Kabanata 13

1172 Words
Kabanata 13 Aztar’s POV “Ilang buwan na lang ba ang pasukan, Az. Malapit ka nang magkolehiyo, ano ba ang balak mong kukunin na kurso?” nakaupo ako ngayon sa aking maliit na lamesita, kung saan ay palagi kong dinadala ang mga ginagawa kong takdang-aralin o proyekto kapag galing akong El Federico. “Hindi ko pa po napagdedesisyonan, Dad. Saka malayo pa naman ang hihintayin, para lang malapit, pero marami pang lubak-lubak na raan ang babaklasin.” Nagtaas ako ng ulo habang nakatitig na nakasagot kay dad, kasi naman---isang kilalang sundalo, hindi lang basta kilala, nirerespeto pa siya rito sa buong Siyudad ng Illustrado. Kaya nga sa tuwing tinatanong ako ni dad patungkol sa usaping ito. Pasimple kong kinikiskis ang dalawang paa ko sa ilalim dahil sa hindi ako mapakali sa kanyang tanong. Paano kung makasagot ako ng hindi niya gusto? Saka hindi naman kami gaanong malapit ni dad, kahit na kami na lang dalawa angmagkasama. Sa kasamaang palad kasi, nang ipinanganak ako ni mommy, buhay naman niya ang naging kapalit. Kaya buong buhay ko rin ang itinataya ko kay daddy. Lahat ng gusto niya, sinusunod ko. Kaya kahit na tanungin niya akong ano ang gusto kong kurso. Hindi ko pa rin nasasabi ang totoong gusto ko. “Kahit ano na lang po, Dad. Saka hindi ko pa naman napapag-isipan iyan sa ngayon.” nagpakawala ako ng ngiti jay daddy. Seryoso lang ang mukha ni daddy. Pero kahit kailan, hindi pa niya ako pinapagalitan o pinabubuhatan ng kamay, mabait si daddy. Kahit ang tingin ng iba sa kanya ay isang sundalo na hindi man lang marunong ngumiti. Marepesto si daddy, saka matulungin, kaya kahit seryoso ang mukha niya, saka pahirapang hingan ng tulong. Hindi siya humihindi, basta ang tulong na hinihingi ay totoo at walang halong kalokohan. “Oh, sige. Mag-aral ka lang diyan, pupunta muna ako ng campo, naatasan kasi akong mag-shift muna sa oras na ito. Hanggang madaling araw. Kaya kung may nangyari mang masama sa iyo rito, pindutin mo lang ang emergency number na sinabi ko sa iyo, maliwanag ba?” tango lang ako nang tango. Binaba naman niya ang kanyang ulo saka hinalikan ako sa gitna ng aking buhok, sabay gulo pa ng buhok ko. Ganyan si daddy, everytime na umaalis siya. Hindi niya nakalilimutang gawin iyon sa akin, o sa aking mga kapatid. Pero ngayon, ako lang ang nandito sa bahay namin sa Siyudad ng Illustrado, kasi nga malapit lang sa paaralan ko ngayon na El Federico Academy. Ang nandoon sa kalapit lungsod ay ang mga kapatid kong panganay na babae. Siya ang nag-aasikaso sa mga kapatid ko roon, wala namang problema, kasi nga malalaki na naman sila, wala ng alagain. Kasi tatlo lang sila roon, dalawang lalaking kambal na nasa ikatatlong baitang pa lang sila. Kung nagtataka kayo kung bakit may dalawang bunsong kapatid pa ako na kambal. Actually inampon lang iyon ni dad. Nakita niya kasi ang kambal sa isang bahay ampunan nang doon sila pinapunta ng head nila para magbigay ng mga donations. Nang nalaman niya ang kwento sa likod ng kambal, walang pagdadalawang-isip niya itong inampon. At si Ate ang naging nanay-nanayan sa bahay. Pero may nagbabantay naman sa dalawa na yaya kapag nasa paaralan na sila. Hindi naman kasi kaya ni ate na nagtatrabaho pa siya bilang homebase online teacher, saka pupunta pa sa paaralan ng mga kambal para bantayan sila. Contradict kasi ang oras kaya imposible. Nag-unat na ako ng aking dalawang kamay sabay unat din ng aking likod na may biglang nag-crack sa likod ko, pero napakasarap sa pakiramdam ang tunog na iyon. Success ang pag-uunat ko. Nakangangalay rin kaya ang magtipa sa screen, tapos nagsusulat. Nag-se-search kasi ako habang nagsasagot ng mga tanong na hindi ko alam. Anong silbi ng internet ‘di ba? Saka hindi naman ako palaging nakadepende sa kahit anong search engines. Nagligpit na ako ng aking mga gamit, pinatay ang pinaka-center na ilaw sa salas, at itinira lang ang mga dim lights. May mga kasambahay naman na siyang nag-ro-roam ng buong bahay para tignan kung na-lock, o napatay na baa ng mga ilaw. Saka may mga bantay naman sa labas, kaya hindi ako takot na may manloob, for incase lang naman iyong paalala sa akin kanina ni daddy. Nagbihis na ako ng pantulog matapos mag-half bath. Hindi kasi pwedeng maligo dahil kulang ako ng tulog kagabi dahil sa pinakasinisekreto ko kay daddy, ayaw kong malaman ito ni daddy, kasi nga hindi ko alam kong ano ang gagawin niya. May isang araw kasi na hinatid niya ako sa paaralan ko, dahil daw pareho kami ng dadaanang kalye, wala naman akong karapatang tumanggi, kasi nga ama ko iyon. Saka si daddy ang isa sa pinakaninirespeto ko, pati nga mga nakakakita sa kanya, napapasaludo ng kanilang kama sa kanilang noo bilang pagbibigay galang sa daddy ko. “Nandito na tayo, Az, mag-aral ka ng mabuti, okay? Saka kung may problema ka man, huwag na huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin kung ano iyon, dahil anak kita.” Tango lang naman ako nang tango, ginulo na naman ulit nito ang aking buhok, sabay halik. Pero nang tumalikod na nga ako sa kanila, may umakbay sa likod ko, ramdam na ramdam ko ang marahas na pag-akbay nito, saka may lumapit ulit na isang estudyante na ngayon ay namumukhaan ko na. Yumuko na lang ako, nang biglang nagsalita si daddy sa likod ko. Nakatayo na ito sa likod naming tatlo. “Az,” baritonong boses, at seryosong mukha ang reaksiyon ngayon ng mukha ni daddy. Kapag ganito ang boses niya, alam ko na ang kanyang ibig sabihin. Unti-unting binaklas nito ang mga kamay nilang nakaakbay sa akin, saka pinagpagan pa. “S-Sir, goodmorning, sir. Mauna na muna kami sa iyo, Ruiz! Kita-kita na lang sa room.” May utal pa sa bawat salita nila, kaya nababanaag ang kaba. Ayon ang pinakatinatago kong makita ni daddy na sitwasyon, ang makita niyang ginaganoon-ganoon lang ako ng ibang estudyante rito, mapakaklase ko man o hindi. “Naiwan mo ang wallet mo, kaya sinundan kita rito.” Iyon lang ang tanging tugon niya sa akin, hindi man lang niya ako tinanong nang kung ano-ano, ta’s bigla lang siyang tumalikod pabalik ng kaniyang sasakyan. Sinaluduhan lang niya ako nang pinaharurot na nito ang kanyang sasakyan. Hindi na niya nakita ang pagbalik ko sa kanya ng pagsaludo. Hindi tanga si dad, at hindi na niya kailangang malaman pa sa akin ang lahat, dahil alam niyang ang sasabihin ko lang ay ‘Okay lang naman ako, dad.’ Paulit-ulit kong kataga sa oras na tinatanong niya ako kung ano ang trato ng kaklase ko sa loob ng aming silid-aralan. Saka wala naman din akong pakialam sa kanila, ang gusto ko lang ay maibigay kay dad ang gusto nitong makatapos ako ng pag-aaral. “I can be strong all the time, para kay dad. At para na rin sa gusto ni dad para sa akin.” Kuyom ko ng kamao, sabay pagpapalakas ng aking dibdib, bago inihakbang ang aking mga pang nanigas na sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD