Danica's POV... Hindi ko alam kung talagang ganon ko kamahal si Travis kaya natagpuan ko nalang ang sarili na nakikipagkasundo kay Bea . Sinabi ko kay Bea ang mga tungkol kay Jarred. Mula sa pagkain hanggang sa ugali. Konti lang naman dahil malihim kako ang lalaki pero natuwa naman si Bea at tila kontento sa mga nalaman. At ang kapalit non ay ang pagsasabi nya kung paano ko malalapitan si Travis. "Puntahan mo sya sa kotse nya, danica.. Don sya nakikipagkita sa mga babae nya, " sabi nito na ikinakaba ko. "T-tapos? Anong gagawin ko?" Kinakabahang tanong ko sa babae. Ngumisi ito na tila natatangahan sa akin. Kumuha pa ito ng yosi at nagsindi sa harap ko. Nagulat ako dahil diko akalain na nagsisigarilyo pala ito. Pinigilan ko ang maubo sa usok non. "G-gaano mo ba kamahal si master Travis?

