Kabanata 51

1129 Words
Kabanata 51             Mataman kong ipinikit ang mga mata, iniisip kong gawing mainit na mainit ang katawan ko, iyong pati ang batis ay kukulo nang dahil sa gagawin kong init dito. Para tignan kong epektibo ba iyon sa mga halaman na ito.             Mataman ko lang na ipinikit ang dalawang mata ko habang nagsisimula na ngang kumulo ang tubig sa batis. Hindi ko na alintana kung ano ang iisipin ng mga kasamahan ko sa ibabaw, baka nag-aalala na iyon sa akin dahil sa pagkulo nitong tubig na hindi nila alam na ako lang din naman ang may pakana.             Mauubusan na yata ako ng hininga, pero hindi pa rin ako binibitiwan ng mga ito sa kapupulupot. Mukhang sanay na sanay sila sa init, at hindi umiepekto sa kanila ang kapangyarihang ginawa ko. Kaya ang ginawa ko naman ngayon, galing sa pagkulo ng tubig, ngayon naman ay ginawa kong yelo ang buong batis. Ngayon ko lang ulit napalabas ang ganitong abilidad. Lumalabas lang yata ito kung kinakailangan. Kaya ang ginawa ko ngayon, nang nahihirapan na ngang gumalaw ang mga ugat ng halaman dahil sa nagyeyelong paligid.             Kinuha ko ang pagkakataong makawala, ginamit ko ang teleportation para mapunta sa lupa.             “Deeve!” abot-abot pa rin ang tahip ng paghinga ko. Habang nakahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko kasi maabot ang hininga ko na nais maabot. ‘Di naman magawang makalapit ng mga kasamahan ko sa akin, gayong mas lalong dumadami ang mga nagsilapitang mga naggagalawang mga punong kahoy.             Kahit na nahihirapan pa akong kumilos, nagawa ko pa ring tignan ang higanteng halaman na ngayon ay naninigas pa rin dahil sa ginawa kong pagyelo ng buong batis. Napako ang mga mata ko sa dibdib at tuktok ng noo nito. Naroon kasi ang kinakailangan naming punteryahin, para naman matapos na ang pagpapakilos niya sa mga gumagalaw na punong kahoy na nakalalaban ngayon ng apat.             Unti-unti na ring bumabalik sa rati ang aking paghinga, nang kasabay rin noon ang pag-unti-unti ring pagkabasag ng yelo sa buong katawan ng halaman. Kaya kaagad akong napatayo, nang hindi napaupo ako sa lupa, dahil sa pamamanhid ng aking paa.             “Bakit ngayon pa?” mahinang bulong ko.             “Deeve, ayos ka lang ba?” hindi ko namalayan si Aztar na nakalapit na pala sa gawi ko, ngayon ko rin nakita ang relo na mayroon ako, nabawasan pala ako ng dugo. Kaya pala, imbes na puno ito kanina, ngayon naging halos kalahati na lang ang laman, dahil siguro sa natagalan ang pananatili ko sa ilalim ng tubig. At ang mahihigpit na pagkapulupot ng mga halaman na iyon sa akin. Nakaiinis!             “H-Hindi ko kayang makatayo, parang lantang-gulay ang dalawang paa ko. Ayaw makiisa sa akin.” Pagsasabi ko ng totoo. Nang unti-unting naglalaglagan ang mga yelo galing sa tuktok ng higanteng halaman.             “Ako na lang muna ang bahalang kumalaban nitong higanteng halaman na ito, diyan ka na muna.” Agad-agad kong hinigit ang kanyang kamay.             “Bigyan mo lang ako ng ilang minuto, babalik din ang aking lakas.” Ayaw kong mapahamak si Aztar, alam ko kung hanggang saan ang kaya niya, at hinding-hindi niya kaya ang lakas ng halaman na ito. Lalong-lalo na ang kapangyarihang mayroon si Aztar ay ang kanyang mga armas. Hindi katulad sa akin na puwedeng makagawa ng kung anong kakayahan. Pero sa tingin ko rin naman, hindi ko puwedeng maliitin ang kakayahan ng bawat isa sa amin, dapat akong magtiwala sa kanilang mga kakayahan.             Kita kong malapit nang matunaw ang yelo, kaya hindi ko na pinigilan si Aztar.             “May tiwala ako sa kakayahan mo, Aztar. Kaya gawin mo ito, para sa atin.” Pagpapalakas ko ng kanyang loob. Iyon lang muna ang kaya kong magawa sa kanila ngayon ang pagkatiwalaan sila sa kanilang kakayahan. Dinala muna ako ni Aztar sa isang bato para hindi ako magalaw ng kung sino, pero bilang pag-iingat na rin, nag-invisible ako para kung sakali mang gusto kong tumulong, mag-oobserba ako sa paligid, at doon lang ako titira.             “Salamat sa tiwala mo, Deeve.” Matapos sabihin iyon ay umalis na rin si Aztar sa tabi ko. Sinimulan ko na ring gamitin ang aking kakayahang mag-invisible, para hindi ako makita ng kung sino man, nang nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala si Kith.             “Oh? Ba’t ka nandito?” kapag kasi ginamit naming pareho ang kakayahan namin, nakakaya naming makita ang bawat isa. Kaya habang nagtatago ako sa mahikang ito, ganoon din si Kith. Kami-kami lang din ang nakakikita ng bawat isa.             “Sinabi sa akin ni Aztar na samahan daw kita. Dahil hindi ka raw niy makita. Saka isa pa, mukhang nanghihina ka.             Pansin din pala niya ang panghihina ko.             “Nabawasan kasi ang porsyento ng aking dugo ngayon, dahil sa labis-labis na ginawa ko sa ilalim ng batis.” Pagpapaliwanag ko. Rinig na rinig pa rin namin sa paligid ang hindi magkandamayaw na mga tunog ng labanan, at putukan.             “Ikaw ba ang may gawa nang pagkulo kanina ng batis? Sobrang nag-aalala kami sa iyo kanina, akala talaga namin at hindi galing sa iyo ang init na nilalabas ng batis.” Dagdag pag-aalalang pahayag niya sa akin.             “Sadyang mahigpit lang ang pagpulupot ng mga maliliit na halaman sa akin kanina sa ilalim ng batis, kaya ngayon ay nanghihina ako.” Napatingin naman siya sa aking dalawang paa, bakas na bakas din ang marka ng mahigpit na kapit ng halaman sa akin. Ipinakita ko rin sa kanya ang mga palapulsuhan kong may ganoon ding mga bakas.             “Paano ka nakahinga sa tubig?”             “Hindi ako humihinga, pinipigilan ko hanggang kaya kong pigilan, mabuti na lang talaga at pansamantala akong nabitiwan ng mga iyon. Dahil kung hindi, baka wala na ako ngayon dito. Mauubos na iyon sa sobrang tagal ko sa tubig.” Mahinang usal ko sa kanya.             Naputol ang usapan naming dalawa ni Kith nang may paparating na liwanag na sa tingin ko ay kapangyarihan ng higanteng halaman.             Kahit na nahihirapan pa akong gumalaw, mabilis ko namang pinayuko si Kith gamit ang aking kamay ay tinabunan ko ang kanyang ulo. At nag-teleport para mapunta sa ibang lokasyon, dahil kung hindi ko iyon gagawin, paniguradong matatamaan kami noong ligaw na tiring iyon.             Kinuha ko ang pagkakataong ito na tirahin ang banda kung saan pupunteryahin ang higanteng halaman ngayon. Pati si Kith ay nakisali na rin sa ginagawa kong pagtira. Yelo ang ginamit kong kapangyarihan, dahil mas napapansin kong mahina sila sa malamig. At sobrang nasisiyahan ako, dahil sa wakas! Nagawa ko na ring mailabas ulit ang kapangyarihang una kong nasaksihan noon. Hindi ko talag aakalaing makikita ko pa ulit ang yelo sa mga kamay ko nang kinakailangan ko na.             Kabanata 53             Lumapit pa ako sa gawi ng higanteng halaman, habang si Kith naman ay nasa unahan ko, siya lang naman ang pinoprotektahan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD