CHAPTER 1

2127 Words
Danica's POV... "Georgia, san mo dadalhin ang mga bata?" Sabay kaming napalingon ni Jarred sa ama na si Julio Evañez. Kasalukuyang inilalagay na ng mga tauhan ang mga bag at maleta namin sa sasakyan. Sa batang edad ay naiintindihan kona ang nangyayari sa pamilya.our parents decided na maghiwalay at nais ng mommy namin na kasama nya kami pag alis ng mansyon ni Daddy. "Isasama ko sila, i can't leave them with you, baka lalo lang silang mapariwara sayo" sagot ng ina dito. Galit na lumapit si daddy at hinila sa kamay sila Jarred at Joven. "You can't do that, anak ko sila Georgia, at di mo sila pwedeng ilayo sakin" galit na sabi ni daddy.naiiyak na ako sa pagaaway nila. My dad is a cold man, just like my two brothers. At takot ako sa mga ito lalo na kay daddy. "Julio tigilan mo ako, pasasabugin ko itong bahay mo kapag di mo binigay sakin ang mga anak ko" banta ng ina. "What? Alam mo sumosobra kana eh, nagtitimpi lang ako sayo ha, tatamaan kana sakin" Hinila ni mommy si Jarred. "Ayan sayo na si Joven, para may kasama ka, but Jarred and Danica will go with me." Pasya ng ina. Umiyak si Joven. "Mom ayoko, sama mo ako" yumakap ito sa bewang ni mommy. Natakot din ako na malayo samin ang kapatid. Pero anong magagawa namin kung yon ang pasya ng mga magulang. "Si Jarred ang kailangan ko Georgia alam mo yan, isama mo sila Joven at Danica but Jarred will stay here!" Final na utos ni Julio. So ayaw nya samin? Si jArred lang ang kailangan nya ganon? "Hindi pwede, anak ko sya" diin ni Mommy. "Georgia.." Galit na ang ama.namumula na ito sa galit. "Wag mo akong subukan Julio, " Mariing sabi ni mommy.marahas na napabuntong hininga si daddy . "Dad i'll go with them" sabi ni Jarred sa ama namin. "J-jarred alam mo ang misyon mo, you can't leave me son" sabi ng ama. "Andyan naman si Joven,dad" tanggi ni Jarred. Matiim na tinitigan ni Daddy ang umiiyak na si Joven. Umiiling ito at ayaw magpaiwan. Pero pumayag na si daddy na si Joven ang matira sa kanya na labis na ikinaiyak ng kuya ko. "Dalhin nyo to sa kwarto at baka makahabol " utos ni Daddy sa mga tao saka binuhat ng mga ito si Joven na nagkukumawala. naiyak din ako para dito. "Wag na wag mong ilalayo sakin si Jarred Georgia, sa ngayon pumapayag ako sa gusto mo pero kapag inilayo mo si Jarred, makikita mo ang galit ko" banta pa ni daddy. Tumango si mommy saka kami pinasakay sa kotse. Nakatingin ako sa ama pero walang emosyon ang mukha nya ng titigan ako. What am i to this cold man? Ah kase babae ako at wala syang mapapala sa akin. Mahina ako at kailangan pang alagaan, ano nga naman ang magiging silbi ko sa kaniya? Samantalang si Jarred, lalaki at magaling makipaglaban. At ako ay isang pabigat sa kanya.that's the moment na kinalimutan ko nang ama ko sya. Yun ang time na tinapos kona ang pagiging anak ko sa kanya. Tumira kami sa isang maliit na apartment. Hirap mag adjust dahil namulat kami sa malaking bahay ni Julio Evañez. Don narin namin itinuloy ang pagaaral. Kontento na ako sa ganong buhay. Hindi naman kami pinabayaan sa pera ng ama. buwan- buwan ay may allowance kaming dumarating ni Jarred.hanggang sabihin nalang basta ni mommy na magaasawa syang muli. "Dapat di mo nalang kami kinuha kay daddy, magaasawa ka naman pala" malamig na sabi ni Jarred sa ina, tahimik lang ako sa sulok, ako kase yung taong nagpapadala nalang sa anumang gusto nilang mangyari, wala rin namang makikinig sa akin. "Jarred, mahal ko si Eleazar, mabait yon at sinisiguro ko sa inyo di kayo mapapabayaan" sabi ni mommy pero galit ang kapatid ko. "You can't marry him, isa lang ang ama namin at si Julio yon kaya wag mo kaming pilitin." Sabi pa nito. Bumuntong hininga ang ina . "Kung ayaw mo ay bumalik ka sa ama mo,si Danica nalang ang isasama ko" Nagulat kami sa sinabi ng ina, natakot ako, ayokong malayo sa kapatid. "M-mommy.." Hikbi ko. Saka tumingin kay Jarred na matalim ang tingin sa ina. Sa batang edad nito ay nakakatakot na. "Hindi ko iiwan si Danica sayo, baka mamaya bastusin lang sya ng bago mong aasawahin" "What? Ano bang sinasabi mo jarred? Hindi yon mangyayari, kilala ko si Eleazar at isa pa may anak din yong babae,kung ano anong iniisip mong bata ka, manang mana ka sa tatay mo" "Aalis ako kapag nakita kong totoo yang sinasabi mo" sabi ni Jarred. Napailing nalang si georgia sa kanya. Kahit naman ganon sya kay Jarred alam kong hindi papayag si mommy na umalis sya.one thing na na-realized ko. Mahal na mahal nya si Jarred. Kaya nga di sya pumayag na di ito makasama. Bago kami dalhin ni Mommy sa bahay ni Eleazar ay kinausap nya ako ng sarilinan. "Anak okey ka lang ba? Ang tahimik mo kase mula ng umalis tayo sa mansyon eh" tanong nitong nagaalala. "O-okey lang ako mommy" sagot ko. "Danica sorry kung nadadamay kayo sa away namin ng daddy nyo.may mga bagay lang talaga na ang hirap ipaliwanag kase bata ka pa, " "Naiintindihan ko po mommy" sagot kong nakangiti. "Anyway mag-gayak ka nga pala ng gamit mo. Usapan kase namin ng daddy mo na twing bakasyon ay sa kanya ka. " aniya na ikinakunot ng noo ko.ayokong makita ang ama . "Mom ayoko pong makita si daddy" iling ko. "Bakit naman anak? Danica wag kang magalit sa kanya, mabait naman yun eh, saka isa pa hindi ka naman don sa mansyon pupunta.sa bahay bakasyunan ka tutuloy at don ka nya pupuntahan. Ayaw nya kase na may makakilala sayo na anak nya" sabi nito. Nasaktan na naman ako, so totoo nga, ikinahihiya ba nya ako? Hmmp. "Dont get me wrong hija, pinoprotektahan ka lang ng ama mo,hindi mo pa kase maiintidihan eh" "Okey na mom, maggagayak na ako" matamlay kong sabi. AZZERDON'S POV.... PAWISAN akong huminto sa ginagawang pageensayo ng marinig ang tawag ng amang si Agustin. Humihingal ako ng lumapit sa kanya. Sa edad na labing isa ay may laman na ang katawan ko dahil bata palang ay sinanay na ako ng ama sa iba't- ibang pakikipaglaban. Sabi nya magagamit ko daw yun balang araw. "Tay?" Sambit ko nang maupo sa upuang kawayan sa kubo na tinitirhan namin. "Inutusan ako ni Julio na bantayan muna ang anak nyang si Danica sa bahay bakasyunan nila dito sa La Vista, kaya lang may inuutos sakin si Master Jarred, " sabi nya. Kumunot ang noo ko. Nakita kona ang Julio na amo ni Tatay at kaibigan daw nya, mayaman yon at makapangyarihan, inaalagaan ni Tatay ang anak non na Jarred ang pangalan pero di ko pa nakikita. Sabi kase ni tatay hanggat maari ay di ako pwedeng magpakilalang anak nya na di ko naman maintindihan ang dahilan. Basta magsanay lang daw ako ng magsanay. "Ano naman ngayon tay?" Tamad na tanong ko. Diko kase gusto ang ideya na utusan lang sya ng Julio na yon kahit pa mabait sya sa tatay ko. "Ikaw na muna ang pumunta don, wala yong kasama dahil lingguhan kung pumunta ang katiwala don" sabi nya. "Ano po? Bakit ako? Di naman ako katulong " tanggi ko. "Azzerdon...." Madiing tawag ng ama. okey sige na wag ng high blood Inis akong bumuntong hininga. Malayo din ang La vista sa aming kubo.isang oras na lakarin pa at may ilog pang tatawirin. Bakit kase sa daming pagbabakasyunan ng Anak ni Julio ay sa La Vista pa? Anong gagawin non don? Mamumundok? "Azzer umayos ka ha, maging mabait ka sa pamilyang yon, hindi mo alam kung gaano kalaki ang utang na loob ko kay Julio" Ilang ulit na ba nya yong sinabi? Kinamulatan kona yata ang pagsasabi nya non.kesyo mabait si Julio, na tinulungan kami nong magkasakit ako at kung ano ano pa. Baka nga kung maiipatayo ng rebulto ay ginawa na ni tatay sa kaibigan nya. Ngayon naman ay si Jarred ang ipinagmamalaki nya sakin. Na kesyo magaling daw ito. Na may potensyal mag rank 1. "At isa pa pala, kilala kita sa kalokohan mo sa babae, kabata mo pa maloko kana, baka naman bastusin mo si Señorita, ayusin mo don, " "Ano ba naman pangaral yan tay? Wala kabang tiwala sa anak mong pogi? Ang bata pa non, grabe ka ha tay ," "Ulol, sinasabi ko lang, patay ka kay Julio kapag binastos mo ang unica hija nya. Ang gagawin mo lang don ay asikasuhin ang mga pangangailangan nya, hindi mona sya kailangang kausapin o kaibiganin. Mas maigi na yon" "Okey tay, pero pano kung magka-crush sakin yon,?" Pahabol kopang tanong sabay takbo palayo sa ama ng tangka nya akong hampasin ng uyo. Kinabukasan, madaling araw ay lumakad na ako. Sakay ng kabayo ay nagtungo ako sa La vista. Alas siete na ng makarating ako don. Tahimik ang bahay bakasyunan. Ang sabi ay nandito na ang anak ni Julio, tiyak na tulog pa ang prinsesa. Nang makitang naka lock ang pinto ay kinalikot ko yun para buksan. Isa yon sa itinuro sakin ng ama, Kesa naman kumatok ako baka magising sya at kagalitan ako. Maaga pa naman at nakakapagod ang nilakbay ko. Kaya nagdesisyon akong mahiga muna sa sofa sa sala. Mamaya ako maglilinis ng bahay mukang binahayan na to ng mga gagamba eh. Sinulyapan ko ang nakasarang silid sa taas. Nandon marahil ang dalagitang anak ni Julio at natutulog. Ano kayang hitsura nito? Baka chaka.. Napangiti ako sa naisip. Sana naman maganda para di ako mainip sa bahay na to. Yun ang huli kong naisip bago nakatulog sa sofa . Pero bigla akong nagising nang may unan na humampas sa gwapo kong mukha. "Magnanakaw!!!" DANICA'S POV... Nagustuhan ko ang unang araw ko sa La Vista. Tahimik don at masarap ang preskong hangin. Malayo yon sa kasunod na bahay bakasyunan pero mas feel ko ngang magisa. Mas nakakapag relax ako. Sana wag ng pumunta dito si Julio. Ayoko naman syang makita eh. Masisira lang ang bakasyon ko sa magandang lugar na yon, Namasyal muna ako sa halamanan na malapit don. Pero ng magdilim na ay umuwi na ako. Medyo kinabahan ako dahil magisa lang ako don pero private place naman ang LA vista. Ini lock ko nalang maigi ang pinto bago pumasok sa silid ko saka natulog. Umaga na ng magising ako. Masarap ang tulog ko dahil sa malamig na hangin sa gabi. Sabi ni mommy may darating daw ditong matanda na magaasikaso sakin. Kaya hihintayin ko sya. Humihikab akong bumaba sa maliit na hagdang kahoy. May pagka antique kase ang bahay bakasyunan na yon. Kinusot -kusot kopa ang mata ko habang bumababa. Pero ganon nalang ang gulat at takot ko ng may makitang binatilyo na nakahiga sa sofa sa sala. Napahawak ako sa dibdib sa takot na nadama. Sino to at paano sya nakapasok dito? Kung susuriin ay kasing edad marahil to ni Jarred. Mahitsura ang lalaki at tila nakangiti kahit tulog. Pero ang magnanakaw ay walang pinipiling edad at hitsura. Ako lang ang naroon at wala akong ibang hihingian ng tulong kung sakaling magnanakaw nga ito baka may gawin pa sakin kapag nagising na, tinapangan ko ang loob at kinuha ang throw pillow sa pangisahang couch. Inasinta ko muna yon sa tapat ng gwapong mukha nya. Bago buong lakas na inihampas sa tulog na lalaki. "Magnanakaw!!!!!" Sigaw ko habang pinaghahamapas sya ng unan. Tila naman naalimpungatan ito at nagulat sa ginawa ko. Hinawakan ng malaking kamay nya ang dalawa kong braso . "Asan ang magnanakaw?" Tila nagalalang tanong nito na nagpalinga-linga pa. "Gago, ikaw,ikaw ang magnanakaw, maghahanap kapa tanga ka" galit na sigaw ko na ikinakunot ng noo nya. "Ako magnanakaw? Hoy sa gwapo kong to sasabihan mong magnanakaw? " "Eh sino ka ha? Pano ka nakapasok ?" Tungayaw ko sa kanya.saka pumiglas sa hawak nya. " ako po si Azzerdon Señorita, ang inyong gwapong tagapag lingkod " nag bow pa ang lalaking nakakasura ang mukha. "What?" "Ako ang makakasama nyo dito sa buong bakasyon, Azzerdon Quinto at your Service," "Quinto?" "Yup, busy si tatay kaya ako ang pinapunta dito. Pwede mo akong utusan señorita, maglaba, maglinis ng bahay ,magluto, mag-salok ng tubig sa balon ,mag sibak ng panggatong pero may isang bawal" "Ano naman?" Inis kong tanong sa kadaldalan nito. "Bawal ma fall sa kin, di ako napatol sa di pa nireregla!" Aniya na ikinalaki ng mata ko. "Bastos!" Sinampal ko sya ng malakas. "Salamat sa sampal Señorita, " ngisi nito na lalo kong ikinabwisit. Why do i have this feeling na masisira lang ang buong bakasyon ko don dahil sa lalaking ito na gwapo nga pero nakakakulo ng dugo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD