Danica's POV... Ang galit at sakit na nararamdaman ko ng mga oras na yon nang dahil kay Travis ay kay Azzerdon nabunton. Hinahanap nito ang wallet nya at wala manlang paalam na pinasok ang kwarto ko. Galit na galit ako lalo na't hindi ko malaman kung paano ilalabas ang galit sa nalamang may gusto si Travis sa Nikki na yon. Naglapat ang ngipin ko sa inis. Bakit kase lagi nalang dumarating si Azzerdon tuwing nasa ganoon akong estado? Bakit kapag galit ako ay ito lagi ang nasa harapan ko? Kinuha ko sa bedroom ang wallet nya at iniabot yon sa binata. "Sabi na narito lang eh, kala ko nadukutan na ako" ngisi ng binata. Blangko ang mukhang humalukipkip ako sa harap nya. "Ikaw pala si Azzer na anak ni Mang Agustin. Ang batang katulong na nakasama ko sa La Vista " i said while looking at him

