Habang nag-uusap sila ay bigla na lamang dumating si Nicholai ang pangalawang anak na lalaki ni Dex Mondragon na isang bakla. "Kumusta ang nangyari sa lakas mo,,maayos ba na naipadala ang mga bata sa laboratory para malaman kung healthy pa ba at mapapakinabangan pa natin ng malaki?" Tanong agad ni Dex sa anak nito base sa pagtatanong nito ay maging illegal trafficking ay negosyo na din nito,, sila ang nasa likod ng mga nababalitang nawawalang bata na hindi magawang mapatunayan ng mga magulang nito. "Ang mga magulang ba ng mga bata na iyan ay nakagawa na kayo ng paraan para hindi mga pumutak? Ayaw ko na ng mga palpak na trabaho at kilala n'yo naman ako ayaw ko sa lahat ay iyong mga tatanga tanga!" May diin na pagkakasabi nito sa kan'yang anak. "H'wag kang mag-aalala Dad,,dahil hindi ko n

