Dahan-dahan akong bumangon ng makaramdam ako ng pagka uhaw.
Inayos ko pa ang damit ko na hindi pa nakaayos ang pagkakasuot,napatingin ako kay Azi na tulog na tulog.
Gulo-gulo ang buhok nito at nakayakap sa isang unan sa gilid nya. Nakasuot ito ng puting tee shirt at boxer shorts,medyo nakaawang ang labi nito habang natutulog.
Napangiti ako ng maalala ang ginawa namin kanina, damn this man. He never get tired whenever were doing that.
Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang ilaw sa may kusina,pagkakuha ko ng tubig ay naupo muna ako.
Napatingin ako sa labas kung saan may nakikita pa din akong mga staff na palakad-lakad.
Tumingin ako sa orasan sa may taas at nakitang alas dos nadin pala ng madaling araw.
Napahikab ako at inubos na ang laman ng baso ko,nilagay ko muna ito sa sink at dumiretso na ulit sa kwarto.
Pagkahiga ko ay naramdaman ko ang pagbaling sakin ni Azi at ang pagyakap sakin
"Why are you still awake?" Medyo malat ang boses nito ng magsalita
Tumingin ako dito pero nakanatiling pikit ang mata nito.
"Nauhaw lang ako"
"Hmm" lalong humigpit ang yakap nito sakin at hindi na muling nagsalita
Saglit lang akong nakatulog ulit,nang magising ako ng bandang 5 ay bumangon na ulit ako at nag ayos sa banyo.
Nagpalit na din ako ng puting bestida na lagpas hanggang tuhod ko.
Balak kong magluto ngayon para sa breakfast naming dalawa,hindi ko pa kasi napagluluto si Azi. Hindi kasi ko bilib sa cooking skills ko,mamaya ay palpak pala nakakahiya kay Azi.
Ang sarap pa naman magluto non.
Nagsearch nalang ako ng pwede kong lutuin,pero sa huli ay gumawa nalang ako ng pancake. Ang nakakairita lang kasi dito sa pancake na ginagawa ko hindi perfect ang pagkaka shape nya.
Pero pag si Azi ang nagluluto nito ay ang perfect naman.
Nang matapos kong magluto ng pancake ay nag toast nako ng tinapay na nilagyan ko ng margarine.
I make chocolate drink too, nang may oras pako ay nagluto na din ako ng bacon at hotdog.
"Babe"
Pagkalapag ko ng mga niluto ko ay nilingon ko si Azi nginitian ito.
"Good morning, breakfast is ready"
Tumingin ito sa orasan at kumunot ang noo habang lumalapit sakin.
"Ang aga mo nagising?" Tinignan nito ang mga niluto ko "You cooked?"
Tumango ako dito
Hinalikan nito ang labi ko "Morning" bulong nito
"Uhm, you can take a shower first before we eat." Nilagay ko na sa mug yung chocolate na ginawa ko.
Ngumiti ito "You already knew how to make chocolate drink huh"
Napaismid ako "Of course"
Sya kasi ang nagturo sakin kung pano gumawa ng chocolate drink na hindi gumagamit ng chocolate powder, mas masarap nga talaga pag purong chocolate.
"I'll just take a shower first,saglit lang ako" paalam nito
"Okey" ngiti ko dito
Pinrepare ko nalang muna yung plato namin at nilagyan ito ng pancake.
Kinuha ko din sa ref ang strawberry syrup at ang blueberry syrup,mahilig kasi ko sa strawberry while Azi is very fond of blueberry syrup.
Oh! I totally forgot to slice the fruits, ganon pa naman ang ginagawa ni Azi kapag nag papancake sya, may sliced fruits sa gilid ng plate
Napapalakpak ako ng kahit papano ay maganda ang presentation ng pancake ko.
Nang maamoy ko na ang pamilyar na amoy ni Azi ay nilingon ko ito.
"Done?"
"Yeah" Naupo na ito katabi ko.
Tinitigan nito ang pancake sa harap nya at napangiti "You're doing great babe" Sinubo nito ang pancake at napatango-tango.
"Masarap ba?"
Tumingin ito sakin "Yes it is"
Napangiti ako, kinuha ko ang chocolate drink ko at ininom ito.
Hmm not bad.
"Do you want to cook our lunch later too?"
Inubos ko muna ang kinakaing pancake bago sumagot dito
"Huh? But, I still dont know how to cook"
"I'll guide you then"
Napanguso ako "Are you sure?"
"Yes babe."
Tinapos agad namin ang pagkain namin dahil nag aya si Azrael na mag swimming daw kami hanggat hindi pa tirik ang araw.
Hindi nako nagpalit dahil sa ilalim nitong bestida ko ay ang bikini ko. Balak ko na kasi talagang magswimming ngayon sayang naman kasi kung hindi namin susulitin to
"Kate, wheres your rashguard?" Naglakad ito palapit sakin
Naka rashguard na ito at naka board shorts
"I dont want to wear rashguard" giit ko dito
"No,get your rashguard."
Sumimangot ako dito "Please Azi."
"Were not gonna leave if youre not going to wear your rashguard kate"
"Fine!" Nagdadabog na bumalik ako ng kwarto at hinubad ang bestida na suot ko at kinuha sa maleta ang rashguard ko at sinuot ito.
"Wear a shorts!" pahabol na sigaw pa nito
Napairap nalang ako pero nagsuot na din ako ng maikling short
Nang lumabas ako ay tinitigan pa ko nito at ng makuntento ay ngumiti ito sakin pero inirapan ko lang
Humalakhak lang ito "Babe I'm just covering what's mine"
Ngumuso ako, what's yours Azi?
Hindi pa nga ganon kaaraw,may mga pailan-ilan na din kaming nakita na nag suswimming.
Agad akong nagtampisaw sa tubig dagat at napatili sa lamig nito
Natawa nalang ako ng napamura din si Azi ng dumampi na sa balat nito ang tubig.
Lumangoy agad ito palayo
Tignan mo tong lalaki na to,palibhasa sanay sya lumangoy. Ako palakad-lakad lang dito. Hindi nga ako masyado makalayo mamaya kasi malunod pa ko
Ugh! nakakainis naman kasi kahit langoy shokoy nalang sana sanay manlang ako.
Nilubog ko yung ulo ko sa tubig at nakita ko yung mga maliliit na isda sa ilalim nito.
Kahit pala hindi ka na mag snorkeling makakakita kana dito
Napatili ako ng may humapit sa bewang ko,pag angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Azi sa likudan ko.
"What are you doing?" takang tanong nito
"Tinitignan ko yung mga isda sa ilalim"
Napatawa ito "Youre what?"
"Tinitignan ko mga isda"
Umiling ito at pinisil ang ilong ko "Cute. Ayaw mo ba don?" turo nito sa mas malalim pa na part kung san sya lumangoy kanina
"Ayoko. Malunod pako, I don't know how to swim"
Napamaang ito. See? Hindi nya alam na hindi ako sanay lumangoy.
"I won't let you drown dont worry" Hinawakan nito ang kamay ko pero hinawi ko ito
"Ayoko Azi,dito nalang ako. Ikaw nalang dun panuodin nalang kita"
Pero pinilit ako nitong hatakin kaya nag panic nako.
"Azi! Ayoko nga" saway ko dito at pilit kong inaalis ang kamay nyang nakahawak sakin
"Im here hindi kita hahayaang malunod"
"Still" giit ko dito
Pero nang wala nakong maramdaman na tinatapakan ay kumapit nako dito
"Azrael im going to die here!" sigaw ko dito
Pero tinawanan lang ako nito.
"Omygod! lumulubog yata ako" lalo akong kumapit kay Azi.
"Kumapit ka sa likod ko,im going to swim."
"What?" mag iinarte pa sana ko pero ng makita kong lalangoy na nga ito ay kumapit na ko sa likod nito.
Kapit na kapit talaga ko sa kanya,
Nagamit ko pa ang isa kong kamay para ipang takip sa ilong ko ng lumangoy ito pailalim.
Nanlaki ang mata ko,Damn pag ako nakabitaw katapusan ko na. Pinilit ko pang iyakap sa kanya yung isa kong kamay habang nakatakip pa din ako sa ilong ko.
Wow. Mas maganda pala dito,may advantage talaga pag sanay ka lumangoy e.
Hayy if I could just capture this moment, I will.
Tinanggal ko ang pagkakatakip sa ilong ko ng umahon kami,kinusot ko ang mata ko at inayos ang buhok ko.
Nakahawak sa bewang ko si Azi habang ang isa nyang kamay ay nakahawak sa may bato.
"You want to sit here?" Turo nito sa bato na may kalakihan at pwedeng pag upuan.
Tumango ako dito
Madali lang akong naiangat nito at iniupo ako.
"Are you enjoying this?" kumapit ito sa magkabilang bato sa gilid ko at medyo inaangat ang sarili nya.
"Yeah very" hinaplos ko ang basang buhok nito
"I didn't know that you dont know how to swim" kumunot ang noo nito
Nagkibit balikat ako dito "Nung bata kasi ko takot talaga ko magswimming kaya yun hindi ako natuto."
Tumango ito
"Ikaw? Pano ka natuto lumangoy?"
"Inenrol ako sa swimming lesson"
Napanguso ako dito "You enrolled ha? Your family is really something Mr. Montefalco"
Ngumisi ito "Hmm. You want me to enrol you?"
Agaran akong umiling dito "Wag na, tyaka sanay ka naman, kaya hindi mo ko hahayaang malunod diba?"
But, you let me drown for falling in love with you, Azi.
"Of course" Hinaplos nito ang bewang ko.
Kumapit ako sa leeg nito at bumaba ng tubig, hawak pa din nito ang bewang ko.
"Azi what's your favorite foods besides pancake with blueberry syrup with sliced fruits?" Ngumisi ako dito
Nagtaas naman ito ng kilay "You seriously asking me that?"
"Yeah,just tell me. Hindi ko pa kasi alam lahat ng paborito mong pagkain at tyaka ang dami ko pang hindi alam about you"
Nilapit ako nito sa katawan nya.
"Ok then, my favorite food is you"
Inirapan ko ito "Be serious nga kasi"
Humalakhak ito "Ok. pero hindi mo ba napapansin kung anong paboritong pagkain ko?"
"Nope?"
"It's steak, Kate"
"Really?" Napatango ako "Oh yeah, I remember! Nung nagpunta ka nga pala sa condo non steak yung dala mo"
Yun yung si kuya pa ang kumain ng dala nya non.
"Pero bukod sa steak wala na?" tanong ko dito
"Dont know, carbonara?"
"I love carbonara" nakangiting sabi ko dito
"Hmm, I know. you love any pasta"
"How about dessert?"
Kumamot ito sa ulo nya at agad ding binalik ang kamay nya sa pagkakahawak sa bewang ko
"Im fine with blueberry"
Lumabi ako, blueberry addict!
"Lets leave the foods, how about in movies?"
"What about movies?" Takang tanong nito
"Kung anong pinaka gusto mong movie?"
"Uh, Fast and Furious?"
"Uh! I love that movie" Nakakaiyak ang huling fast and furious.
"Aren't you cold?" Biglang tanong nito
"No?"
"Bumalik muna tayo don bago ka ulit magtanong, lets go. kumapit ka muna ulit sa likod ko"
Tumango ako dito,ginawa ko ang gusto nya. Kumapit muna ulit ako sa likod nya at tulad kanina ay sobrang higpit ng kapit ko dito at tinakpan ko ulit ang ilong ko.
This time mas mabilis syang lumangoy.
Agad akong tumayo ng maramdaman ko yung buhangin sa ilalim ko.
"Wait here,I'll get our towel"
"Ok" I smiled
Naglakad ito at kinuha ang towel na nakasabit sa sun lounger namin
Agad nyang inabot ang towel sakin at binalot ko kagad ito sakin,naupo ako sa may buhangin kung saan naaabot pa din ng tubig ang paa ko.
Tumabi din agad sakin si Azi na may balot na ng tuwalya
"So?" Tumingin ito sakin
"Azi, if you'll gonna have a baby girl anong name ang gusto mo?"
Matagal akong tinitigan nito "Its up to you"
Natigilan ako at napalunok, pinilit kong tumawa at nag iwas ng tingin dito. Damn!
"Uh" Oh Kate, say something.
"Babe"
"Uhm..I- i want" Tumikhim ako ng biglang pumiyok ang boses ko.
No please.
"I want Aziana Katy" Lumingon ako dito at ngumiti
Ngumiti din ito "Combination of our name? Sounds good. I like it, Aziana Katy Montefalco. Uh! So perfect" Tumingin ito sa harapan namin na may ngiti sa mga labi nya, he looks so happy.
Yes, it's a combination of our name. But, Aziana Katy will never be born.
Napayuko nalang ako at mapait na ngumiti
"If its a boy. His name will be Arkhe Kole" Lalo itong ngumiti "Maganda naman diba?"
Napakagat ako sa labi ko "Y-yeah, Arkhe kole is a great name"
"I cant wait to be a father" Mahinang sabi nito
Pasimple akong tumingala para itago ang namuong luha sa mata ko.
"Kate" Hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako dito
"Hmm?"
"Lets have a baby"
Napakunot noo ako "Wha- wait" Tinanggal ko ang kamay nitong nakahawak sakin.
Is he out of his mind? He want me to get pregnant and then what? Leave me? Hindi ba at may magiging anak na nga sya, bakit gusto nya pang magka baby sakin?
Lumamlam ang mata nito "Why? You dont want to?"
Lumunok ako"No. Its just" Its just, Im confused, I'm really confused Azi.
"Just what?"
"Why Azrael?"
"What why?" Kumunot na ang noo nito
"Do you even love me?"
Napaawang ang labi nito
"No right?" Peke akong ngumiti dito
Bumuntong hininga ito "Im in the middle Kate"
"Middle?"
Tumango ito "Im in the middle of falling in love with you. Just a little push and i'll be there" Hinawakan nito ang kamay kong nanghina na.
Hindi ko na din maalis ang pagkakahawak nito sakin
Damn Azi, how can you be in the middle when you actually broke me from the very start?
Nasa gitna ka palang pero ako hulog na hulog na sayo. Gitna kapa lang pero hindi na agad matutuloy, you'll be forever in the middle Azi.
Pero sa kabila ng sakit at kirot sa puso ko ay pinilit kong ngumiti at magpanggap na masaya.
"Really?"
Ngumiti ito "Really babe"
"Me too Azi"
Nanlaki ang mata nito "Woah? I didnt expect that. But, wow. That's great!" Niyakap ako nito
Yes Azi. This is great
Nang humiwalay na ito ng pagkakayakap sakin ay nag ngitian lang kami
"Pagbalik natin ng Manila sakin kana tumira"
"What?" Tinawanan ko ito "Ayoko nga, tyaka isa pa hindi papayag si kuya Rozen lalo na si Mom at Dad"
"I'll take care of them, papayag yon"
Tinitigan ko ito "Azi theres no need for that,lagi naman tayong magkasama kahit na hindi ako sayo tumira. Besides nakakahiya kay Mom na iiwan ko yung condo na binigay nila sakin"
Ngumuso ito.
Azrael is very funny sometimes! Pacute pa.
"Matatanggap naman nila na iiwan mo na yung condo na yon. Kate,gusto ko oras-oras kitang nakikita. Tyaka isa pa, your mom and dad will be grateful about this"
Napataas ako ng kilay "Grateful?"
"Oo. Atlast their daughter will settle down"
Hinampas ko ito "Settle down ka dyan, they are kind to me Azi. Pero ayoko namang abusuhin yon,minsan nga feeling ni Kuya rozen nagiging biased na ang parents namin,pano kasi sya naman talaga ang totoong anak pero madalas ako pinapanigan" natawa ako ng maalala ang laging pagmamaktol ni kuya
Ok lang naman sakin yung mga pagmamaktol nya,hindi naman ako naaapektuhan kasi napaka childish naman talaga minsan ni kuya.
And yes, they just adopted me. Nakita lang nila kong pakalat-kalat sa may Mall.
Ewan ko kung anong naisipan nila at pinakain nila ko at binihisan,actually iiwan na sana ulit nila ko non sa may mall ng uuwi na sila pero ang naaalala ko nalang ay ang paghabol ko sa mga ito kahit tumatakbo na ang sasakyan nila.
Pag kinekwento nga nila Mom sakin nun halos himatayin daw ako sa pag iyak.
Kaya si kuya tawag sakin minsan ay pusa, pusang gala daw kasi ako. Pinapagalitan nga sya pero tinatawanan ko nalang.
Wala na din akong alam sa totoong magulang ko,hindi ko kasi alam kahit pangalan nila.
Hinayaan ko nalang din kasi, I belong to this family.
"Pero pagbalik natin ng manila ha? Kakausapin ko kuya mo"
Hindi nalang ako sumagot dito para hindi na sya mangulit.
"Or just quit your job and work with me? Sounds fair right? Payag nakong sa condo mo ikaw titira pero kasama kita sa trabaho"
Natatawang napairap nalang ako sa mga iniisip nito.
"I love my job Azi. I cant quit, besides sir Rage is a good boss"
Madramang umubo ito "Mas mabait akong boss kay Rage. Sige na babe"
Ang kulit naman nito.
"No and that's final"
"Kate please"
Tinignan ko ito "Sige, pag iisipan ko" Pero alam ko na talaga ang sagot, It's still a no.
Ngumiti ito "Promise?"
Napailing ako at napangisi "Yeah"
"Manumpa ka muna sa mga isda!" Kulit nito
Tumawa nalang ako "Your crazy!"
"Promise me, sabihin mo munang promise"
Ugh. Azi.
Nilingon ko ito at kinabig palapit sakin at saglit kong dinampi ang labi ko sa labi nito.
Nang humiwalay ako dito ay halos gumulong ako kakatawa ng makita ang itsura nito
Nanlalaki ang mata nito at namumula na naman.
"Azi! We already kissed a lot of times and I just kissed you lightly and you are giving me that expression? Just what the hell?" Humagalpak ako ng tawa at napapahawak pa ko sa tiyan ko.
Para kasing pinagsamantalahan ko sya kung umakto.
Bigla itong tumayo at naglakad palayo.
Hala! Kahit natatawa ay tumayo din ako at humabol dito.
"Wait Azi. Ano ka ba? Its not bad to feel the kilig sometimes"
"Stop making fun of me!" Sigaw nito
Lalong lumakas ang tawa ko
"Damn it!"
Napailing ako at tumakbo palapit dito
"Azrael"
"Oo na kinikilig na ko. Damn Kate,stop laughing."
Tumigil na ko sa pagtawa at nginitian ito "Ok, I'm not laughing anymore"
Nilingon nako nito "Should I punish you?"
Nalukot ang ilong ko "Yoko ng punish na yan ha"
Ngumisi ito "But you deserve it, tyaka kailangan mo ng mafeel ang Azrael Montefalco the Christian grey and Kim soo hyun version of the philippines. Are you ready to be my Anastacia and Sulli?"
What the fudge is he saying? Who the hell is Kim soo hyun and Sulli? But Christian Grey and Anastacia?
Hindi ba sila yung sa Fifty Shades?
Nang tumingin ako ulit dito ay may mapaglarong ngiti na ito sa labi nya
"You run now, pag naabutan kita you'll get naked in just a seconds."
Nanlaki ang mata ko "Ayoko nga sab--- s**t!" Napatili ako at napatakbo ng bigla akong habulin nito
"Azrael! Umagang-umaga" Sigaw ko dito
"I dont care! Run faster Kate if you dont want to be naked here"
CLOUD EXHIBITION IS UP AGAIN.
Gayle Writes