Kabanata 17

1124 Words
Kabanata 17 Napukaw ako sa napalalim na pagtulog, nang may naramdamang kumikiliti sa tungki ng aking ilong. Hinayaan ko lang ito at baka isang paru-paro lang na dumapo. Nang hindi ko na mapigilan ang hindi palisin ang animo’y nakakikiliting insekto na pabalik-balik sa pagdapo sa aking palahingahan. Kaya unti-unti ko na lang ding minumulat ang aking mga mata, nang napapikit din naman ako agad nang direkta sa mata ko ang sikat ng araw. Napaikot ako sabay mudmod ng mukha sa aking dalawang kamay na nakatukod sa damohan. Nasa damohan lang kasi kami natutulog ni Aztar, alangan namang magkakama kami rito sa gitna ng kagubatan ‘di ba? “Ano ba, Aztar. Huwag ka ngang malikot.” Saway ko sa katabi, nang panay na naman ito ng sundot sa aking likuran. “Ikaw nga itong malikot diyan, eh. Inaantok pa ako.” Hindi gaanong mahina ang boses ng kaibigan pero parang ang layo naman niya sa pwesto ko. Naisipan ko na lang na ibalik sa dating posisyon ang aking katawan, nang hindi na rin naman ako nakaramdam ng antok. “Bumangon ka na nga riyan, at para makakain na tayo!” bumangon ako saka nagkamot muna ng aking mata. “Ano ba, Deeve! Ang kulit mo naman, eh. Sinabi ko na ‘di ba, inaantok pa—what the!” napalingon naman ako sa gawi ng kaibigan nang napasigaw ito. Pati ako ay hindi alam ang gagawin nang makita namin ang isang bagong mukha na nandito mismo sa gitna na hinihigaan namin. “Sino ka?” sabay naming turan ni Aztar. Kasi naman, sino ba ang hindi magugulat, may kung sino lang naman ang nasa tabi namin. Napatayo kaming dalawa ni Aztar nang nakatayo na kaming hinarap ang bagong salta na sa tingin namin sa kanyang kasuotan ay para bang may pupuntahang party. Naka-costume pa ito na parang isang anime character. Oo, alam ko rin naman ang mga ganoon, kasi nanonood rin naman ako ng anime na palabas. Lalo na kung wala naman akong ginagawa sa apartamento. Naalala ko tuloy ang pamilya ko, hinahanap ba kaya nila ako? Ano kaya ang ginagawa nila ngayon, baka labis-labis na ang pag-aalala nila sa akin, dahil nawala ako ng wala man lang bakas kung saan ako nagpunta. “Hi.” Malapad na ngiti ang ipinamalas sa amin ng babaeng nasa aming harapan. Parang sanay siya sa mga tao, kahit na hindi niya kilala ang mga ito. Hinila ako ni Aztar nang may ibinulong siya sa akin. “Sa tingin mo, Deeve, isa kaya siya sa atin? O baka namaligno tayo ngayon?” tingin-tingin pa niya sa paligid na animo’y nagmamasid kung may pagbabago ba siyang makikita. “Wala naman akong napapansing kakaiba, at pakiramdam ko naman hindi siya engkanto. Kaya malay natin, isa siya sa atin. Katulad mo, iyang suot mo. Nang dumating ka rin dito, nagtaka ka rin kung bakit sundalong damit ang kasuotan mo, tapos ang dahilan lang pala siguro dahil ang iyong ama ay kilalang sundalo sa Siyudad ng Illustrado. Tapos binu-bully kang bakla, where in fact, hindi naman talaga.” Paliwanag ko, gusto kong makuha niya ang punto ko. Matalino naman si Aztar, kaya alam kong makukuha niya agad ang nais kong iparating sa kanya. “So you mean that---may rason din kung bakit ganoon ang kasuotan niya, at may nakatagong rason sa likod noon. Ganoon baa ng nais mong iparating, Deeve?” Nag-approve sign ako, para ipakitang tama siya, nang napatalon kami sa gulat nang nasa likuran na pala namin ang babae. Marahan naman kaming umayos ng tayo, saka hinarap na siya ng may ngiti sa labi. Nilahad namin an gaming mga kamay para makapagpapakilala. Ang bastos naman kasing isipin na hindi kami magpapakilala, tapos hindi pa maayos ang pakikitungo namin kanina. “Deeve Armania.” “Aztar Ruiz.”             “Hi, Watashi wa anata ni aete ureshīdesu.”             Nagkatitigan kami ni Aztar habang lukot an gaming mga mukha.             “Ano raw?” kamot ko ng ulo. Hindi ko kasi maintindihan, kahit na nanonood ako ng anime, pero umaasa lang din naman ako sa subtitle.             “Ako pa ang tatanungin mo, lalo na akong wala ring maintindihan.” Kamot niya rin ng ulo.             Narinig naman namin ang manipis nitong tawa, namangha naman kaming dalawa ni Aztar, ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganoong klase ng tawa. Ang mga ibang babae na naririnig naming tumatawa, ang lalakas ng tawa. Tapos siya, parang isang melodiya ng isang musika na kay sarap sa tainga kung iyong pakikinggan.             “Pasensiya na kayo, ang nais ko lang naman kasing sabihin kanina na ikinagagalak ko kayong makilala. Ako nga rin pala si Hamina Villa. I am a student also of El Federico Academy.” Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalamang estudyante rin kami ng El Federico?             “Anata no yunifōmu o ima shirimashita.” Tinakpan niya ng kamay ang kanyang bibig para mapigilan niya ang pagtawa.             “Pwede ka naman sigurong magtagalog na lang, para mas magkaintindihan tayo. O baka, mas bihasa ka sa Ingles, maari rin naman iyon.” Seryosong wika ni Aztar. Kahit naman ako, dumudugo na rin ang iilang parte ng aking katawan, lalo na ang ilong at utak.             “Ang sabi ko, nalaman kong nag-aaral ka rin sa El Federico dahil sa uniporming suot mo.” Nag-bow pa siya sa amin.             Sa tingin ko may kakaiba sa babaeng ito, mukhang hindi siya nakararanas ng pam-bu-bully sa mundo ng mga tao. Kasi masiyahin naman siyang klase ng tao.             “Ikaw ba, Aztar, saan ka ba nag-aaral, saka estudyante ka pa ba? Para kasing ang matured mo nang tignan dahil sa suot mong pangsundalo. Nagulat nga rin ako sa suot ko nang bigla na lang akong lamunin ng liwanag na nanggagaling sa laptop ko, nanonood lang naman ako ng anime sa puntong iyon, tapos ayon, ang huli kong napanood na bidang babae, ganito rin ang suot ko ngayon, well, maganda naman saka ang cool.” Paikot-ikot pa niyang hawi sa kanyang maikling saya, kaya napatalikod na lang kaming sabay ni Aztar at napatingin sa ibang parte ng gubat.             “Tiga Illustrado ka rin ba?”             “Ahuh.” Tango niya nang lumipat siya sa harapan namin.             “At bakit ka pala nandito? Sa palagay mo, ano ang rason?” bigla namang nag-iba ang kanyang mukha, napalis ang kaninang ngiti sa kanyang mga labi, pati ang kumikislap nitong mata kanina ay nawala rin.             “Hindi ko alam, ang huli kong iniisip sa oras na iyon, ibinuhos ko lang ang buong oras ko sa panonood ng anime dahil sa nalabis na kalungkutang bumabalot sa aking kalooban.” Nakayuko niyang usal sa amin, mukhang may pinagdadaanan din siya. Kagaya namin.             Sa bawat ngiting ipinapakita niya sa amin kanina, may lihim pala siyang lungkot na nadarama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD