Araw ng linggo ngayon at araw din ng day off ko.Sa loob ng mahigit dalawang buwan ko dito ay ito ang ikalawang beses na makalalabas ako ng mansion ng mga Mondragon. Naging maingat lamang ako sa aking kilos,,noong nakaraan nga ay naibigay ko na sa headquarters ang mga nakalap ko na ebidensya. Hindi pa mga sapat ang mga ito pero alam ko na malaki ang maitutulong nito para mas malaman pa namin ang lahat ng mga illegal na negosyo ng mga Mondragon. Habang palabas ako ng mansion ay alam ko na nakatingin sa akin ang kasintahan ko,,sana lamang ay makagawa din ito ng paraan para makalabas dahil may usapan kami ngayon na lalabas,, hindi na din muna ako pupunta sa headquarters dahil mas gusto ko din naman na makasama ng matagal ang girlfriend ko. Ngumiti din sa akin si Lumen ng makita ko ito at s

