Kabanata 58 Dinala ako sa isang lugar na punong-puno ng punongkahoy, malabo ang mukha niya, hindi ko siya makilala. Pero may mahahabang mga kuko ito sa daliri na para bang isang mangkukulam. Napabitiw ako sa kanyang pagkahawak, pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang kanyang pagkakapit sa aking braso. “Saan niyo po ba ako dadalhin? Ibalik niyo na po ako sa mga kasamahan ko.” Patuloy ko pa ring sambit sa kanya, pero parang wala siyang narinig na mga salita galing sa akin. At patuloy lang ito sa paglalakad. Napaka-unfamiliar ng lugar na aming dinadaanan. Para akong nasa kalagitnaan ng isang walang katao-taong bayan. Ang mga bahay ay gawa sa bato, pero wala namang mga tao. Sinubukan kong sumigaw, ngunit walang lumalabas na boses sa aking bibig. Anong nan

