Matapos ng nangyari sa office ni rage, hindi na din kami masyado nagkita ni kate. Nakikipag kita ko sa kanya pero madalas may ginagawa sya sa office o busy daw sya, diko alam kung iniiwasan nya ba ko ano.
Pero baka hindi din naman? ayoko sanang pumunta ulit sa office ni rage kasi hindi pa kami nagkaka usap ng maayos non, mamaya umusok na naman sya at mainis na naman ako.
Kaya lang miss na miss ko na si kate, kailangan magkita na kami. kaya kahit labag sa loob ko, matapos ang trabaho ay dumiretso ko sa opisina nila rage.
Hindi ko alintana ang pagtingin sakin ng ibang empleyado at kabi-kabilang bulungan nila, deretso lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa eksaktong floor kung san ang office ni rage, makikipag usap muna ko sa kanya.
Pero bago pa man ako makarating sa office nito ay natanaw ko kagad si Kate na tumatakbo, kilalang kilala ko to kahit nakayuko pa.
"Kate?"
Nag angat ito ng tingin sakin.
"Azi"
Hindi ko na halos nadinig ang sinabi nito dahil humikbi na agad ito, lumapit ako dito at pinunasan ang luha nya.
"What happened? tell me" Sinong nagpaiyak sayo? siguradong mananagot sakin.
Umiling ito pero kasabay non ay ang pag iyak nito lalo, damn girl.
Niyakap ko kagad ito "Babe. Anong nangyari? Shh. dont cry"
Humigpit namang lalo ang yakap nito sakin.
"Azrael ano na namang ginawa mo?"
What?gago talaga to. tinignan ko si rage.
"Rage,kadadating ko lang at naabutan ko syang ganto. Tell me? Anong nangyari?"
Hindi ito sumagot at mukang nanguguluhan din sa nangyayari, nanatili namang nakayakap sakin si kate.
"Iuuwi ko na muna si kate. Thea, paki sunod nalang yung mga gamit nya sa sasakyan ko"
Tumango nalang si thea na syang kasunod ni rage, hindi nako nag paalam kay rage dahil naiinis pa din ako. Hinatak ko nalang si kate dahil umiiyak pa din to, nakatingin na samin yung mga kasama nya sa trabaho pero wala akong pakielam, ang mahalaga maialis ko dito si kate.
Kahit nahihirapan akong maglakad dahil nakayakap pa din sakin si kate ay ayos lang, ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit umiiyak pa din to.
Isinakay ko kagad sya ng makarating kami sa sasakyan ko, hindi agad ako umalis sa gilid nito.
"Babe,may nangyari ba?"
Umiling na naman sya pero mas lalo lang naman syang umiiyak, napabuntong hininga ko.
"Its ok if you cant tell me hmm?" Hinagod ko ang likod nito
"Eto gamit nya"
Napatingin ako kay thea na dala ang gamit ni kate, umalis ako sa tabi ni kate para kunin yung gamit nito kay thea.
"Thankyou thea"
"No problem"
Nilapag ko yung bag nya sa tabi nito, binuksan ko ito at kinuha ang panyo nya. She's still look pretty kahit na pulang-pula na ilong nya kakaiyak at mugto yung mata nya.
But i dont like her crying, mas gusto kong makita yung kagandahan nito pag nakatawa o nakangiti.
"Singa na" biro ko dito
Hindi manlang ito natawa at hinawi lang yung panyo.
Bumuntong hininga ako "Im just trying to make you laugh"
Inayos ko nalang ang buhok nito na nakasabog sa muka nya dahil sa pawis "Hindi ako sanay na ganyan ka"
Tumitig lang ito sakin.
Hinipan ko yung muka nito at napapikit naman sya "Pawis na pawis ka kakaiyak."
Napaiyak na naman to, f**k. Sino ba nagpaiyak dito? hindi ako sanay ng ganto sya
"Bakit umiiyak ka na naman?" pinunasan ko ulit ang luha nito
"Azi"
Tumigil ako sa pagpunas ng luha nito,atlast she talked. What is it babe?
Napahikbi ito "Azi."
"Why babe?" hinawakan ko ang muka nito. tell me what's bothering you my love
"Im hurt"
"Where?" Tangina kanina pa kami magkasama may masakit pala sa kanya? hinawakan ko ang braso at legs nito
"Nasugatan kaba kanina? Saan?"
Umiling ito "Azrael. look at me"
Humikbi na naman ito kaya nag angat ako ng tingin dito, i will always look at you kate kahit hindi mo na sabihin, wag kalang umiyak.
"Damn girl. bakit umiiyak kana naman? Kate please tell me kung anong nangyayari sayo? anong masakit sayo? nahihirapan akong ganyan ka" madiing sabi ko dito at hinaplos ko ang muka nito "please babe"
Hindi naman ito umimik at kinabig lang ako payakap sa kanya, you dont want to talk? then let me hug you instead.
Hinagod ko ang likod nito "Dont cry"
"Kung anong masakit sayo sabihin mo sakin"
Dahil hindi ko kayang nakikita kang ganyan, kung anong makakapag pasaya ulit sayo gagawin ko kahit ano pa yan.
"Baka may magawa ako,wag kalang umiyak ng ganyan"
Hinalikan ko ang tuktok ng ulo nito, i love you kate. kung alam mo lang
"Azrael."
"Hmm?"
"I.."
Anong gusto ng mahal ko?
"What is it babe?"
"Thankyou"
Thats not new but why is she saying thankyou all of a sudden?
"For what?" tanong ko dito
Yumuko ito.
"For everything"
Napangiti ako at inipit ang buhok nito sa tenga nya, you dont need to thank me. im willing to give everything to you kate, masabi ko lang lahat sayo ng to. aaminin ko ng mahal kita, kahit na hindi mo ko mahal. Ayos lang, i will make you fall for me no matter what happen.
"You dont need to thank me"
Tumingin ito sakin
"Dont ever cry again like that"
"Why?"
Because youre more than pretty when youre smiling, dont let you tears fall if its not about happiness.
Hinawakan ko ang kamay nito "I dont wanna see you crying."
"Why?"
Kailangan pa ba itanong yan?
"Because im hurting"
Napaawang ang labi nito.Uh! damn lips.
Umiling ako at nilapit ko ang kamay nya sa muka ko "Hindi ko alam kung pano ka papatigilin sa pag iyak kanina. Ang sakit palang makitang umiiyak ka lalo na at hindi ko alam ang dahilan"
Ngumiti ako "Kaya wag ka ng iiyak para hindi na tayo masasaktan pareho" pinisil ko ang ilong nito
"Nakapag paalam kana ba sa boss mo?"
Tumango ito sakin
"Good. Ngayon na kaya tayo umalis? may naisip kana bang pupuntahan natin?"
Bigla itong ngumiti. f**k! she smiled. So its a good idea that i said to her that were going to have a vacation now? damn. saan mo gusto pumunta mahal ko? dadalin kita kahit san mo gusto.
"Damn. bakit pakiramdam ko ilang taon kong hindi nakita yung ngiti na yan?"
"Azi talaga" mahinang sabi nito.
"Namiss ko lang kasi bigla ngiti mo" hinalikan ko sya sa labi, i miss this lips.
Pagkatapos ko tong halikan ay sinarado ko na pinto sa gilid nya at umikot na para sumakay.
"Uwi muna tayo sa condo mo para kumuha ka ng gamit?"
"Oo sige"
"Saan nga pala tayo?"
Pinakita nito yung phone nya sakin "Siargao"
Not bad. Hindi pa ko nakakarating don
"Ok. Siargao then"
Pinaandar ko na yung sasakyan at umalis na kami, dun ko na sasabihin sa kanya lahat-lahat.
We had a misunderstandings. Kasalanan ko din naman, if i just told her in the first place the situation about me and my friend, things like that will never happened. ede sana hindi na kami nag away pa, akala ko pa tuloy hindi nya nga ako gusto manlang.
I mean i fall hard, and when i said hard. Its really really hard that no one can break my love for her, is it bad? cause i think im too crazy over her.
I love her so much and ill do everything for her.
Ang pakasalan ang taong pinakamamahal ko ay isa ng pangarap para sakin, pangarap na mahirap abutin, pero once na makuha mo na. Hindi mo naman alam kung pano mo ipaparamdam sa kanya pagmamahal mo, na iisipin mong hindi pa sapat pero tama na pala. But then, love has no boundaries.
If youre too crazy because of love then be it, why do you need to stop loving if it can makes you happy? Basta ilulugar mo lang yung pagmamahal mo, yung pagmamahal na hindi makaka sakit at makaka apak ng ibang tao.
Because love is all about happiness and not sadness, it may be had but not all the time.
"Hey"
Napalingon ako kay kate ng lumabas ito mula sa kwarto, "Its cold here, are you not tired?"
Ngumiti ito at inayos ang suot nyang roba, kumandong ito sakin.
"Pinagod mo ko pero hindi naman ako pagod na pagod."
Niyakap ko ito
"Are you happy?"
"Very" nilingon ako nito "Thank you azi"
I smile at her, "No. thankyou babe for loving me and for giving me an angel"
Napanguso ito "Hindi naman mabubuo si baby kung wala ka"
Ngumisi ako at lalong niyakap ito "Uhuh,lets go back to our room. Lamig na ng kamay mo"
Sabay na kaming pumasok sa loob, nahiga agad ito sa kama. Kinumutan ko ito at hinalikan sa labi nya
"Goodnight"
"Goodnight azi."
"I'll just change and i will sleep as well"
Tinabunan pa nya lalo ng kumot ang sarili nya "ok, bilisan mo."
"Sure" tumalikod nako dito para kumuha ng damit ng tawagin nya ko
"Yeah?"
Matamis itong ngumiti "Mahal kita"
Hindi ko alam kung bakit kumalabog ang puso ko,pero sa kabila non ay napangiti ako. Nakaka bakla na pala pag sinabihan ka ng mahal kita? para kang nanalo sa lotto kahit ilang beses ko na tong nadinig sa kanya.
"Mas mahal kita."
Ngumuso ito at tumagilid na ng higa, napailing ako pero naka ngiti pa din.
Ano man ang mangyari sa buhay mo, just open your eyes and let yourself see how you improve to the challenges in your life that you overcome.
Seize the moment, it may be hard but it will change everything. it may not be good but let the time fall on its place, god will never failed you.
Just believe in him just like you believe in love.
"Azrael!!"
"Yes babe?"
"Dont babe me! yung anak mo, may ginawa na namang kalokohan"
Napakamot ako sa ulo at nag excuse sa mga ka meeting ko, what is it this time arkhe kole?
"What did he do?"
"Yung anak mo, may pinaiyak na namang babae! azrael, hindi ko na talaga alam gagawin kay arkhe"
"Calm down babe,pagsasabihan ko sya. Nasan ba?"
"Nandito ko sa school, nasa guidance ang anak mo"
What?
"What happened? napaaway ba?"
"Yun na nga! matatanggap ko pa sana kung away bata! pero hindi, etong anak mo pinag awayan lang naman ng tatlong babae sa grade 3 at 4. Nagtatalo sila kung sino ang totoong girlfriend ng anak mo!"
Shit. gusto kong tumawa pero baka lalong mag hysterical si kate, everytime na may ginagawang kalokahan si arkhe halos ipangalandakan sakin nito na anak ko si arkhe, parang hindi nya anak kung magsabi kaya lagi ay tinatawanan ko talaga sya, sobrang pasaway kasi nitong si arkhe.
Tumikhim ako, "Then my son has nothing to do with that. sila ang nag away"
"Azi naman! yung anak mo masyadong pabibo ha, kabata-bata pa. ang sabi sakin, di naman daw nya pinag sabay-sabay, pano daw magiging sabay kung iba-ibang date naman nya niligawan! Just omygod! hes just grade 3!"
Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya sinigawan ako nito.
"Ok im sorry, pagsasabihan ko sya. damn, you see the effect of my genes babe?"
Lumakas lang ang tawa ko ng mas lalo itong mainis, "Sige na. susunduin ko kayo dyan, mag out ako ng maaga ngayon"
"Ok, hay nako. bat kasi sayo pa to nag mana. We'll wait for you ok? You take care."
"Hmm alright,Iloveyou"
" I love you too" napangiti ako, walang mintis ang kilig ko pag sinasabi nya yon.
Arkhe is now 8 years old, pag 10 na sya tyaka namin sya susundan ni kate ng kapatid.
Well, its not an excuse para hindi na kami makapag exhibition ng babe ko. Kahit ilang taon na ang lumipas nandon pa din yung pagmamahalan namin sa isat-isa, yes nag aaway kami. pero hindi kami natutulog ng hindi namin yon naaayos, we love each other that much.
And for the past 8 years, naging sakit sa ulo ang anak namin hanggang palaki sya ng palaki, but hes a good boy.
Matalino at mabait, masunurin nga, but most of the time. he's playful, especially in the girls.
Hindi na yata bago yung ilang beses syang na guidance dahil nag aaway away yung mga babae dahil sa kanya, its bad cause they hurt each other physically, eto naman kasing anak ko sobrang gwapo at mukang alam nya yon.
Kaya gamit na gamit nya genes ko e.
Nang makarating ako sa school ay nag aabang na sila sa harap ng gate, bumaba ako para pagbuksan sila ng pinto.
"Hey"
Kate smile at me pero alam kong inis pa din yan sa nangyayari, hinalikan ko ito sa pisngi.
Tinignan ko naman si arkhe na saglit lang yumakap sakin at agad ng pumasok sa kotse.
"Pinagalitan mo?" i ask kate.
"Oo, may angal ka?" nagtaas ito ng kilay.
Ok, galit si kumander. tinaas ko ang kamay ko.
"Wala ah. Lets go" binuksan ko yung pinto at sumakay na sya.
Tahimik lang kami buong biyahe dahil nakatulog na din si arkhe sa likod, pero maya-maya lang ay nagising na ito at agad lumapit sakin
"Di"
"What is it?"
"Is it really bad?"
Napakunot noo ako "What's bad?"
"To have girlfriends?"
Natawa ako pero hinampas ako ni kate kaya tumikhim nalang ako.
"Ofcourse ark, its ok to have a girlfriend but not girlfriends"
Siniko ako ni kate "Tignan mo tinuturo mo sa anak mo!"
"Why? tama naman ah?"
"Hindi kapa pwede mag girlfriend arkhe, bata kapa. tyaka alam mo ba ginagawa mo? youre making them your girlfriend, hindi lang isa. madami pa! omygod, hahighbloodin yata ako"
"But i dont get it mi"
"Anong hindi mo nagegets don ha? naku! kayong mag ama dapat sainyo hindi nag uusap, puro kalokohan nalalaman mo"
Napailing ako pero natatawa pa din "Babe, minana nya yon pero hindi ko tinuturuan"
Inirapan ako nito
"Teacher said, we can have friends kahit ilan pa. but why cant i have girlfriends?"
Nilingon ito ni kate "You mean girl friends? kaibigang babae?"
"Yes mi"
Oh! i think..
"Got it! are you asking them to be your girlfriend baby?"
"Yes mi, and they will say yes. so i will think that they are my girlfriends, but then im always confused why are they always fighting? is it because i can only have girlfriend but i ask a lot to be my girlfriend thats why theyre fighting? cause they need to determine who will win to be my friend?" Arkhe speak so innocent.
Nagkatinginan kami ni kate at napatawa nalang, so all this time. Our son only wants to have a girl friend not a girlfriend in romantic way, for god sake. napakabait talaga ng anak ko
Thats what im saying, misunderstandings may lead into mess. Kaya kailangan talaga napag uusapan, lahat ng salitang bibitawan dapat pinag iisipan talaga para walang maging problema sa huli.
"Why are you laughing?"
"You know what arkhe?"
"Yes mi?"
"I hope your baby sister will be like you"
Natawa ko, "I hope so"
"What? im gonna be a kuya?"
"Yes" Yumakap ito sa mommy nya.
"Yehey!!"
Napangiti nalang ako
" Di, im gonna be a brother. and youll gonna be a daddy again! Wow"
"Yes baby, so when mommy gave birth you need to take-- f**k?!" lumingon ako kay kate
Ngumisi ito. "What?"
"Your pregnant?!"
Tumango ito, "Ang dami mo ng nasabi pero ngayon mo lang narealize" ngumiti ito "Hay nako azi"
"s**t!" ginilid ko muna yung kotse at niyakap agad sila. "Bakit dimo agad sinabi sakin to?"
"I want to surprise you, tyaka gusto ko malaman ko muna gender ni baby, diba sabi mo you want a girl na?"
"Yes."
"I tried so hard na itago sayo pagbubuntis ko, buti nalang hindi ako pinapahirapan ni baby girl tyaka ang liit ng tiyan ko no? di halata"
Napatingin tuloy ako sa tiyan nito, hinimas ko ito. damn, kahit pangalawang pagkakataon ko ng magiging tatay ang saya pa din sa pakiramdam. parang nung kay arkhe lang non
"But wait babe, i thought youre on a pill at pag 10 na si arkhe tyaka natin susundan?"
Ngumuso ito at kinamot ang pisngi nya. "I told you, its a surprise. and a birthday gift for you"
Ngumiti ako dito at hinalikan ito sa labi
"Happy birthday Daddy Azi"
They both hug me, what can i ask for? i have a loving wife and son. Magkakaron pa ng soon to be baby girl.
It all thanks to God!
Gayle Writes