CHAPTER 31

2413 Words

Danica's POV.... NANG masiguro kong ligtas na si Clark at walang natamong internal damage ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi parin ito nagkakamalay . Alas otso na ng gabi ng magdesisyon akong umuwi muna. Sinabi ni Jarred na don na daw muna sa kanila si Ace dahil may problema pa daw kami ni Azzerdon. Nalaman kopa na naglasing daw ito kasama sila Raiko sa roof top at sa sama ng loob ay nauna ng umuwi . Di na ako hinintay ng asawa. Mabuti nalang inihatid ako ni Jarred. "Danica magusap kayo ng maayos ni Azzer, intindihin mo sya at tiyak naman di yon magkakaganon kung walang pinaghuhugutan" sabi ng kapatid. Napabuntong hininga ako. "Masyado syang seloso, kung ano ano ang iniisip nya sa amin ni Clark" "Ano bang meron sa inyo? Bakit nagseselos don si Azzer?" "Wala, kaibigan ko lang sya."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD