Kabanata 34

2129 Words
Kabanata 34             Maaga kaming ginising ni Eon. Nag-anyong tao na ulit kasi siya, ginising niya kami nang maaga dahil ngayon namin makikilala ang tagapangalaga. Walang bakas ng antok ang aking naramdaman ngayon nang banggitin ni Eon ang gusto kong marinig ngayong umaga.             “Gising na kayo, at mamaya-maya lang ay makakausap niyo na ang tagapangalaga. Kailangan ko pa tuloy mag-anyong ganito, para lang gisingin kayo isa-isa.” Hingal nitong turan. Mataas nap ala ang sikat ng araw sa labas, hindi ko rin napansing natanghalian na pala ako ng gising. Dahil siguro ito sa sobrang late na akong natulog kagabi, pero hindi naman kasi ako dinadalaw ng antok kagabi kaya ganoon. Sinilip ko si Kith, para matignan kung ganoon din ba siya, inaantok ba ang mukha niya o ano, pero wala naman. Okay lang naman siya.             “Labas ka na, Deeve, nakaharang ka sa daan.”             “Oo na, oo na.” nagmamadali naman akong lumabas ng kubo, kahit hindi pa ako nakapag-ayos ng aking buhok. Inabala ko ang sarili sa pasimpleng pagtatanggal ng mga dumi sa aking mukha, ganoon na rin ang pag-aayos ng nagusot kung damit, at buhok na hindi man lang naayos ng pagsuklay ko gamit ang aking kamay.             “Pumila kayo riyan sa kung saan nakatali ang tela na may nakasulat na pangalan ninyo. Dahil ngayon na ang opisyal na pagbibigay sa inyo ng tagapangalaga ng inyong mga kapangyarihan, kasabay ng pagbabago ng inyong mga kasuotan at anyo. Magiging matured kayo, kumpara sa hitsura niyo ngayon. Iyan lang muna sa ngayon ang aking masasabi. Dahil ang iba ay ang tagapangalaga na ang magpapahayag. Umayos na kayo.” Kaagad naman naming sinunod ang mga instructions ni Eon, kaya nagsitayuan na kami sa gilid ng aming mga kahoy na may nakataling mga puting tela.             “Kinakabahan ka ba?” katabi ko ngayon si Aztar.             “Medyo. Saka ito na ang hinihintay nating araw, Deeve. Kaya halo-halo ang nararadaman ko ngayon. Paano ba naman kasi, kahit na rito lang sa mundong ito tayo magkaroon ng mga kapangyarihan ay labis na ang tuwa kong makaranas ng ganoon. Tapos curious din ako kung ano ang magiging mukha ko, gayong ang sabi ni Eon ay magiging matured ng mga mukha natin. Imbes na dise-otso pa tayo, magmumukha tayong mga tatlumpo. ‘Di baa ng astig.” Masayang-masaya talaga siya habang sinasabi niya iyon sa akin.             Na-excite na rin ako sa kanyang mga pinagsasabi, may punto si Aztar. Ano kaya ang magiging kapangyarihan ko, saka ano kaya ang magiging hitsura ko kung ganoon. Magiging tatlumpo raw kami. Saan naman kaya nakuha iyon ni Aztar?             “Umayos na kayo, nandito na ang tagapangalaga.” Naituwid ko kaagad ang aking katawan nang sa pagtingin namin sa aming harapan. Isa lang itong parang malaking speaker na gawa sa kahoy. Akala ko ba makikilala na namin ang tagapangalaga? Bakit ganito?             “Eon, hindi ba namin makikilala sa personal ang tagapangalaga?” ani Ave na ngayon ay parehong nakataas ang mga kilay.             “Oo nga, Eon. Akala namin makikita na namin siya at makikilala.” Dagdag pahayag ni Hamina. Nang nahinto kami dahil sa may nagsalita sa parang speaker sa harap namin. At rinig namin ang boses babae, mukhang ito na nga siguro ang tagapangalaga.             “Magandang tanghali sa inyong lahat, pasensya na kayo kung hindi niyo ako makikita sa ngayon, pero makikilala niyo rin ako sa takdang panahon. May rason kung bakit hindi ako pwedeng magpakita sa inyo, dahil hindi pwedeng pumasok ang aking imahe diyan sa mga isipan ninyo, sa kadahilanang nababasa at nakikita ni Lucinda ang mga nasa isipan ninyo. Kaya sana ay maintindihan niyo ako.” Mahabang pahayag niya. Ang kaninang pagkadismaya ay nawala na nang tuluyan.             “Ikinagagalak ka po naming makilala, Tagapangalaga.” Sabayan naming bigkas at yukod pa. Alam kon kahit na hindi namin siya nakikita, pero siguradong nakikita niya kami.             “Tawagin niyo na lang akong Vee, paraha hindi na kayo mahirapan sa napakataas na salitang iyon.” Tango lang kami nang tango.             “Sa puntong ito, alam niyo na naman siguro kung bakit kayo nandito, dahil sa ipinabasa kong mensahe kay Eon nang una kayong nabuong lima, ‘di ba? At alam niyo na kung sino ang makalalaban natin. Ngayon naman, gusto kong ipaliwanag sa iyo ang misyon ninyo. Kaya makinig kayong lima ng mabuti, dahil hindi ko na uulitin pa ang pagkasabi ko nito.” Muli siyang nanahimik. Pati kami ay wala ring imik. Ang aming mga tainga kasi ay nasa kanya lang nakikinig.             “Unang lebel ng inyong misyon, may makalalaban kayong mga maliliit na insekto, at mga ligaw na hayop na may mga taglay ring mga mahika. Iyan ang pinakauna ninyong makasalamuha pagkalabas na pagkalabas ninyo ng saradong espayo na ito, kung saan ay tatahakin na ninyo ang masukal na kagubatan. Sa pangalawang lebel naman ng inyong misyon, ang makalalaban ninyo ay ang mga gumagalaw na bagay, mga engkantong nasailalim ng itim na kapangyarihan ni Lucinda. Kaya dapat kayong mag-ingat. Ang pinakahuling lebel naman ng misyon ninyo ay ang pinakamahirap, nasasabi kong mahirap kasi nga rito na masusukat ang inyong katatagan ng loob, kung nasanay ba, o nahubog ng ating mga pagsubok ang inyong mga loob, makahaharap ninyo ang mga kaklaseng nanakit sa inyo, mga nam-bully sa inyo.” Huminto muna saglit sa pagsasalita si Vee.             “May kwentas si Deeve,” kinapa ko at nilabas ang kwentas. Paano niya nalaman iyon?             “Iyan ang magiging gabay ninyo papunta sa direksiyon kung saan ay patungo kayong hilaga,” nagsilapitan ang apat kong kasamahan sa akin para matignan din ang sinasabing direksyon. Nagsibalikan naman ang lahat nang muling nagsalita si Vee, ako ay panay lang ang titig sa kwentas.             “Nasa hilaga makikita ang kastiyong gawa sa bato na kung saan ay nakatira si Lucinda, ang pinsan ko na siyang may pakana ng kaguluhan dito at sa mundo ninyo. Kaya habang maaga pa, iligtas ninyo ang mga kapwa niyo mga estudyanteng pinagdudukot ng mga alagad ni Lucinda. Naroon ang lahat sa kastilyo niya. Huwag kayong mag-alala, hinding-hindi ko kayo pababayaan sa pagkalaban kay Lucinda, may tiwala ako sa inyong lahat.” Nakapikit ako habang nakikinig sa mga anunsiyo ni Vee.             Habang nakapikit ako, ramdam ko na parang pamilyar sa akin ang kanyang boses.             “Sa punto namang ito, may inilagay akong mga parang relo sa inyong mga palapulsuhan.” Napatingin kami ng sabay sa aming mga kamay, may nakalagay nga. Hindi man lang namin namalayan. Wala kasi ito kanina.             “Nakikita ninyong isandaang porsyento ang nakalagay sa gitna ‘di ba? Iyana ng inyong dugo, kung mauubos iyan, hindi na kayo makababalik sa inyong misyon.” Aniya na nakapagpakaba sa akin. Paano na lang kung natalo ako?             “Huwag niyong isipin na hindi ninyo kaya, dahil may tiwala ako sa inyo kaya kayo ang napili ko. Kaya sana ay pagtiwalaan niyo rin ang inyong mga sarili, katulad ng pagtitiwala ko sa inyo.” Ito na naman ang mga katagang hindi namin kinalilimutan. Ang malaking tiwala ni Vee sa amin. Hindi namin siya dapat na biguin, at kahit na anong mangyari, gagawin ko ang lahat na hindi mabawasan ang porsyento ng aking dugo.             “Huwag din kayong mag-alala, kasi nga kung nais ninyong magpapuno ng inyong dugo, pwede kayong magbilad sa araw ng ilang minuto. Pero huwang iyong araw na sobrang init, at baka iyon pa ang maging dahilan na manghina kayo.” Tango kami ulit nang tango. Wala na talaga kaming ibang ginawa ‘di sundan ang mga pahayag ni Vee.             “At dahil mukhang malinaw na sa inyo ang mga pinagsasabi ko, sa puntong ito, gusto kong sabihin sa inyo na galingan ninyong lima.” Nag-angat ako ng aking ulo, sabay ayos ng aking tayo, mas tinuwid ko pa ang pagtayo ko. Ang mga kamay ay nasa likuran.             “Ngayon naman, ibabahagi ko na sa inyo ang inyong mga kasuotan. Mauuna ka na, Kith.” Humakbang ang kaibigan, may kung anong liwanag ang sumakop sa kabuoan ni Kith, kaya hindi namin nakita kaagad ang kanyang suot. Nasilaw kami sa sobrang liwanag. Nang paulit-ulit naming pinikit ang mga mata para lang mawala ang pagkasilaw. Doon malinaw kong nakita ang kanyang suot, napakaikling pang-ibaba, napakaputi ng kanyang mga biyas. Saka ang suot na pampaa ay parang isang botas na hanggang tuhod na ang gamit ay balat pa rin ng hayop, mukhang galing sa oso. Ang pantaas naman ay isang pangkawal na pambabae. May kappa sa likod na kasintaas lang na hanggang baywang. May mga nakalagay na pana sa likod niya. Ang kanyang buhok naman ay nakapusod. Nag-mature nga ang kanyang hitsura, pero hindi naman nawawala ang natural niyang mukha. Ganoon pa rin naman.             “Tignan moa ng sarili mo sa salamin na hawak ngayon ni Eon.” Utos pa ni Vee kay Kith. Napanganga na lang siya sa labis na pagkagulat, hindi niya inaasahang ganoon ang magiging damitan niya sa aming misyon, ibang-iba sa Kith na napakakonserbatibo sa kanyang suot. Pero hindi naman ganoon kaikli ang kanyang suot din ngayon, ay mga parte lang sa kanyang katawan na nakikita. Katulad na lang sa may balikat hanggang braso. At sa hita papuntang tuhod.             “Ang kapangyarihang ipinagkaloob ko sa iyo ay kaya mong walain ang sarili sa paningin sa mga makalalaban mo.” Ibig sabihin, ang kapangyarihan ni Kith ay invisibility? Ang astig!             “Maraming salamat, Vee.” Pormal na nagyukod si Kith.             “Ngayon naman, maaari ka na ring humakbang, Lavender.” Katulad nga ng nangyari kay Kith kanina, nag-iba na rin ang kanyang kasuotan, pero daladala pa rin niya ang kanyang libro at ang kanyang ballpen na palaging nakalagay sa bulsa ng kanyang polo ay nandoon pa rin. Pero hindi na siya ngayon nakasuot ng salamin, ang ikinagulat namin ay ang mga buhok nito na tumubo sa kanyang baba. Ang mature tignan ni Ave sa kanyng hitsura.             “Ang kapangyarihang mayroon ka, Ave, ay ang mga bagay na mayroon ka. Ang libro moa ng magsisilbing pananggalang, habang ang iyong ballpen ang magpapalit anyo bilang isang sandata, matalim na espada.” Sinubukan pang ipakita ni Ave ang kanyang kapangyarihan kaya mas lalo akong namangha. Grabe ang galing!             “Ikaw naman ngayon, Hamina.” Ang palangiting si Hamina, ngayon ay sobrang seryoso ng kanyang mukha.             “Ikaw naman ay bibigyan ko ng kapangyarihang nagbubuga ng nakapapasong liwanag sa iyong dalawang mata. Kung sino man ang titirahin mo ng lazer sa iyong mga mata, ay siguradong mapapaso at mabubutas ang kanilang mga katawan.” Napangiwi kami sa kanyang kapangyarihan, kasi nga napakabrutal yata masyado ng pagkasabi no’n ni Vee.             “Maraming salamat po.” Matapos kasi niyang bigyan ng kapangyarihan kanina, naging iba na rin ang kulay ng kanyang mga mata, kaya may laging suot na siya ngayong itim na tela na pantakip ng kanyang mata. Ang kabuoan ng kanyang suot ay itim lahat na bakat ang kanyang makurbang katawan.             Sabay naman kaming tinawag na dalawa ni Aztar.             “Kayong dalawa, pumikit kayo.” Sinunod ko ang turan ni Vee.             “Maaari niyo nang buksan ang inyong mga mata.” Ang bilis naman, wala naman kaming naramdaman na kung ano.             Katulad nga ng dati, pangsundalo ang kasuotan ni Aztar. Kompleto na ngayon ang kanyang suot, may takip na rin siya sa kanyang ulo, pero ang ipinagtataka ko, bakit wala siyang mga armas na nakalagay sa kanyang katawan?             “Tignan mo ang iyong mga kamay, Aztar. Titigan mo ito ng mabuti, saka mag-isip ka ng mga armas na gusto mong makita. Mga baril ang kailangan mong isipin.” Ani Vee. Nakatanaw lang ako kay Aztar na ngayon ay nakapikit na nga, nang napanganga kami at nagulat nang ang kanyang kamay ay biglang naging isang baril. Nag-isip muli ng ibang baril si Aztar at ganoon din ang nangyari. Ang galing! Kitang-kita sa mukha ni Aztar ngayon ang kanyang kagalakan.             “Maraming salamat po.”             Ano kaya ang makukuha kong kapangyarihan? Sana marunong akong gumamit nito.             “Ikaw naman, Deeve. Espesyal ang abilidad mo, hahawakan mo lang ang kalaban mo, o sinomang gusto mong kopyahin ang kapangyarihan, iyon na rin ang magiging kakayahan mo, subukan mong hawakan ang isa sa mga kasamahan mo, kung makokopya mo sila.” Talaga bang makokopya ko ang kakayahan nila? Gusto kong subukan ang kapangyarihan ni Hamina, ang may lalabas na lazer sa mata.             Hinawakan ko si Hamina sa balikat nang biglang nag-init ang mga mata ko, kaya napabuga ng laze rang mga mata ko nang wala sa oras. Ganoon pala iyon, mukhang kailangan kong makontrol ang paggamit ng kapangyarihan ko. Hindi na muna ako nagsubok ng iba pa. Hanggang maaari ay kailangan ko munang mag-ensayo.             Natapos ang pagbibigay ng mga kapangyarihan sa amin ni Vee. Nakatingin lang ako sa itaas, inaalala ang mga bagay na hindi ko aakalaing nagagawa ko ngayon, dati sinusulat ko lang ito, ngayon naman, nararanasan kong magkaroon ng kakayahan katulad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD