Chapter 8

633 Words
WHERE IS HE? Ngunit ng nakita ko si Eros ay mas namiss ko ulit si kuya dahil damang dama ko sakanya na parang sya ang nawawalang kong kuya. Nakita ko na ang number ng parents nya kaya agad ko itong tinawagan, buti nang talaga at wala itong password. *Kringgg [Hoy Eros saan ka nagpunta huh! lagot ka sa tatay mo at bugbug sarado kananaman doon dahil hindi kananaman umuwi ng maaga!] salubong ng isang boses babae sa tawag "Ahh sorry po , uhm naan—" naputol kong sabi dahil biglang sumabat ang babae sa kabilang linya [Sino ka hah?! babae nya? girlfriend ka ba nya?! malalagot talaga saakin yang batang yan nagawa nya nang mag girlfriend girlfriend ngayon huh] she said "Hindi nya po ako girlfr—" naputol kong ulit na salita dahil nagsalita ulit ito, napakatinis ng boses! [Edi sino ka? kidnapper?] She said "Hindi po, paumanhin po ngunit pwede po bang dito po muna sya matulog kasi po may nangyari po sakanyang hindi kaaya aya sana po ay payagan nyo po" mahinahon kong sabi kahit ako ay medyo naiinis na, sorry naman moody kasi ako minsan. [ Hindi pwede pauwiin mo sya dahil kailangan namin sya dito sa bahay, kung ano naman yang karamdaman na yan ay wala akong pakialam basta pauwiin mo sya ] Sabi nito saakin, Hayst! Naiinis na talaga ako?! ganto ba talaga ang kanyang magulang? " Ale pasensya na po ngunit hindi ko po iyan masusunod, ano po ba ang kailangan nya pong gawin jan?" Mahinahon kong tugon, ibang klasing magulang, mas okay pa sila Mommy at Daddy eh. [Kailangan nya pang mag trabaho upang may magastos kami pang araw araw] Sabi nya "Wag po kayong mag aalala, magpapahinga po muna sya ngayon dito at kinabukasan po ay may surpresa syang dala kaya po pwede po bang hayaan nyo muna syang maparito" I said [Hindi nga pwede ang kulit mo rin eh noh?! at anong surpresa yan huh?! pera ba yan? o ipis? HAYST BASTA PAUWIIN MO ANG LALAKING YAN DITO] sigaw nyang sagot saakin Hindi ko na natiis ang inis ko kaya napasigaw ako. "AHH! GANAN PO BA KAYO SA ANAK NYO? WALA KAYONG PAKIALAM KUNG ANO ANG KANYANG NARARAMDAMAN? ANONG KLASING MAGULANG KAYO!" i said to her bago ko sya pinatayan, hindi man ito kagalang-galang ngunit sumusobra na siya. Ano kaya ang kalagayan ni Eros pag nasa bahay na siya? Nagtratrabaho parin ba sya kahit gabi na? Kawawa naman sya Kaya pala ganto, bigla nalang syang nagkasakit ng hindi malaman ang dahilan dahil nasobrahan sya sa trabaho. Hayst, ano kaya ang magagawa ko para tulungan sya? Tinulog ko nalang ang natitira kong inis kundi ako ay makaka abala pa ng tulog nila. "Come with me sweetie please and let's live happily ever after" He said, nakatayo sya sa harap ko at hindi ko alam ang gagawin , hindi ako makagalaw. Nakakatakot ang kanyang presensya. Nakita ko syang lumuha at bigla nalang itong tumawa ng malakas. nababaliw na ba ito? "Come on leave them alone and let us live alone" He said at muli syang tumawa kahit may luha sa mga mata nya Nagising ako na hingal na hingal at tumingin ako sa paligid. Isang panaginip? naulit nanaman ito? Ilang linggo na ako ginugulo ng panaginip na iyon. Hindi ko alam kung bakit at ang dahilan nito. Tumingin ako sa orasan at nakita ko na 2:00am palang at ang una kong naalala ay si Aez dhil ito ang oras na pag inom nya ng gamot. Dali dali akong pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig at ang gamot nya at agad na umakyat upang puntahan ang kwarto nya. Hindi na ako nag abalang kumatok at pagkapasok ko ay wala akong nakita ni isang Aezir o kahit isang anino manlang nya. Where did he go?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD