Dumaan muna kami sa pink sisters kung saan talagang pink na pink ang mga madre, pagtapos namin don ay dumiretso na kami dito sa Sky ranch.
Papasok na sana kami ng tumigil si Azrael,napalingon ako dito.
"Kailangan kong bumalik sa bahay nyo rage"
Tumingin naman sa kanya si rage "Bakit?"
Bumuntong hininga ito "Gusto daw ni kiara na kumain,kaya lang gusto nya na kasama ko"
Napanguso ako at napaiwas ng tingin dito
"Maselan kasi magbuntis si kiara,kailangan ibigay yung gusto nya" Paliwanag nito
"Sige, dalin mo na sasakyan mo. isasabay nalang namin si Josiah"
Tumango si Azi "Sige na" bumaling ito sakin "Una nako"
Ngumiti nalang ako at tumango
"Ingat" sabi ko nalang dito
Tumalikod na ito at sumakay sa sasakyan nya. Akala ko pa naman makakasama namin sya dito
Tumikhim si Julianna "Its ok kate,nandito pa naman kami"
Inirapan ko ito "I know,mag eenjoy pa din naman ako" Really kate? Dami mong sinabi ah?
Nag aya silang sumakay ng roller coaster,syempre magkakapartner sila kaya iba ang nakatabi ko.
Halos malula ako nung umiikot-ikot na ito,tapos tumataas at biglang bababa.
Tawa ng tawa si thea at Julianna pagbaba
"Tumulo yata laway ko" tawa ni julianna
Lumingon ito sakin "Wow kate? walang reaksyon? Roller coaster sinakyan natin. Ok kalang?"
Ngumuso ako, ano ba ang dapat reaksyon ko? Tumili kahit nakababa nako?
"Dont think about my cousin kate." Josiah wink at me
Inirapan ko ito kaya humalakhak sya.
"They have a wild river here,you want to ride?"
Napakunot noo ako "Wild river?"
Thea nod "Yup parang sa Star city yata"
Lahat ng Rides nasakyan namin, tumigil lang kami nung nakaramdam ng gutom at kumain kami ng pizza.
Umiinom ako ng softdrinks ng kalabitin ako ni Julianna
"Hmm?" lingon ko dito
"You ok?"
Kumunot ang noo ako "Oo naman,bakit?"
Ngumuso ito "Kanina ka pa kasi walang imik,hindi nga yata kita nadidinig tumili manlang kahit kung ano-ano na nasakyan natin. Pipi ka ba?"
Pabiro ko itong sinabunutan "Hindi naman kasi ko natatakot sa ganyan"
Tumawa ito "Kahit na! Hindi din naman ako takot pero tumitili ako sa excitement"
"Hindi takot saan julianna?" Natatawang tanong ni Rage
Kinurot sya ni Julianna kaya ngumisi nalang ito
Napailing nalang ako dito, "Ayoko lang tumili. Baka malatin pa ko"
"Azrael!"
Napalingon agad ako kung saan nakatingin si Josiah,nang tumawa ito ay napapikit nalang ako sa inis. Bwisit talaga magpinsan nga sila!
"Nako,umuwi na kaya tayo? Si Azrael lang yata magpapabalik ng wisyo nitong si kate" nakangiting sabi ni thea
Nilugay ko ang buhok ko "Shut up guys, stop talking about azrael. lets all move on please?"
Natahimik sila kaya nauna nakong maglakad dito, ayos naman ako na tinutukso pa din nila ko kay Azi. Kaya lang nasosobrahan na yata sila,mamaya dahil don hindi pako maka move on ng tuluyan.
Yes i still love him, hindi ko naman yon maitatanggi.
But i cant change the fact that i need to moved on, May iba na si azi. magkaka anak na sya, i need to leave him alone.
"Azi!"
They're still at it? Hindi manlang ba sila naguilty sa pagwalk out ko?
"Kate,bilis mo naman maglakad!" Sigaw ni Julianna
Oh please guys, i need to be alone for awhile.
"s**t ano ba yan! Pagod nako,Azrael bilisan mo naman"
I can still hear them,hindi nako lumingon sa kanila. mamaya akalain pa nila kaya ako lumingon kasi binanggit nila si Azrael
Sometimes you really need to be alone,nag walk out ako para maramdaman nila na sobra na sila. Its not being pabebe, kailangan minsan alam natin yung limitations natin kung hanggang saan lang ba sasabihin at gagawin natin.
Nagulat ako ng may humatak sa kamay ko.
"Youre walking too fast."
Im still in shock that i cant utter a word. Why on earth is he here?
Ngumisi ito "Lets have fun"
Hinatak ako nito papasok sa Horror house. Nakakatakot ang ambiance pero mas nakakatakot ang pagbilis ng t***k ng puso ko,nababaliw na yata ako na kahit may kadiliman sa loob na to ay nakikita ko pa din ang kamay naming magkahawak. Na kahit kagulat-gulat ang mga multong biglang sumusulpot,mas nagugulat pako sa ngiti nyang paminsan-minsan kong nakikita.
Pero bakit sya nandito? Hindi ba dapat ay nasa bahay sya kasama si Kiara?
Sa kabila ng tanong sa mga isip ko,iba pa din talaga ang sinasabi ng puso ko. Napangiti ako dahil nandito na naman ang taong minamahal ko.
Nasilaw ako paglabas namin.
"Nakakatuwa ba sa loob? nakangiti ka e." Natatawang sabi ni Julianna
I just rolled my eyes but i cant hide my smile so i bit my lips instead.
"Its not scary" Kibit balikat ni Azrael.
"Sa ibang rides naman tayo?" Aya ni Josiah.
Sabay-sabay kaming naglakad,hindi ko alam pero ang saya ko yata bigla kesa kanina.
"What's with the smile?" Mahinang sabi ni Azi,nakalingon ito sakin.
Tumikhim "I. Im just..why is it bad?" taas ko ng kilay dito
Umiling ito at bahagyang ngumisi
"You know what's funny kate? Tinanggihan mo kong pakasalan ka pero bakit suot mo yung sing-sing na inayawan mo na?"
What? napatingin ako kung saan ito nakatingin kaya agad kong binawi ang kamay ko pero hinatak nya lang ulit ito at hinawakan.
"You dont need to hide it. Nakita ko na"
Nag iwas ako ng tingin "Nagkakamali ka, its not the ring that you almost gave to me. ano,uh. binili ko yan"
Humalakhak ito "Try harder kate"
"Im telling the truth" Sige kate,ipagpilitan mo pa yang kagagahan mo.
Paniwalain mo sya! Kaya mo yan. Ugh!
"You love me" Malamig na sabi nito
Napatingin tuloy ako dito pero deretso lang naman ang tingin nya.
Yes Azi, mahal kita. Mas nauna kong mahalin ka.
I pull my hand "Youre wrong" my voice crack
"Uhuh. Feed me with lies c'mon" Matalim ang tingin nito sakin
"Why are we talking about this? Tama na azrael" At baka pagsisihan kong tinanggihan pa kita nung una.
I dont want to be selfish.
"Saan nyo gusto sumakay?" Nilingon kami ni Rage
"Kahit saan"
"They dont have kahit saan here" Inis ni Thea
"Take your time riding a rides guys,we'll have our time together"
Napakunot noo ako at aalma na sana ng hatakin ako ni Azrael palayo sa kanila,hihingi sana ko ng tulong sa kanila pero kinawayan lang nila ko at tumalikod na. Wow! Ang supportive talaga nila
"Azrael,gusto kong sumakay ng mga rides"
"We'll have our own rides baby" kumindat ito sakin
Fuck?
Nahila ako nito hanggang sa may bench malapit sa entrance, pipiglas pa naman sana ko sa pagkakahawak nito sakin kaya lang ay iniupo kagad ako nito.
"Whats your problem Azi?"
Ngumisi ito "What?"
Why is he acting like this?
"Why are you here? you shouldnt be here"
Really kate?Really? parang kanina lang pinagsukluban ka ng langit at lupa.
"Cant i be here?" namewang ito at inayos ang suot nyang shades
"Ang akala ko ba..." Napahinto ako sa pagsasalita ng may mag click na camera sa banda namin.
Napakunot noo ako ng magtilian ang mga estudyanteng kumuha ng picture sa taong nasa harap ko
Napairap ako, is he a celebrity?
"Maupo ka nga"
"Why?" lumingon ito sa paligid
"Just sit azi,hindi ko alam kung bakit humiwalay pa tayo kila thea"
Bumuntong hininga ito at naupo sa tabi ko.
"Gusto ko lang mag usap tayo"
Napatingin ako dito "Para san?"
Umiling ito "I just.." tumawa ito bigla "Uh! Damn."
What's wrong with this man?
Ginulo nito ang buhok nya "I want to go somewhere else"
"Why? saan mo pa ba gusto pumunta?"
Hindi ko alam kung ano ba talagang tumatakbo sa isip ng isang to,ang weird nya.
Ngumiti na naman ito sakin
"In your heart"
Fuck? nag iwas ako ng tingin dito at kahit nangingiti ay tinago ko ito sa kanya. Hindi pwede,yes kate. lahat hindi pwede kaya wag kang umarte ng ganyan
"Say that to Kiara" mahinang bulong ko
"I cant,you know who i truly love"
Napailing ako, sa iba tumatakbo ang usapan namin at ayoko ng ganito.
"Azrael" nilingon ko ito "You will finally build your family,magkakababy kana. So,stop it with me"
He remove his shades and stare at me
"Why kate? why are you not surprised that im having a baby?"
Napalunok ako,what kate? C'mon. Mag isip ka.
"Will you feed me with lies again?"
Tumayo na ko "Walang kwenta tong pinag uusapan natin"
Tumayo din ito "Why? Bakit hindi mo ngayon sabihin sakin na hindi mo ko mahal? Na lahat ng nangyari satin ay wala lang? Tell me kate"
Hinarap ko ito,pero kasabay ng pagharap ko dito ay ang pag punit ng puso ko ng makita ang namumulang mata nito at ang nagbabadyang luha dito.
Binuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na salita dito
Hinilamos nito ang muka nya "Ive been f****d up when you dumped my proposal! Ive been f****d up when you told me that you dont love me,My days been f****d up without you!"
Tumulo ang luha sa mata nito na marahas nyang pinunasan "Yes f**k! Call me gay but damn im so inlove with you that its f*****g hurt to love you."
"Azi" Hindi ko na madugtungan ang sinabi ko dahil nagbara na ang lalamunan ko
"I dont love kiara"
Napayuko ako "But you'll have a baby"
"Its not mine"
Napaangat ako ng tingin dito
"Ano?"
"The baby is not mine" mas malinaw na sabi nito
Napakunot noo ako "Anong sinasabi mo? Azrael you dont need to tell me things like that para lang-"
Umiling ito "The baby is not mine kate,nakiusap lang sakin si kiara na palabasin na ako ang ama ng anak nya hanggat di nagpapakita ang totoong ama ng dinadala nya. Her dad will be furious pag nalaman nitong nakipag one night stand sya"
Nagloloading pa lahat ng sinasabi nya sakin, ibig nya bang sabihin ay hindi sya ang ama ng baby ni kiara? na wala syang baby? Na all this time..
"But." He cut me off
"Pero nalaman mo to kila Rage hindi ba? I was about to tell you this when we had our vacation in Siargao,pero may nangyaring hindi maganda satin"
The tears flow in my cheeks
"Azi,im" napahikbi ako
"Why you did not trust me enough kate? Bakit mas naniwala ka kagad sa kanila? Bakit hindi ka nagtanong? Bakit nilihim mo sakin na alam mo na pala? Oo may kasalanan ako,pero bakit kate?"
I tried to hold his arm but im too weak to do that.
"Azi,takot na takot akong harapin yung katotohanan non. Masisisi mo ba ko? Hindi ko alam kung anong meron satin"
"Kahit na sinabi kong mahal kita kate? Kahit na inaya kitang magpakasal? You think i will ask you to marry me kung magkaka anak nako sa iba?"
Omygod,im so guilty.
"Tell me kate, anong tingin mo sakin? Pagsasabayin ko kayo kung sakali? Nagbago nako ng makilala kita,akala ko nakilala mo na ko. Akala ko nakita mo yung pagbabago na yon sakin,but i guess im wrong. Kasi mas papaniwalaan mo pa yata yung iba kesa sakin"
Pinunasan ko ang luha ko "Im sorry azi"
Tumango ito "Im sorry too kate,sa tingin ko nga hindi ko na dapat ipagpilitan pa yung nararamdaman ko para sayo. Gusto ko lang talaga masabi lahat ng to sayo,im now at peace i hope you are too."
"Azrael,mahal"
"Hoy! Nandyan lang pala kayong dalawa"
Palihim kong pinunasan ang luha ko at ngumiti kila Julianna na palapit samin.
Ngumisi agad ito sakin "Sakay na tayong ibang rides,kainis kasama tong sila thea e"
Thea laugh "Bakit? Ang arte mo kasi"
Tinapik ni Azrael ang balikat ni Rage
"Mauuna na talaga ko for real bro"
Rage nod "Sige,i understand"
Tinanguan nalang nya si Josiah na mukang naintindihan nadin pero nanatiling clueless naman sila thea at julianna.
Hindi nako nilingon ni Azi at tumalikod na.
No! Kate do something! May mali ka din, go. follow him!
Gusto ko syang habulin pero para kong napako sa kinatatayuan ko at nakatanaw lang sa kanya habang paalis sya.
Kate,wake up! Hahayaan mo na naman ba syang makalayo sayo? papanuodin mo na naman ba ang paglayo nya sayo?
Sa siargao? Sa kumpanya? Kanina at pati ba naman ngayon? papanuodin mo nalang ba sya laging lumalayo sayo?
Hes hurt too! Hindi lang ikaw ang nasasaktan,hindi lang ikaw ang nahirapan.
Nalaman ko nalang na tumatakbo na ko at sinisigawan si Azi.
"Azrael,wait!"
"Azi!"
Huminto ito at lumingon,napakunot noo ito "Kate?"
Nang maabutan ko ito ay hingal na hingal ako.
"Why did you run?"
Tumingin ako dito "Azi.." huminga ako ng malalim "I...I also need to tell you something"
He lick his lips "What is it?"
Kinuha ko ang kamay nya at nilagay ito sa dibdib ko sa tapat ng puso ko
"Can you feel it?"
Seryoso itong nakatingin sa mata ko.
Nangilid ulit ang luha sa mata ko "Azrael,mas nauna kong mahalin ka. Im sorry for everything,i do trust you. Natakot lang ako,pero mahal kita Azi." tuluyan nakong napaiyak "Mahal na mahal kita"
"Can you say it again?"
Suminghot ako "I love you Azrael Montefalco"
Pumikit ito at hinapit ang bewang ko at niyakap ako
"I love you so much kate,i love you so much baby."
Niyakap ko ito pabalik,i miss him so much. It feels like home
"Ok people! Were not filming a movie here,just enjoy the sky ranch and not them!"
Hihiwalay na sana ko sa pagkakayakap ni Azi pero ayaw ako nitong bitawan.
"Azi,may mga tao" mahinang sabi ko dito
"Hmm. Let them see how we miss each other"
Napangiti ako kahit na naluluha pa din.
"Wow kate and Azi, pwede naman sigurong mamaya na kayo magyakapan? Nasa Sky ranch tayo. Nakakahiya naman sa mga rides kasi hindi na sila nasasakyan at kayo nalang pinapanuod ng mga tao dito"
Damn Julianna! Ang galing sumira ng moment!
Hinayaan nakong makawala ni Azi sa pagkakayakap sa kanya kaya nakaharap na kami sa kanila.
Mga muka nilang nakangisi ang bumungad samin
"Yes? May gusto kayong sabihin?" natatawang sabi ni Josiah
I rolled my eyes "Just enjoy the rides here,give us time"
Nanlaki ang mata ni Julianna "Ay iba! Nasakyan na nga namin lahat ng rides dito sa pagbibigay namin ng time sainyo kanina,hello? hilo nako. Yaw ko na! Lets go home at dun kayo mag quality time"
Napanguso ako "Bakit kanina nag aaya ka mag rides pa?"
Inirapan ako nito "Eh pinanlalakihan ako ng mata ng boyfriend mo!" Nilagpasan ako nito at sumunod naman si Rage dito na tumatawa lang
Thea smiled at me "Finally,im happy for you"
I smiled back "Thankyou thea"
Humalakhak naman si Josiah habang hawak ang phone nya
"Our cousin will love this lover boy!" Mapanuksong tumingin ito kay Azi
Azi just glared at him "What Josiah? Pagtatawanan talaga kita pag nangyari din sayo to gago"
Josiah just kick azi "f**k you couz! Tara na nga thea" Hinatak nito si thea.
Napangiti nalang ako.
"Kate?"
"Hmm?" Nilingon ko si Azi
Hinawakan nito ang kamay ko
"Can you say the words again? Baka nananaginip lang ako"
Natawa nalang ako pero sinabi ko din ang gusto nyang madinig.
"I love you Azrael"
Namula ang muka nito
"I can finally say na kinikilig nga ako" natatawa na ding sabi nito na sya namang ikinatigil ko.
Damn Azrael! Napabunghalit ako ng tawa kasabay ng pagtawa nya.
Im so happy right now,sana ito na ang simula.
I look at him while were walking,hindi ko alam kung pano ko natiis na wala sya sa tabi ko ng ilang araw at linggo.
Azrael Montefalco is now officially mine.
Gayle Writes