"Uy,Mr hardinero!" Dinig ko na tawag n'ya sa akin,,ewan ko ba pero imbes na layuan ko ito ay lalo pa akong napalapit dito ngayon,,sobrang hirap naman kasi na layuan ito lalo pa at nasa iisang compound lamang kami. Simula ng gabing iyon na iniligtas ko ito mula sa pagkahulog sa bubongan ay naging mas madalas na ang pag-uusap namin nito. Katulad ngayon nandito kami ngayon sa bubong na naman ng bahay at kanina ko pa ito hinihintay dito. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko dito. "Sorry naman kinausap pa kasi ako nila Mom at Dad kanina kaya naman ngayon lang ako nakapunta." Sagot nito sa akin na kunwaring galit pa ako dito. "Galit ka ba? Sorry na kasi." Wika pa nito na tining ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko dahil halata naman sa kilos nito na ayaw n'yang nagagalit ako sa kan'ya.

