Kabanata 31
Sa mga nakalipas na mga pagsasanay, sa wakas ay natapos na rin namin ang limang importanteng pagsubok sa pagsukat ng aming kakayahan. At ngayon naman, kasama ko ang apat na katabi kong nakaupo sa upuang yari sa kahoy.
“Kay bilis ng panahong lumipas, 'no? Hindi man lang natin napansing tapos na ang ating mga pagsasanay sa tulong ni Eon.” sabay naming lingon sa gawi ng puno na lagi naming kasama.
Bumalik na rin kasi sa dati si Eon. Naging puno na ulit siya, ang sabi kasi niya ay hindi siya parte ng aming gagawing misyon. Kami lang daw lima ang kailangang humarap sa misyon.
“Akala ko talaga kasama natin si Eon hanggang sa paglalakbay natin. Hanggang tagapagsanay lang pala siya sa atin.” madamdaming anas ni Hamina.
“We should do our best to succeed this task, para naman hindi masayang ang oras ni Eon sa pagsama niya sa atin sa pagsasanay.” dagdag pahayag pa ni Kith, na nakapandekwatro pa.
“Tama, at alam kong kaya naman natin iyon. Sa tagal ba nating magkasama rito sa mundo kung saan ay napakalayo sa mundo ng mga tao, kilala na natin ang bawat isa. At ramdam ko talagang kayo ang hinahangad kong mga kaibigang walang-wala ako sa ating paaralan.” nakayukong sabi pa ni Ave.
Nanahimik na ang lahat, at diretso lang ang tingin sa bawat puting telang hinahanging nakasabit sa mga sanga ng kahoy ni Eon. Mga patunay na nalagpasan namin ang mga pagsubok.
“Masaya akong nakilala ko kayo, wala akong pagsisisi na napunta ako sa mundong ito. Hindi lang sa may misyon tayo, kung 'di dahil na rin sa nakasama ko kayo rito, saka---.” nagbaling naman ako kay Aztar nang natigil ang kanyang mga salita.
“---naging kaibigan ko kayo.” kita ko pang nagsisimula nang mamula ang gilid ng kanyang mga mata. Habang hindi nakawala sa pandinig ko ang pagsinghap ni Hamina ng kanyang pag-iyak. Habang si Ave naman ay pasimple pang pinalis ang namamasang mata. Si Kith naman, nangingiting umiiling.
“Ang mga iyakin niyo talaga.” aniya pa, kahit siya rin naman mismo ay tumutulo na rin ang mga luha.
Natatawa na lang ako sa kanilang tatlo. Habang kaming dalawa ni Aztar ay makaakbay. Nang umakbay na rin si Ave kay Aztar, saka inakbayan na rin ni Ave si Hamina kaya si Hamina ay inakbayan na rin si Kith.
Tumayo na ako para maging bilog kaming lima. Saka ipinagdikit namin ang aming mga ulo.
“Ito pa ang simula ng ating misyon, at pagkilala sa bawat isa sa atin.” anas ko sa kanila.
Hindi siguro nila ako narinig, dahil sa hina ng aking boses. Kaya nagpasya na lang akong magbitiw, nang namanhid ang aking batok sa pagyuko.
“Aray, aray, sumasakit na ang likod ko talaga.” pagsasabi ko sa kanila ng totoo, nang nakahawak pa ako sa aking baywang. Iginiling-giling ko na nga ito para mawala ang kaunting pangangalay.
“Huwag mong sabihing matanda ka na, Deeve?” panimulang biro nila sa akin.
Napuno na nga ako ng tukso ngayon, nang binato ko si Aztar ng maliit na bato. Ang ending ay naghabulan na kaming lima at nagbabatohan ng mga maliliit na bato. Napuno ng tawa ang buong paligid, pati ako'y halos magkandatumba-tumba na sa katatakbo para hindi lang nila ako mahabol.
...
Hapon na nang magpasya ang lahat na maligo, nang ako naman ay nandito pa lang sa harap ng nag-iisang daan papasok ng kagubatan. Naalala ko ang panaginip ko, kung saan ay pinapasok talaga ako ni Eon sa nasukal na gubat. Binalot ako ng kaba sa mga oras na iyon, lalo na at mukhang totoo ang mga pangyayari. Hindi ko naman kasi akalaing sa ganoong paraan mangyayari ang panghuli naming pagsubok. At hindi pa ako handa. Walang dala na kahit na anong mga gamit panlaban.
“Deeve, mag-isa ka yata rito? Hindi ka pa ba maliligo?”
“Oh, Ave. Ahh...tapos na ako, mas nauna ako sa inyo kanina.” binalik ko kanina ang mga mata sa nag-iisang daan.
“Ganoon ba, pero bakit ka namannnag-iisa rito? Saka parang ang lalim naman yatanng pag-iisip mo ngayon?” ngayon lang kami nagkausap ng ganito ni Ave. Kaya naninibago ako sa pagiging madaldal niya ngayon. Ang tingin ko kasi sa kanya ay tahimik, kasi nga nerd 'di ba?
“May naalala lang ako. Siyanga pala, sa huling pagsasanay ba, anong ipinagawa ni Eon?” nagpakawala naman siya ng maiksing tawa.
Napatitig ako sa kanya. Pati siya ay ganoon na rin sa akin.
“Pinapasok lang naman niya kami sa isang gubat,” aniya.
“Diyan ba?” turo ko sa harap namin.
Nanlaki naman ang mga mata niya. “Ah! Oo! Iyan nga!” turo-turo niya ang lagusan papasok ng kagubatan.
“Takot na takot nga kami nang pumasok kami riyan, saka mabuti na lang at magkasama kaming apat. Kasi naman, ginising ka namin, pero hindi ka naman sumunod sa amin, saka muli ka pa lang natulog sa kubo nang bumalik kami. Kaya ayon, kami lang apat. Saka nakatatakot!” mahabang pahayag nito, may kasabay pang pagmuwestra ng kanyang mga kamay. Na akala mo'y nagtutula sa harap ng maraming tao.
“Kung ganoon, ano ba ang ginawa ninyo sa pagsasanay? Saka ano ang mga nakikita niyo sa loob ng kagubatan?” curious kong tanong.
“Mga matataas na kahoy, mga ibon, saka mga yamog na galing sa malamig na paligid. At mga insekto, ganoon lang.” aniya pa.
“Wala man lang bang mga ligaw na hayop kayong nakasalamuha?” panay lang ang iling niya.
“Ahas?” umiling ulit siya.
“Hmm...” tanging nasabi ko na lang. Kasi naman naalala ko noong nasa panaginip ko, may ahas akong nakaengkwentro, tapos muntikan pa akong makagat. Tapos sila, wala lang pa lang mga nangyayari.
“Bakit, Deeve? Nang ikaw ba, sa panaginip mo. Ano ba ang nangyari sa iyo roon? Kasi sabi ni Eon na huwag ka na lang daw gisingin, at hayaan ka na lang na matulog at doon ka na lang sa panaginip mo magsanay.” ani Ave. Na ngayon ay seryoso na ring nakatingin sa akin.
“Ayon nga, muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa mga kaluskos na naririnig sa gubat, idagdag mo pa na kailangang hanapin ang mga puting tela na may nakalagay na pangalan, para matapos ang pagsasanay, ayos lang sana kung walang oras na babantayan, pero ang oras talaga ang nagpadagdag sa kaba.” sentimento ko pa.
“Tama, tama. Sa oras din ako mas kinabahan. Paano ba naman kasi. Hindi natin malaman kung gaano na kahaba ang nagamit nating oras. Kaya nga mabilisan naming pinagkukuha ang mga puting tela, kahit na hindi sa aming pangalan. Ang totoo niyan, wala na roon talaga sa panaginip mo ang mga puting tela, dahil kinuha na namin. Bali ang mga nasa panaginip mo ay panlilinlang na lamang.” naikunot ko ang aking noo.
“Paanong panlilinlang?” naiintindihan ko naman talaga, pero hindi kayang tanggapin ng isipan ko na ganoon pala ang totoong nangyari.
“Kasi naman, nang nagising ka kaagad naming nilagay ang tela sa kamay mo para akalain mong totoo.” nangisi na si Ave.
Ako rin ay napailing na rin.
Natatawa sa mga nalalaman.