Azzerdon's POV... May mga bagay na di talaga maiiwasan. Tulad ng pagkikita nila Travis at Nikki na syang tunay na Ellaina. Akalain mong narito kaming apat nila Travis, Seb, at Jarred sa clinic dahil kay Nikki. Akalain mo yon? may itinatago din palang kamalditahan ang kababata nila Jarred. Magpanggap ba naman itong nurse at lokohin si Travis na kailangang tahiin ang sugat nya na napakaliit lang naman. Napailing ako... Ang OA ni Travis. Iniiwas nga namin si Nikki sa kanya pero talagang nakatakda ang mga itong magkita. Nagaalala tuloy ako sa kaibigang si Jarred. "Jarred anong plano mo? Sa ginawa ni Nikki tiyak na babalikan yun ni Travis, who knows what'l happen?" Sabi ko sa kanya ng nasa roof top na ulit kami. "Hayaan nalang muna natin, di naman nya alam na si Ellaina yun eh" sagot nito.

