CHAPTER:6

2542 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising at inayos ang aking kwarto. Naituro na din sa akin kahapon ang buong area na kailangan ko na maasikaso ng maayos dahil mahilig pala sa bulaklak ang bunsong anak ng mga Mondragon kaya naman pinapaasikaso na ito. Paglabas ko ng aking kwarto ay nagulat na lamang ako dahil si Lumen ang bumungad sa akin. "Anong ginagawa mo dito sa tapat ng pinto ko?" Takang tanong ko dito. "Wala naman gusto ko lamang na batiin ka at paalalahan na h'wag gagawa ng kapalpakan dahil ayaw ng mga boss natin ng tatanga tanga na mga tauhan kaya naman sana ay galingan mo ang iyong trabaho para naman lumaki agad ang sahod mo at isa pa ay kailangan na makita nila ang galing mo habang maaga pa para naman laging kang napapansin at kapag napapansin ka ay maaring sa loob pa lamang ng isang buwan ay baka tumaas na agad ang sweldo mo Makinig ka sa akin dahil mas makakatulong ito sa'yo." Sagot nito sa akin at hindi nga ata ako nagkamali sa babaeng ito,s'ya ang isa sa magiging susi para mapadali ang lahat sa akin. Mukhang may mga alam s'ya sa mga illegal na gawain ng pamilya na ito na akala mo ay mga diyos kung ituring ng mga taong natutulungan na palabas lamang para malaya itong makagalaw "Ganoon ba, salamat sa lahat ng mga binibigay mo sa akin na tips para lumaki agad ang sahod ko,pero bakit mo ba ito ginagawa kung tutuusin ay hindi mo naman ako kilala para bigyan ako ng mga tips na kagaya ng mga sinasabi mo sa akin ngayon." Tanong ko dito at tinitigan lamang ako ng malagkit nito. "Dahil type kita,at syempre ang kapalit ng mga tips na iyan ay alam muna!" Sagot nito sa akin ng diretsahan at humawak pa sa dibdib ko. "Hindi kaya magalit ang mga boss natin kapag nahuli tayong gan'yan ka sa akin?" Tanong ko pang muli dito. "Kung magpapahuli tayo,alam ko kung saan ang parte ng mansion ang may mga nakakabit na CCTV kaya naman h'wag kang mag-alala dahil hindi tayo mahuhuli!" Kampanteng sagot nito sa akin. "Ikaw ang bahala." Sagot ko naman dito na ikinangiti naman nito sa akin hahalikan pa sana ako nito pero umiiwas ako dahil ayaw ko na may humahalik sa akin na hindi ko naman talaga kasintahan. Dahil kahit naman gumagalaw ako ng mga babae ay ni minsan ay hindi ko sila hinalikan sa labi dahil tanging isang babae lamang ang maaring humalik dito at hindi ko alam kung makikita ko pa ba s'ya. Ang nangyari naman sa amin ni Ann sa club na bigla akong hinalikan nito ay hindi ko agad nailagan kaya naman ito ang pangalawang babae na humalik sa aking labi. "Bakit ayaw mo bang magpahalik?" Tanong nito sa akin. "Pasensya na pero hindi kita maaring halikan dahil hindi naman kita nobya."Sagot ko dito na natawa na lamang ito ng pagak. "Okay,kung yan ang limitations mo ay tatanggapin ko pero pwede mo din naman akong maging nobya habang nandito ka!" Sabi pa nito sa akin na halata naman sa kilos nito na gusto lamang ay s*x sa akin. "Hindi na magagalit si Boss kapag may nangyari sa atin?" Kita ko ang pagkalito sa mga mata nito dahil sa aking tanong sa kan'ya. "Bakit naman siya magagalit,di ba nga kaya hindi tayo magpapahuli ay para hindi nila malaman." Balik tanong naman nito sa akin na alam ko na iniiba lamang nito ang sagot halata naman kasi na parausan din ito ni Dex Mondragon o baka nga pati ang mga anak nito ay ginagamit din s'ya kaya kailangan ko din mag-ingat sa kan'ya dahil baka may kung anong sakit na ito. Kailangan kapag nagbibigay na ito ng motibo ay makagawa na agad ako ng matibay na alibi para naiwasan ko ito,ayaw ko naman magkasakit dahil lamang sa mission na ito. "Ang mabuti pa ay kumain ka na muna sa kusina para naman may lakas sa mga gagawin mo dahil matataas na din ang damo sa garden ngayon kaya naman kailangan mo ng makagawa ng paraan para matanggal lahat ng iyon at ang mga orchids ay ingatan mo dahil paborito yan ni Madam Silvia na asawa ni boss Dex na bagama't hindi naman madalas tumambay dito sa mansion ay palagi din naman nitong tinitingnan ang mga orchids n'ya kaya naman alagaan mo iyon ng maayos at isa pa ay ang bunsong anak nila ay mahilig din sa bulaklak kaya sana naman ay hindi mainit sa halaman ang kamay mo para naman mapatubo mo sila ng maganda para naman mapangiti mo din ang isang iyon." Mahabang litanya nito sa akin na nagbilin na naman ng Ilan na dapat ko na gawin dito. "Bakit maldita ba iyong bunsong anak nila?" Tanong ko pa dito. "Hindi naman s'ya maldita sadyang hindi lamang s'ya palangiti kaya naman napagkakamalan na masungit,pero hindi naman talaga dahil sa ilang buwan n'yang pananatili dito sa mansion ay ni minsan ay hindi pa naman ako nito sinungitan dahil lahat naman ng utos nito ay nagagawa ko ng tama,kaya lamang ay may iba din dito sa amin ang minsan ay lumalabas din ang pagiging maldita nito dahil tulad ng daddy nito ay ayaw n'ya din ng tatanga-tanga kapag inuutusan.Kaya naman galingan muna lamang ang iyong pag-aasikaso sa mga halaman nila para hindi ka masampulan ng kamalditahan dahil mabait naman talaga s'ya,lalo na kapag nagustuhan n'ya ang trabaho mo." Paliwanag pa nito sa akin. "Salamat ulit sa mga sinasabi muna ito dahil makakatulong ito ng maayos sa akin."Sabi ko dito at lumakad na kami papunta sa kusina nito. Kumain na agad ako dahil baka mamaya ay mainit na kung saan ako magdadamo. May mga kagamitan naman sila para aking magamit na mga high tech din dahil sa yaman ba naman ng mga ito ay barya lamang sa mga ito ang mga ganito kamamahal na gamit. Kitang-kita naman ang karangyaan sa mansion nila dahil kahit ang mga katulong ay may masasarap palagi na ulam kaya naman siguro kahit may mga nalalaman na ang ilan sa mga matatagal ng tauhan nila ay hindi na lamang ang mga ito nagsasalita ng mga nalalaman nila dahil mahirap nga naman kapag kinalaban nila ang mga ito dahil sino ba naman ang mga ito para paniwalaan ng mga otoridad na tiyak ko na maging ang mga matataas na politiko ay ang maaring tumutulong para hindi mabuko ang mga illegal na negosyo nila. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na agad ako sa kanila at ngumiti ang ilan sa akin at ang iba naman ay tumango lamang. May mga makakatulong naman pala ako sa aking trabaho dito Lima kaming hardinero dito at lahat pala kami ay puro baguhan ang mga ito ay dumating kagabi kaya naman hindi ko sila nakita kahapon. "Ang lawak ng lilinisan natin, grabe naman ang lupain nila at lahat ito ay dapat daw mapaganda natin ang tubo ng mga halaman." Wika pa ng isa na mukhang masayahin. "Ano ba mga pangalan n'yo guy's para isa-isa na muna tayong magpakilala sa isat isa." Sabi pa nito. Nang makapagkilala silang lahat ay ako na ang huli. "Ikaw ba bro anong pangalan mo?"tanong nila sa akin. Dahil ang mga pangalan nila ay kinakabisado ko na sa aking aking isipan ngayon sila ay sina Miro, Philip,Rudy at Norman na pawang mga kasing-edad ko lamang din. "Caloy Dimasuso!" Sagot ko sa kanila at hagalpak sila sa tawa dahil na naman sa apelyido ko. Hinayaan ko na lamang sila na tumawa at kumuha na ako ng aking gagamitin na grass cutter para naman makapagsimula na kami dahil marami pa ang dapat ayusin dito dahil sa aking palagay ay medyo natagalan ata bago sila nakakuha ng mga bagong magiging hardinero nila. Hanggang sa sumunod ang mga ito sa akin. "Brod pasensya ka na sana hindi ka mainis sa amin dahil sa pinagtatawanan namin ang iyong apelyido." Paghingi ng pasensya sa akin ni Philip at maging ang ganoon din sa akin. "Okay lang naman sanay naman na akong pinagtatawanan ang apelyido namin kahit noong nag-aaral pa ako ng elementarya na tanging natapos ko lamang,dahil alam n'yo naman ang hirap sa probinsya." Sagot ko sa mga ito na kunwaring nagkweto pa ako ng aking kabataan na hindi naman totoo. Sa aking mission na ito ay dapat maging best actor din ako dahil sa marami pa ang kailangan na mahabi ko na mga aking nakaraan dahil tiyak na marami pa ang gusto nilang malaman sa akin. Lahat naman ito ay may magpapatotoo na galing ako sa Romblon dahil umpisa pa lamang ay ginawa ni Dad ang lahat para maging makatotohanan ang pinanggalingan ko na bayan. "Tama ka d'yan Caloy dahil maging kami ay mga elementarya lamang ang natapos at mabuti na lamang ay natanggap kami sa agency na inaaplayan namin kaya naman napunta kami dito,mga kasabay ko sila sa agency at ikaw naman ay hindi na namin inabutan dahil nauna ka na nga daw na ipinadala dito." Sabi pa nito sa akin na parang naawa naman ako sa sitwasyon ng mga ito dahil sa kahirapan dito sa bansa ay madalas talaga hindi na nakapag-aral ang nakakarami kaya naman malabong umunlad ang bansang ito dahil sa dami ng tiwali sa na mga nakaupo na sa pwesto dahil sa dami ng umupo na pangulo sa bansa ay ni isa wala pa talaga nakagawa na maiahon ito ku'ndi ay lalo pang nagmahalan ang mga pamilihan ngayon sa merkado na kung ordinaryong manggagawang pilipino ka lamang ay tiyak ng hindi sasapat ang kikitain mo sa isang araw dahil mahal ng mga bilihin,,kaya ang iba ay napipilitan ng gumawa ng mga masama sa kapwa nila para kumita lamang ng pera para sa mga pamilya nila na mga nangangailangan. "Ang mabuti pa ay mag-umpisa na tayo dahil tiyak na mamaya lamang ay mainit, maswerte na din na natanggap kami dito para naman kahit paano ay may maipadala sa pamilya namin sa probinsya na umaasa sa amin,kaya dapat ay pagbutihin natin ang ating trabaho para naman hindi na magutom ang mga umaasa sa atin." Sabi pa ni Rudy na halatang sa apat na makakasama ko ay ito ang sa palagay ko ay batak na batak sa trabaho. Ang lalaki kasi ng mga balikat nito at maging ang kan'yang pangangatawan at ito ang seryoso sa apat kahit pa nga nakitawa din ito kanina na naiintindihan ko naman dahil nakakatawa naman talaga ang apelyido na iyon na bakit hindi ko man lang naisipan na palitan ito habang nasa headquarters pa kahapon Dahil sa sobrang excited ako para sa mission na ito ay nakalimutan ko na itong banggitin kay Dad. Nag-umpisa na nga kami na maglinis ng paligid at wala ng area area para daw mas mapabilis ang aming trabaho ay hindi na dapat kami mag-isip pa kung ano ang kayang gawin ng iba,basta ang importante ay magtulong tulong kami na malinis ang buong paligid ng mansion at mamaya na lamang namin itutuka ang bawat isa mga aalagaan namin na mga halaman na sa aking palagay ay mas mapapabilis nga ang trabaho namin kapag ganito ang set-up. Halos magtatanghali na ng tumawag sa amin si Lumen na alam ko na ang aking mga kasama ay naggagandahan din dito. Maganda naman talaga si Lumen iyong ganda na may dating sa iba pero para sa akin ay ordinaryo lamang. Ewan ko ba pero hindi ko pa ata nakikilala ang babaeng kayang mapatulala ako sa ganda pa lamang n'ya. "Ang ganda ng anak ng mayordoma natin noh,may boyfriend na kaya s'ya!" Sabi pa ni Mori na napapatanong pa sa hangin kung may boyfriend na ba si Lumen. "Bakit hindi mo itanong sa kan'ya!" Sagot ko dito habang medyo malayo pa kami na naglalakad palapit dito. "Nakakahiya!" Tipid na sagot nito sa akin. Ang tatlo kasi ay medyo nahuhuli sa amin kaya naman hindi nito mga naririnig ang pinag-uusapan namin dalawa ni Mori na mukhang tinamaan na ng malupit sa ganda ni Lumen. May hitsura din naman si Mori kaya nga lamang ay dahil sa trabaho sa bukid din ata ito lumaki sa probinsya ay napakaitim talaga ng balat nito na kapag tumatawa nga ito ay makikita mo lamang sa kan'ya na maputi ay ang ngipin nito. "Wala naman mawawala kung susubukan mo Brod." Sagot ko dito at natigil lamang kami sa pag-uusap ng mapansin namin na palapit sa amin si Lumen at may dala itong towel. "Kanina ko pa kayo tinatawag,para kumain."Sabi nito at parang magnet naman ang mga mata ni Mori na hindi maalis ang tingin sa dalaga na walang kaalam-alam sa nararamdaman nito. "Pawis na pawis ka na,halika at pupunasan kita." Wika pa nito sa akin na akmang pupunasan na ako nito ng kunin ko ang aking pamunas mula sa aking beltbag. "May pamunas na ako kay Mori mo na lamang ipunas yan!" Sabi ko dito at tila naman kumislap ang mata ni Mori dahil sa aking sinabi. Ang akala ko ay pupunasan ito ni Lumen ngunit ibinigay lamang nito ang pamunas sa lalaki at nauna na sa amin na maglakad papasok ng mansion. Sa likod naman namin ay naabutan na pala kami ng tatlo at parang tumakbo pa ang mga ito kaya naman tila hingal na hingal ang mga ito ngayon. "Grabe ang bilis n'yo naman na dalawa maglakad!" Sabi pa ni Rudy. "May lahi atang kabayo ang dalawang ito." Segunda naman ni Philip na nagtawanan na lamang sila na maging ako ay napapalagay na din ang loob sa mga ito. Nang makapasok sa mansion ay kan'ya kan'ya na kaming upo pagdating sa mesa para sa mga trabahador at gusto pa sana ni Lumen tumabi sa akin ng may umupo dito at si Philip pala kaya naman no choice ito ku'ndi ang umupo sa tabi ni Mori. Alam ko na naiirita na ito dahil hindi s'ya makalapit sa akin Nang matapos kaming mananghalian ay pumunta na muna ako sa aking kwarto para ilagay ang aking mga labahan sa loob nito at makakuha na din ng panibagong susuotin ko. Grabe din ang mga damit ni Dad sa akin na ang iba ay may mga butas pa sa kili Kili o kaya naman ay sa tagiliran literal na damit ng mga mahihirap na kailangan ko na suotin dahil ito ang babagay na outfit para sa aking trabaho.. Nang lumabas ako ay nandito na naman si Lumen at hindi ko alam sa babaeng ito kung kabute ba ito o may sa flash sa bilis nitong makasunod sa akin dito. '"Bakit nandito ka na naman? Baka may makakita sa'yo!" Sabi ko pa dito dahil maaring may makakita dito na pumupunta dito sa kwarto ko. "Madali lang naman akong nakakagawa ng alibi kung sakali man na may makakita sa atin na nag-uusap dito Caloy,,Alam muna naman na gusto kita di ba at ramdam ko din ang tila pag-iwas mo sa akin." Sabi pa nito. "Ayaw mo ba sa akin?" Tanong pang muli nito sa akin. "Hindi naman sa ayaw pero sa'yo na nanggaling kanina na kailangan natin na mag-ingat dahil hindi maaring malaman ni Boss ang pagiging malapit mo sa akin." Sagot ko dito na sana ay paniwalaan nito. "Ganoon ba ang akala ko naman ay ayaw mo sa akin.Sige aalis na ako dahil may iniuutos pa sa akin si Duogs ang panganay na anak ni Boss na ni amo din natin." Paalam nito sa akin na mukhang napaniwala ko naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD