Nang makauwi ako sa bahay naghanap ako sa kitchen's cabinet ng mga lumang transparent jar at nilagay ko yung tatlong hany..Napapangiti talaga ako ng ewan.
Hindi ko na rin naabutan sina mommy at daddy brice dahil kakaalis lang for dinner date ang dalawa sabi ni yaya rose. Mabuti sila samantalang ako ang hirap hirap gumawa ng way para mapansin lang ni Prince..Umakyat nalang ako papunta sa kwarto ko at itinabi ang Jar at mga gamit ko sa kama saka nagshower at nagbihis.. Matapos kong magbihis ay kinuha ko yung pentel pen sa mga Pen's case ko at sinulatan ang Jar ng "Prince Treasure" .. pagkatapos nun ay nilagay ko na sa side table ng kama ko para araw araw ko iyon makikita tuwing gumigising ako tuwing umaga.
Dahil ang Boring sa loob ng kwarto ni Brimmie kinuha nito ang kanyang laptop at binuksan ang kanyang f*******: account. Tiningnan ko ang friend request ko baka inadd ako ni Prince
"Oh? Prince friends add me on f*******:?"kinonfirm ko si Ram, Xavier at Jacob pero bat ganun Si Prince lang ata ang Hindi saka hindi pa rin kinoconfirm ni Prince friend request ko?
"Ang damot damot naman ng prince na yon talaga! Hindi naman siya yayaman lalo sa style niyang yan eh! dami pa kasing arte ng lalaking iyon, icoconfirm niya lang naman ako!" gigil na gigil niyang hinahawakan ang laptop niya.
Chineck ni Brimmie ang Timeline ni Prince. Wala itong bagong post pero meron isang User ang nag post sa timeline nito.
Francine Bellitas
-Prince, I need to talk to you..
At sino namang Francine Bellitas ito? ka ano ano ito ni Prince?As if naman papansin siya ni prince! Chineck ko Timeline at mga pictures ng babaeng Francine nato. Wala naman silang pictures dalawa ni Prince.. So Im the one parin through prince's heart.. Dapat lang! ayokong may sisira sa pagpapansin ko kay prince noh! Subukan niyang umeksena! Makikita niya sinong makakalaban nito!
"Oh? Anong pinoproblema mo diyan prince? Enjoy the party! wag kang kill joy pare!" sabi ni Ram na may kaakbay na babae. Kasalukuyan nasa bar ang mga ito.
"Si Fran---".
"Don't you dare call her name Xavier!" galit na sabi ni Prince at kinuha ang isang beer at ininom iyon.
"Chill lang pare! Nakapag desisyon kana ba na kakausapin mo siya?"
"Sino ba iyan? Si Francine nanaman ba? Eh maganda pala yun eh!" sabi naman ni Jacob.Napatingin tuloy sila lahat kay jacob na ikinapagtaka nito.
"Oh? Bat ganyan kayo makatingin sakin?" sabi naman ni Jacob.
"Anong bang pinagsasabi mo na maganda pala yun?" tanong naman ni Ram.
"You see mga tol, dalawang babae nanaman siguro mangungulit kay tol Prince.. Una si Kulot sunod si Francine. Siguradong malilito si tol prince kung sino ang pipiliin sa dalawa." nakangising sabi ni Jacob.
"BAT NAMAN AKO MALILITO. HINDI KO NA KAILANGAN MAMILI. SINASAYANG LANG NILA ANG LAWAY AT ORAS NILA SAKIN.ALAM NIYO NAMAN NA AYAW NA AYAW KO SA MGA BABAENG NAGKAKAGUSTO SAKIN. ” Napailing nalang si Prince saka tinapos ang kalahating natitirang beer saka tumayo. Hindi pa naman siya lasing saka dalawang bote palang ang nainom niya.
“San ka pupunta tol? Uuwi kana? Ang aga pa ah!” reklamo ni Ram.
“Mauuna na ako.” Sabi ni Prince sa mga kaibigan at umalis na sa bar.
Napailing iling nalang sina Xavier, Ram at Jacob saka tinuloy nila ang kasiyahan..
“Ang labo talaga ni Prince.” Sabi ni Jacob.
“Hindi naman siya magkakaganyan kung alam niyo na. Hindi naman ganyan ang ugali niyan kung hindi lang siya binasted ni Francine. Sobrang attached kaya si Prince sa babaeng yon. Ewan ko nga ba bat binasted ni Francine si Prince gayong lahat naman ng gusto ni Francine binigay nito. I don’t know the whole story though.” Saad naman ni xavier habang patingin tingin lang sa paligid.
“Well, Hayaan na natin si Prince. Kung saan siya masaya, Supportahan nalang natin.” Dagdag naman ni Ram.
“kung papipillin kayo sa dalawang babae Si kulot o si Francine ang mas bagay kay Pareng Prince?” tanong ni Ram sa mga kaibigan.
Napaisip naman si Jacob.” Kay kulot ako boto. HAHAHA! I like her attitude. Ang taray taray kasi parang kakambal niya yung mataray na kaibigan niyang si Faye. Binato ba naman ako ng mga pinabitbit na Libro ni Maam reah. Hindi niya kasi ako namukhaan kaya nang mapansin niya ako pinagbabato na ako nga mga libro.” Kwento naman ni Jacob sa mga kaibigan.
“At bat ka naman pinagbabato?hahaha”natatawang sabi ni xavier.
“Manyak raw ako eh! Tapos sinabihan pa niya tayong mga bakla tinangka ko ngang halikan kaso bigla ako binugbog.”
“Manyak ka naman talaga! Halata sa itsura mo na hindi ka pagkakatiwalaan! HAHAHA” natatawang sabi ni Ram.Napasimangot nalang si Jacob.
“ako kay kulot rin ako. Ibang klase kasi ang babaeng yon! Haha Aso’t pusa sila magturingan pero si Kulot Hindi sumusuko. Halata naman na may gusto yun kay Prince diba? I know someday Kulot gonna win the heart of Prince.”
---
Nang makaalis sa Bar si Prince ay dumiretso siya sa pinakamalapit na Park. Umupo siya doon sa isang Bench. Gusto niyang makapag isa sa ngayon. He needs air to breathe and to relax his mind.
Hindi ko alam sa sarili ko bat ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung nabibitter ako sa pagbasted sakin ni Francine noon. Halos ibinigay ko ang lahat ng gusto ni Francine pero s**t anong ginawa niya? Pinagmukha niya akong tanga sa pag-ibig! Sa ginawa niya hindi ko tuloy kayang tumingin sa iba. Naging Matigas ang puso ko. I don’t want to Fall in Love again. I just don’t.. I don’t want to Feel the pain again.
Nagtataka lang ako kung bakit ako gusto kausapin ni Francine muli. For what? For such a stupid things?Wala naman kaming dapat pag-usapan pa.Ayoko na makita ang pagmumukha niya.
Tumayo si Prince at sakay ng kotse niya umuwi siya sa bahay. Naabutan niya pa ang daddy niya na si Mr. Mattheo Villegas na kararating lang sa trabaho.
“San ka galing?” tanong ni Mr. Villegas sa anak.
“Sa bar. Kasama mga barkada.” Maikling sagot ni Prince.
“By the way, You’re coming with me tomorrow son. We will have our breakfast in my Friend’s house.”
“Im not coming with you. Go it by yourself.” Matipid na sagot ni Prince.
“You don’t have to be rude Son, You’re coming with me whether you like it or not and it’s my final decision. Wag mo hayaan uminit ang ulo ko.Tandaan mo yan!” mabilis na sabi ni Mr. Villegas sa anak at iniwan niya ito at pumunta na sa kwarto para makapaghinga.
Walang magawa si Prince kundi sumama sa kanyang daddy bukas or else he will be grounded! Putol lahat ng Credit Cards niya! No car! Hindi niya hahayaan mangyari yon!
Pumunta siya sa kwarto ng bunsong kapatid niya. Si Druke. 8years old na ito. Kamukha niya ito. Mahimbing na ito natutulog kaya naisipan ni Prince na hindi nalang istorbohin ang kapatid.
--
Mahinang katok ang narinig ni Brimmie sa pintuan niya. Bukas naman iyon palagi dahil tinatamad siya bumangon para pagbuksan lang ang taong naiistorbo sa kanyang mahimbing na tulog.
Bumukas ang pinto niyon at may tumabi sakanya. Alam niyang si Mommy Kimmie niya ito dahil sa amoy pa nitong mabangong pabango.
“GoodMorning baby, It’s time to wake up. Go downstairs and Let’s have a breakfast. Maligo kana rin muna siguro at magbihis.” Malambing na sabi nito.Halos hindi niya pa maidilat ang mga mata niya sa sobrang kaantukan pa.
“Why do I have to woke up early Mom?” tiningnan niya ang orasan sa side table niya. It’s already 5:40am in the morning at 6:30 pa siya gumigising! “Can’t you see it’s still 5:40am in the morning mom! Sisikat palang ang araw!” reklamo niya,
“I know sweetheart but we have a visitors..You know your daddy, He’ll get mad if you don’t join the early Breakfast.” Sabi pa nito.
“Alright! Fine!”
“Good, Hihintayin ka namin sa dining table. Hurry up!” at lumabas na ang kanyang mommy. Visitors? Sino naman kaya ang mga bisitang iyon! Nakakainis naman! Pati ang beauty rest ko damay! Wala siyang magawa kundi sundin ang Mommy niya.Bumangon na siya sa kama at dumiretso na sa bathroom.Sinuot niya na ang kanyang uniporme. Nag retouch at pinatuyo ang kanyang Mahabang buhok gamit ang Hair dryer. Ayaw niyang mabasa ang kanyang uniform sa likuran nito dahil sa basa niyang buhok. Ang panget nun tingnan para sakanya!
Tumayo siya at pumunta sa walk in closet niyang parang kasing laki ng kwarto niya. All her things were branded! Lahat mamahalin! Pagdating sa mga damit, bags at sapatos, relos, at mga alahas na bigay ng kanyang lola anette and lolo zane at parents niya!
Tumingin siya sa pinakamalaking salamin sa gitna ng Walk in Closet niya na binili pa sa Canada. She’s indeed a Gorgeous Lady! Magagandang lahi ang mga Cristobal at buenavista! Maganda naman ang lahi ng Kanyang Mommy ang mga Lim sabi nito sakanya! Ang parents ng kanyang mommy ay matagal ng patay.
Hindi na siya nagtagal doon at bumaba na siya sa kwarto at tinungo ang dining area nila.
“GoodMorning Mom and dad!” bati niya dito at isa isa niyang nilapitan ang kanyang parents at masuyong niyakap ito.She’s a sweet daughter kahit may pagka tigre ang ugali niya!
“GoodMorning Sweetheart! Come and join us.” Sabi ng daddy brice niya.
Umupo siya at saka niya lang napansin na may ibang kasama pala sila. Bisita ata ng daddy niya. Kumakain na siya ng magsalita ang daddy niya.
“Brimmie, I want you to meet Mr. Villegas. Owner of the Luxurious Car Industry Corp.” Halos maibuga niya ang kanyang iniinom na juice na marinig ang apilyedo nun!
Tumingala siya at tiningnan si Mr. Villegas.Nakangiti ito sakanya , Hindi niya alam ang gagawin kaya ginantihan niya na rin ito ng isang matamis na ngiti. Bat parang kinakabahan siya?
“G-oodMorning Mr. Villegas!” masigla niyang sabi na halos nabubulol na siya sa sobrang kaba!
“You can call me tito theo iha, My full name is Mattheo Villegas.” Sabi nito.Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng breakfast ko. “Oh there you are Son, Where did you go? Let’s eat.Nakakahiya kay Mr. Buenavista!” sabi pa nito. Anak?! Sinong anak ni Tito theo?
“Somewhere and I just met Bogart.Aso nila tito Brice! He seems happy when he saw me!” sabi pa nito. Bigla itong umupo sa tapat ng upuan ko at Laking gulat ko na ang anak ni Mr. Villegas ay si Prince Villegas!Sabay pa kaming napantingin sa isa’t isa na parang gulat na gulat rin siya na makita ako! Anong nangyayari? Omyghad! What’s the meaning of this? Sa pagkakatanda ko ang sabi ni daddy may kilala nga siyang mga Villegas hindi ko alam na kaibigan niya pala talaga!
“IKAW?!” sabay kaming napatayo at itinuro ang isa’t isa.
“what’s going on?” tanong ni daddy.
“Are you to know each other son?”
“ANONG GINAGAWA MO DITO?!” galit na tanong ni Prince kay Brimmie.
HAH! Siya pa nagtatanong! Binaliktad niya ata!
“AKO DAPAT ANG MAGTATANONG NIYAN KUNG ANO ANG GINAGAWA MO SA KAHARIAN KO?!”
“WE”RE INVITED HERE FOR BREAKFAST!”
“WOW! HIMALA! SUMAMA KA KAY TITO THEO! SUMUSUNOD KARIN PALA SA TATAY MO, AKALA KO KASI ANG TIGAS NG PUSO MO!”
Yes, Im with him because if I don’t.. One snap of my dad , Credit cards and my car will be gone! You witch!
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA”
Bigla kaming napalingon kina daddy at mommy at kay tito theo na natatawa samin.
“ANONG PONG NAKAKATAWA?!” sabay pa namin na sabi ni Prince! Napatingin naman kami sa isa’t isa.
“BAT MOKO GINAGAYA?!” at worst! Sabay nanaman kami nagsalita! Nababadtrip na talaga ako! Baka lalabas na ang sungay ko sa kamalditahan!
“You’re both Cute anak. It seems like you both are a couple arguing into something! Ipakasal kaya natin sila Mr. Villegas when my daughter turns 18?” kinikilig na sabi ni Mommy!
HINDI KO ALAM KUNG MATUTUWA AKO SA SINABI NI MOMMY PERO BOTO NAMAN AKO SINABI NIYA PERO NABABADTRIP PARIN AKO! ANG ANGAS TALAGA NG PRINCE NATO!
“ANO KASAL? HINDI PWEDE YAN! BAT KO PAPAKASALAN ANG ISANG KULOT NA YAN NI HINDI KO YAN GIRLFRIEND AND I DON’T LIKE HER!”
“Okay lang naman sakin Mrs.Buenavista.Prince, Pakakasal ka kay Brimmie Buenavista and it’s Final.”nakangiting sabi ni tito theo.
“NABABALIW KANA BA DAD?!” asar na tanong ni prince sa daddy niya.Akala ko ba mag brebreakfast lang rito at bakit napunta sa usapan ang salitang kasal! This is damn crazy!
“No, But Ms. Brimmie will be a good wife to you soon!” nakangiting sabi ni Mr.Villegas habang patuloy nito kinakain ang masarap na breakfast.
“GOOD WIFE?!!”
“WOW HA! AKALA MO MAGING MABAIT KA RING ASAWA!” roll eyes na sabi ni Brimmie kay Prince.Nasira na araw ni Brimmie kaya napakagpdesisyunan niyang umalis na ng bahay!
“Yes, and im thinking of Merger Son. You know what I mean.”
“MERGER?! HINDI NAMAN NALULUGI ANG KOMPANYA AH?!” galit na tanong ni prince.
“I KNOW.”
“YOU’RE CRAZY OLD MAN! I KNOW YOU ARE JUST KIDDING! WAG NA WAG MO AKONG PIPILITIN SA HINDI KO GUSTO! WALA KANG KARAPATAN DIKTAHAN ANG BUHAY KO!”
“PRINCE!” saway ng ama niya.
Nagkatinginan lang ang mag-asawang Brice at kimmie sa mag-amang nagtatalo sa harapan nila.
“Ah, Excuse me, Nasa harap tayo ng pagkain.Can we continue and enjoy our breakfast?” mahinahon na sabi ni Kimmie.
“Dad, I think im done here. Tito theo, Im sorry for being rude I just can’t take the childish attitude of your son.” Paghinging paumanhin ni Brimmie rito.
“WHAT DID YOU JUST SAY?!” asar na sabi ni Prince. Tiningnan lang ni Brimmie ito ng masama.
“Mom, dad..I have to go.”paalam niya rito.”YAYA ROSE! WHERE THE HECK IS MY BAG! COME HERE AND BRING IT TO ME!” sigaw niya. Dali dali naman lumabas ang yaya nito mula sa kwarto niya at binigay sakanya ang kanyang bagpack.
“Just take care sweetie.” Sabi ng mommy niya.
Lumabas na siya sa main door at agad pumarada sa harap ang kotse niya.. Marunong naman siya mag drive kaso wala pa siyang license kaya may sariling driver siya.Si Manong ruben.
Papasok na sana siya ng kotse ng may humawak sa braso niya. Sa pagkahawak niyon sakanya ay salbotaheng kuryenteng dumaloy sa loob ng katawan niya. She get electricified!
Napatingin siya. Si Prince iyon.Pinipigilan siya! Para ano? Makipag bangayan naman?
“A-NONG KAILANGAN MO? P-WEDE BA BITIWAN MOKO!”
“NO, YOU”RE COMING WITH ME!”
ANO RAW? SASAMA AKO SAKANYA?
“AYOKO NGA SUMAMA SA IYO! BAKA KUNG SAAN MO LANG AKO DADALHIN O DI KAYA IHUHULOG MO AKO SA BANGIN!”pagmamatigas ni Brimmie , magsasalita pa sana siya kaso kinaladkad na siya ni Prince.
“PUMASOK KA SA LOOB NG KOTSE KO!”sigaw ni Prince.
“YAYA ROSE! MOM , DAD! ANO BA! AYOKO NGA SABI EH! BAKA KUNG ANO PA ISIPIN MO DIYAN! AKALA MO SASAMA AKO SAYO? PWES! MAG-ISA KA!“
“PAPASOK KA O GUSTO MONG AKO MISMO ANG MAGPAPASOK SAYO SA LOOB NG KOTSE MO?!”
“SABI NA AY------KYAAAAAAAAAAA! ANO BA! IBABA MO AKO PRINCE! HAYUP KA TALAGA!” binuhat lang naman siya ni Prince na parang isang sakong bigas kaya pinagpapalo niya ang likod ni Prince. Hindi ata nasasaktan si Prince sa pagsusuntok niya dahil ang tigas ng likod nito na halatang alaga sa workout! May abs ba siya? Ay! Ano ba yang iniisip mo Brimmie ha!
Binuksan ni Prince ang pinto ng kotse at mabilis na hinagis doon sa passenger seat si Brimmie agad siyang sumakay at mabilis pinahurot ang kotse palabas sa mansion ng mga Buenavista.
“Ano bang problema mo hah?!” inis na hinarap niya si Prince.
“YOU!” mabilis na sabi nito.
“ME?!” inis na sabi ni brimmie at itinuro niya pa ang sarili niya.
“YES YOU! NAKAKAIRITA KANA TALAGA! PWEDE BA LUBAYAN MO NA AKO! WALA KANG MAPAPALA SAKIN KULOT!”
“ILANG BESES KO BA DAPAT SABIHIN SAYO NA BRIMMIE ANG PANGALAN KO AT HINDI KULOT! YOU CAN’T BLAME ME KUNG BAKIT GUSTONG GUSTO KITA AND HINDI KO ALAM NASA BAHAY KA PALA NAMIN!” prangkang sabi niya.
“PWES SINASABI KO NA SAYO NA I HATE COMMITMENTS! LOVE SUCKS AT ALL!”
“ANG YABANG MO MAGSALITA! ANO BANG ALAM MO SA SALITANG PAGMAMAHAL HA?!” galit na tanong ni brimmie sakanya.
Natahimik si Prince.. Ano nga ba ang alam niya sa salitang pagmamahal? Ni hindi niya kaya mahalin ang sarili niya. Tiningnan niya si Brimmie. Inis na inis ang mukha nito. Inirapan siya nito at tahimik na ito na tumitingin sa labas na madaanan nila.
Ilang sandali biglang tumunog ang cellphone nito.
“H-ello faye?! Omyghad! I need your help! Pri---“ Hindi niya na nagawang itapos ang pakikipagusap kay faye na biglang hinablot ni Prince ang cellphone niya at biglang itinapon sa labas ito!
Sobrang gulat niyang iyon!
“w-hat the! Ang Cellphone ko! Binili pa namin yun nung summer sa Las vegas! Why did you do that?! Ano bang problema mo ha?!” galit na pinagsusuntok ni Brimmie si Prince.
“Ano ba! Mababangga tayo sa ginagawa mo! Umayos ka ngang bubwit ka!”
“Ayos lang yun! Kasama naman kita sa libingan!” patuloy parin siya pinagsusuntok ni Brimmie!
“Kung kasama mo ako, ayoko may ibang kausap ka!” sigaw ni Prince sakanya na sa dahilan napatigil si Brimmie sa pagsusuntok rito at napanga nga siya sa sinabi ni Prince.
Bigla siyang umayos ng upo at para bang ang bilis bilis ng t***k ng puso niya.May ibig sabihin ba ang sinabi ni Prince sakanya? Bat parang sa kabila ng lahat may kasiyahan siyang nararamdaman? O talagang nahihibang na talaga siya?