We end up watching horror movie.
Conjuring yata.
Ayaw naman kase ni Azi ng iba. Bumili kami ng popcorn, tig isa pa kami kase kulang daw sa kanya yon.
Naupo kami sa gitna. Hindi pa man nagsisimula yung movie pero kain na sya ng kain.
Tumingin ako dito "Azi, mauubos mo na yung popcorn mo"
Sumulyap ito sakin "Its fine. Marami pa naman sayo"
Inirapan ko ito at tinuon nalang yung tingin sa nagsisimula ng movie.
"Wag kang magulo ha? Baka paalisin tayo dito ng mga katabi natin"
Bumulong sya sakin pero hindi ko nalang pinansin. Hindi naman ako matatakutin sa ganto, depende nalang talaga minsan pag paranoid ako.
Nang medyo magkakalagitnaan na yung conjuring, napansin kong nakakapit sa braso ko si Azi.
Lumingon ako dito pero nakatutok lang naman sya sa panunuod. Napakunot noo ako ng humigpit pa lalo ang kapit nito sakin
"Azi"
"What?"
"Pinipiga mo na yung braso ko"
Napatingin ito sa braso ko at binitawan nya bigla "I'm just trying to hold you mamaya kase magtatakbo ka sa takot"
Tinaasan ko sya ng kilay "Ako ba talaga yung tatakbo sa takot o ikaw?"
Kumunot pa ito ng noo at nag iwas ng tingin sakin "Manuod kana nga lang dyan.Wag kang kakapit sakin pag natakot ka"
Tinago ko yung ngiti ko at nanuod na ulit. Parang bata si Azi, akala mo naman ang tapang-tapang nya.
Nung nanuod din kami ng horror sa condo nya halos takbuhin nya yung kwarto nya. Pano ba naman biglang namatay yung ilaw.Yun pala may inayos lang saglit non
Tinawanan ko sya pero nagalit sya sakin tapos di ako pinansin ng ilang araw. Seryoso talaga sya pag nagagalit.
Pero laging mababaw yung dahilan nya.
Sabi nya sakin tumakbo sya non kase nakalimutan nyang naka charge yung phone nya. See? Ang lame ng excuse.
Lagi syang nag aaya manuod ng horror o patayan pero sya yung laging hindi mapakali.Gusto pa non bukas lahat ng ilaw, nasan naman ang thrill don?
Minsan pa nga di talaga sya nanunuod. Nag gegames lang sya o kaya nagmumusic
Halos mapatayo ako sa upuan ng sumigaw sya.
"Azi!"
Tumikhim ito at biglang umayos "Sorry, I got carried away. Nagsigawan din kase sila" Lingon nito sa mga katabi namin
Umiling ako at napakagat sa labi. Ayaw pa kasing aminin na hindi para sa kanya ang horror.
Hindi paman din ako nakakabawi sa pagsigaw nya ng bigla ulit itong sumigaw at napatayo
"Omygod!"
Nanlaki ang mata ko ng makitang naliligo na sa popcorn yung nasa harap ni Azi.
Napataas agad ng kamay si Azi "Not my fault. You raise your hand, magaan lang hawak ko sa popcorn natapon tuloy sayo"
Napatayo na din ako ng makitang tumayo yung kasama nung natapunan ni Azi.
Shit. Mukang kayang bumali ng buto nito sa laki ng katawan nya, mukang sa gym sya natutulog.
"Azi lets go" Hinatak ko na ito sa shirt nya
"No. Hindi pa tapos yung movie" Hindi ito tumingin manlang sakin. Deretso ang tingin nya dun sa lalaking malaki katawan
"Problema mo? Bakit mo tinapunan ng Popcorn girlfriend ko?"
Lord, I can smell trouble here.
"Sorry po. Hindi nya sinasadya" Yumuko pa ko dito at hinatak ulit si Azi.
"Let's go"
Kumunot ang noo nito "Don't say sorry to them Kate. It's not our fault, yung girlfriend nya kase tinaas yung kamay dahil nahihirapan tong gunggong na to hubarin yung bra ng girlfriend nya"
Nanlaki ulit ang mata ko at napatuwid ng tayo "Azrael!" napatingin ako sa paligid namin na kami na yata ang pinapanuod.
"Gag* pala to! Miss pagsabihan mo yang boyfriend mo! Panget ng lumalabas sa bibig nyan"
Yumuko nalang ako "Sorry po"
Tumingin ulit ako kay Azi "Azrael, umalis na tayo dito, please lang"
Pero matigas talaga sya at nakatingin pa din dun sa lalaki.
"Buti nga yung sinasabi ko lang ang panget, ikaw? Panget ka talaga"
O.my.god!!
I wanted to laugh. But, this is not the right time to do that. I feel tensed!
Inipon ko lahat ng lakas ko at hinatak sya sa braso, medyo nakaladkad ko lang sya ng konti pero mas malakas talaga sya sakin at huminto ulit.
"Im a fucker, pero alam ko kung pano galangin ang babae. Can't you afford motel, instead of doing that here?" Umiling si Azi "I feel so bad with your girl"
Hindi nakasagot yung lalaki at nakaawang lang ang bibig nito. Hindi na din ako nakapagsalita ng si Azi na mismo ang humatak sakin palabas ng sinehan.
Seryoso yung muka nya hanggang makalabas kami. Pumasok kami sa starbucks at naupo agad sya
Umupo nalang din muna ako. Malayo ang tingin nya at bumubuntong hininga.
"Azrael?"
Tumingin ito sakin pero hindi naman nagsalita.
"Do you want something?"
Umiling ito "Ikaw nalang, mag order ka ng sayo"
Hindi na ulit ako nagtanong pa at tumayo nalang para umorder.
Pagkaorder ko ay bumalik din agad ako sa pwesto namin pero malayo pa din ang tingin ni Azi.
"Let's go home?"
Umiling ito at tumingin sakin "Sorry, hindi natin natapos yung movie"
Bahagya akong ngumiti dito "It's ok"
Nakatingin lang to sa table "Nagalit lang talaga ko kanina"
Pinaglaruan ko yung straw ng iniinom ko "Why? dahil kasalanan naman talaga nung babae kaya natapunan sya ng popcorn?"
Nag angat ito ng tingin sakin "It's not about that"
Napakuno noo ako "Ano pala?"
Bumuntong hininga ulit ito "Kanina ko pa kase sila nakikitang nag memake out. Simula palang nung movie"
Really? Bakit hindi ko yata napansin yon. Masyado ba kong nakatuon sa pinapanuod ko.
"And then?"
Hinawakan nito ang kamay ko at pinaglaruan ito.
"Naiinis ako kase hindi nya ginagalang yung girlfriend nya, I mean hindi ba sya natatakot na baka may ibang makakita ng tinatagong kayamanan ng girlfriend nya?" Nakakunot noo ito habang nagsasalita.
Ngumiti ako dito
"Wag ka ng mainis, may mga tao talagang ganon"
"Yun na nga" binitawan nito ang kamay ko at sumandal sa upuan
"I used to be like that Kate, kaya ako naiinis. Kase ganon pala ko kagago dati"
Hindi kagad ako nakapagsalita dito. How would I react? Alam kong babaero sya pero diko naman alam na kaya nyang gawin yun? But, then. Who am I to judge? I still adore this man.
Huminga ako ng malalim at lumipat ng pwesto sa tabi nito. Hinawakan ko ang kamay nya
"Azi. Dati naman yon diba, iba kana ngayon" Sumandal ako sa balikat nito "Please wag ka ng magalit"
Hinigpitan nito ang hawak nya sa kamay ko "Sorry for ruining our date"
Hinalikan ko ito sa pisngi at matamis na ngumiti "It's fine! We can still set a date hmm?"
Lumingon ito sakin at ngumiti "Yeah"
Uminom ako sa inorder kong frap.
"Kate"
Tumingin ako dito "Yes?"
"Thank you"
Napataas ako ng kilay "Thank you for what?"
Ngumisi ito "For making me this way"
Saglit akong natigilan dahil sa mga paru-parong nagliparan sa tiyan ko.
Namula ang pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin dito
"Azi talaga" mahinang sabi ko dito
Natawa ito "Why? Kinikilig kana naman"
Umangat ang labi ko. Lagi naman akong kinikilig pag sya yung dahilan.
Sumulyap ako dito "Dapat pala lagi kitang dadalin sa sinehan no? Tapos horror lagi papanuodin natin para nagseseryoso ka bukod sa natatakot ka"
Tumawa ako ng sumimangot ito
"Hindi naman ako natatakot."
Inirapan ko sya "Oh yeah? Ideny mo pa"
Pinisil nito ang ilong ko
"Azi!" saway ko dito at inilag ang muka ko
"Arte" Natatawang sabi nito "But, seriously babe. Hindi ako natatakot kanina, sinasadya ko yung mga ginagawa ko kanina para naman matigil yung dalawa sa harap natin. Kaya lang wala yatang pakielam talaga"
Kaya naman pala para syang hindi mapakali kanina.
"Kaya ba kung ano-ano ginagawa mo, at talagang last option mo yung pag tapon ng popcorn?"
Minsan talaga hindi ko maintindihan si Azi pero pag gantong bagay lalo mo syang magugustuhan.
Tumango ito "Nagulat kase ko tinaas ba naman yung kamay nya. Akala yata nasa kwarto na sila"
Tinitigan ko ito "Im proud of you"
"Why?"
Nangalumbaba ako habang nakatingin dito "Kase kaya mo palang gawin yon."
Bahagya itong ngumiti
"Ayoko lang na makita mo din kase yung ginagawa nila.Isa pa, hindi dapat sa ganong lugar ginagawa yon mamaya may mang trip sa kanila kuhanan pa. Kawawa yung babae don"
Lalo akong napangiti sa kanya ng seryoso na naman syang nagsasalita
"Why are you smiling?"
"Masama naba ngumiti?" Takang tanong ko dito
"Hindi. Iba kase yung ngiti mo parang may iba kang iniisip" Inayos nito ang buhok ko
Umayos ako ng pagkakaupo ko "Azrael. Ano bang meron satin?"
Natigilan ito sa pag ayos ng buhok ko. Nag antay ako ng sagot nya pero hindi sya nagsalita kaya nilingon ko sya
Tipid akong ngumiti "It's okay, if you can't answer it."
Napakagat ako sa labi ko. Damn! Damn Kate, what a stupid question. Alam mo naman kung anong meron sainyong dalawa diba?
Don't be stupid, hindi dahil sa mga ginawa nya ngayon ay magpapaka gaga ka na.You still know him.
He is not Azrael Ian Montefalco for nothing.
Stand in your ground, and don't fall.
"Uwi na tayo?" Ngumiti ako dito at inabot yung bag ko at tumayo pero hinatak ako nito pabalik kaya napaupo ulit ako
Namilog ang mata ko at tumingin dito "Bakit?"
"Kate" Hinaplos nito ang pisngi ko "I don't want to see you with anyone else, I want you mine."
Napakunot noo ako. I don't get it.
"Im an ass, I can make woman cry in just one snap, I f****d a lot of girls. I have so many flaws. I don't know if you know this. But, babe." kinabig ako nito palapit sa kanya "I don't wanna lose you." Niyakap ako nito
Kumabog ang dibdib ko, at nagsimulang magtubig ang mata ko.
How can you do this Azi? How can you make me cry without hurting me.
Agad kong pinunasan ang luha na tumulo sa mata ko. Ayokong makita nyang umiiyak ako, isa pa baka kung ano isipin ng mga tao dito.
"I.."
"I..I like you Kate"
Lalong humigpit ang yakap nito sakin
"I like you so much...Babe"
Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ko.
He likes me?
Azrael Ian Montefalco is bluffing people!
Damn it!!