"Hannah, mabuti naman at gising kana." Nag-aalalang saad ni Kiel bago hinalikan ang aking noo na naging dahilan ng pamumula ng aking pisngi. "Nasaan tayo?" Tanong ko habang tinitingnan ang buong paligid. Kasalukuyan akong nakahiga sa malambot na puting kama. Sa kisame ay may nakasabit na isang chandelier na nagsasaboy ng gintong liwanag sa buong paligid. Bumangon ako na nakita ko ang carpeted floor. Sa kaliwang bahagi ng kwarto ay may isang malaking salamin na kung saan kitang-kita mo ang mga ilaw ng mga gusali. Gabi na pala! Muli kong binalingan ng tingin si Kiel na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng kama. "Nasaan tayo?" Ngumiti lang ito bago lumapit sa akin at muli akong pinahiga sa kama. Pumaibabaw siya sa akin bago niya inilapit ang mukha niya sa akin. "Nasa isang hotel tayo. Di

