napakagat ako sa labi "Sabi po kase nya nandito sya?"
"No, He's not here"
Tumango ako dito "Tetext ko nalang po sya"
Napakunot noo na din ako ng tumalikod ako kay Sir rage, Bakit naman sasabihin ni Azi na nandito na sya?
"Wait kate"
Lumingon ako dito "Sir?"
"Nanggaling kana ba sa Ayala?"
"No sir,si julianna po yung nagpunta nag presinta po sya.Hindi nya po ba nasabi?"
Kinuha agad nito yung cellphone nya at may tinype "She's really stubborn" bulong nito
Nako patay ako kay Julianna.
"Lalabas napo ako sir"
"No."
Nanlaki ang mata ko "Sir?"
Nag angat ulit ito ng tingin sakin "Nasabi mo ba kay Azrael na dapat pupunta kang ayala?"
"Yes sir.tinext ko po sya kanina bakit?"
"Sinabi mo sa kanya na hindi ka tumuloy?"
Lalong kumunot ang noo ko
"Hindi ko na po nasabi"
Tumango ito at tinapat ang phone nito sa tenga nya.
"Im calling him"
"Sir?"
Hindi ako nito pinansin at tumayo.
"Azrael?"
Tumingin sakin si Sir rage. He call Azi? why?
"Where are you?"
Kumunot ang noo ni Sir at tumalikod sakin. "Your girlfriend is already here in my office, Be here on 10 minutes or else."
Humarap na ito sakin at binaba na ang phone nya.
"You sit first, Nandito na sya in 10 minutes"
Kahit nagtataka ay umupo nalang ako, Si Azi nalang ang tatanungin ko mamaya kung bakit sinabi nyang nandito na sya.
Wala pang 10 minutes ay dumating naman agad si Azi medyo hinihingal pa nga ito at parang pawis na pawis at gulo pa ang buhok pati yung pagkakatiklop ng long sleeves nya.
Pero ng makita ako nito ay medyo umayos ito at ngumiti sakin.
"Hi babe"
Ngumiti ako dito "Hi"
Lumapit ito sakin at hinalikan ako sa pisngi. Tumikhim naman si Sir rage kaya nilingon sya ni Azi
"Rage.Kunin ko na si Kate ha"
Tumango si Sir "But can we talk first?" Tumingin sakin si Sir rage "Can you wait outside Kate?"
"Uh yes sir"
Hindi nako nagtanong at lumabas nalang kagad.
Ano naman pag uusapan non?
"Kate"
Napatingin ako sa tumawag sakin.
"Oh julianna? Ang bilis mo naman yata"
Umirap ito "Hindi ako natuloy.Si Rage kase pinabalik ako may emergency daw!"
"Emergency?" Wala namang emergency ah. Nang makita ni Julianna na nagtataka nako napasimangot na ito.
"Damn that Man! Where is he?Nandito ba?"
"Ha?Oo"
Nagmamadali itong naglakad papunta sa office ni Sir Rage.
"Wait Julianna nag uus--"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng buksan na nito yung pinto
"Because your f*****g asshole Azrael and thats your fault!"
Nanlaki ang mata ko ng madinig ang sigaw ni Sir rage.
Mukang nabigla din si Julianna dahil nabitawan nito yung envelope na hawak nya.
Hindi ko na tuloy napigilan at nagpunta na din sa pwesto ni Julianna at naabutan kong hawak ni Sir rage si Azi sa kuwelyo nito.
"Omygod!"
Binitawan ni Sir rage si Azi at napahilamos sa muka nito at tumalikod.
Hindi kagad ako nakakilos kaya si Julianna ang naghila sakin papasok at sinarado nito ang pintuan dahil nakaka agaw atensyon na dito.
"What's happening here rage?" Kinuha nito yung nalaglag na envelope at lumapit kay sir rage.
"Nothing, Kate you should bring your boyfriend outside of my office before I could punch him"
Napalunok ako at napatingin kay Azi na nakangisi lang at napapailing
"You know what's funny Rage? Your playing safe when in fact were just the same"
Humarap ulit dito si Sir rage, Seryoso ito at matalim ang tingin kay Azi
"You should shut your mouth Azrael, we both know that we are not the same. I may be not that sane. But, I'm not a total garbage like you"
Hinawakan ni Julianna ang kamay ni Sir Rage kaya napatingin ito doon
"Enough Rage, please"
Huminga ito ng malali, bahagya namang tumingin sakin to at sumenyas na ilabas ko na si Azi.
Tumango nalang ako at tinignan ulit si Azi na nakatingin na sakin ngayon.
"Let's go" Hindi ko alam kung nadinig nya ba ko dahil halos hindi ko din naman nadinig yung boses ko.
Lumabas nalang ako ng office at naramdaman kong kasunod ko si Azi.
Dumiretso na lang ako ng elevator, sumunod ito sakin. Tahimik lang kaming dalawa at walang umiimik samin kahit isa.
"Did you bring your car?"
Napalingon ako dito ng magsalita ito.
"No."
Tumango ito
Nang makarating kami sa parking lot ay pinauna nako nitong lumabas, medyo naglakad lang kami ng konti ng makita ko na sasakyan nya.
Sumakay na kagad ako at inantay nalang ito makasakay. Sumulyap pa ito sakin bago nya inistart yung sasakyan nya
"Kumain muna tayo"
"Ihatid mo nalang ako sa condo, Medyo pagod kase ko ngayon"
Tumikhim ito "Natagalan ka ba kanina don sa pinuntahan mo?"
"Hindi ako natuloy pumunta don, si Julianna nalang nagdala"
Nakita ko pang nilingon ako nito "Bakit hindi mo sinabi sakin? Ang akala ko ay mamaya ka pa"
Tumingin nalang ako sa labas. "Kaya ba sinabi mong nasa office kana ni Sir?"
"I'm sorry"
Tumingin ako dito "Why are you saying sorry?"
Bumuntong hininga ito "Dahil sinabi kong nandon nako sa office ni Rage."
"Bakit nga ba?"
"Ang akala ko kase natuloy ka sa pinuntahan mo, I wanna surprise you na nauna ko don pero it turns out that you surprised me instead."
"You're saying sorry for that?"
"Yeah, sorry"
Tumango ako "Okay, then"
"Okay?" Bahagya itong lumingon sakin.
Napataas ako ng kilay "Yup. Bakit?"
"Akala ko kase magagalit kapa"
Ngumiti ako dito "Why would I?Nagpaliwanag ka na sakin and that's enough for me."
Bahagya itong ngumiti at hinawakan ang kamay ko. Hinalikan nya ito
"Thank you babe"
"Azrael."
"Yes?"
"Do you want to have a vacation with me?"
Natigilan ito at naguguluhang tumingin sakin
"Why so sudden?"
Nagkibit balikat ako "Have a vacation with me and I will file my leave this week, be with me Azi"
Natawa ito "Babe, Ako dapat nag aaya sayo ng ganyan"
"Inaaya na nga kita, Ayaw mo paba?"
Ngumisi ito "Ok. We'll have a vacation next week"
Lalo akong napangiti "Great! Thank you Babe"
"No problem"
Tumingin ulit ako sa labas at naalala ang text ni Kate sakin ngayon lang.
Kate, Azrael is in trouble, Rage told me everything ayokong pangunahan sya pero you're my friend and I care about you. Kate I know this will be hard. But, you need to decide now, Nakabuntis si Azi at they are planning to get married.
Napakagat ako sa labi ko at napapikit, Just a week and I promise to let him go.
Just a week with him and I will let him know what I really feel about him.
Just a week to feel him again, a week of being stupid.
"Azi"
"Yes babe?"
"I think."
I love you now.
"Babe?"
Huminga ako ng malalim at dumilat tyaka ito nilingon, Ngumiti ako sa kanya
"I think im hungry, Let's eat first?"
Humalakhak ito "Sure."
Tinitigan ko ito, I'm gonna miss everything about him.
I will miss every moments that we had, the simple conversation, the smile, and his laugh.
How can I still love the person who is currently lying at my face now? I couldn't say that he cheat on me.
I'm not even his girl friend. I don't know what I should name our relationship.
Wala pa ngang label, matatapos na agad.
Gayle Writes