Kabanata 44

1153 Words
Kabanata 44             Humingi ng tawad ang dalawa sa akin nang nakapasok na kami sa loob ng tent. Pero agad ko naman silang pinatawad, saka wala naman silang dapat na ikabahala, dahil nga pare-pareho lang din kaming hindi pa sanay sa mga mahikang mayroon kami.             “Ano ba kayo, para naman kayong iba na sa akin, ‘di ba nga, sinabi ko na sa inyo kanina na huwag na kayong mag-alala? Kasi nga, hindi naman iyon seryosong klase ng paglilihim. Saka hindi niyo naman tinago iyon sa akin sa kung ano man ang rason niyo. Kanina nang narinig ko ang usapan ninyo, ayon na, at naiintindihan ko naman kayo na nagulat lang kayo sa nakita niyo sa aking bagong lumabas na kapangyarihan. Kahit ako nga nagulat din sa nalaman, kasi hindi ko talaga alam, at maalala na ganoon ang ginawa ko kanina.” Mahabang paliwanag ko sa kanila, para naman mapanatag na itong dalawa sa akin.             Nagyuko naman silang dalawa ni Hamina at Ave, kami pa kasi ngayon ang naunang pumasok sa loob ng tent. Ang dalawa na sina Kith at Aztar ay nagpaiwan muna sa labas, at hinihintay na matutop ang apoy. Sayang kasi raw na hindi napakikinabangan ang init. Kaya nagkaroon kami ngayon ng oras na tatlo rito sa loob ng tent. Hindi ko alam kung sinadya rin ba siguro nilang hindi pumasok para makapag-usap kami.             “Naisip ko lang, Deeve. ‘Di ba nabanggit noon ni Vee na ang kapangyarihan mo ay ang makakopya ng kapangyarihan ng kung sino.” Marahan naman akong tumango habang nakatingin sa kanya.             “Ibig sabihin kaya mo ring kopyahin ang mga kapangyarihan namin?” ‘di ko talaga inaasahan ang pagdapo na lang ng kamay ni Hamina sa batok ni Ave. Hindi ko alam kung anong rason ng pagbatok niya sa kaibigan.             “Ano ba, Hamina, bigla-bigla ka namang nambabatok. Inaano ba kita? Huh?” lukot ang mukha nitong hinimas-himas ang kanyang batok.             “Kasi naman, para kang sirang plaka. Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi ni Vee noon? Na ang kakayahan ni Deeve ay espesyal, at kaya niyang komopya ng kapangyarihang nahahawakan niya ang kokopyahan, pero pwede rin namang titigan niya. Saka ang pinakanakahahanga roon ay ang kakayahan niyang magkaroon ng abilidad na kung saan ay sa pag-iisip lang niya ng malalim naipapalabas ang mga gusto niyang mga kapangyarihan.” Nabanggit ba talaga iyon ni Vee? Parang hindi ko narinig, ang alam ko lang ay ang makakokopya ako ng ibang kapangyarihan. Maliban na roon sa mga nangyayari sa akin kanina. Wala talaga akong alam doon. Kung uulitin ko naman, hindi ko na ulit alam kung paano gagawin.             “Sa totoo niyan, may mga oras talaga na hindi ko alam na lalabas iyong kapangyarihan ko na ganoon, kasi parang lumalabas lang ito kapag nasa bingit na ng panganib. Katulad ng nangyari sa amin sa ilog. ‘Di ba nga sabi niyo pa no’n na muntikan na kaming tangayin ng rumaragasang ilog? Saka isang iglap lang ay napunta na kami sa paanan ng ilog, kahit na hindi niyo kami nakitang tumakbo. Hindi kaya katulad lang din ito ng lumabas na y-yelo sa kamay ko no’ng iniligtas ko si Aztar?” nagkalingonan sina Ave at Hamina, habang ako naman ay nasa kanilang dalawa lang nakatingin. Hinihintay sa kung ano ang kanilang reaksiyon sa nasabi ko.             “Parang ganoon na nga siguro, kasi sa mga oras na iyon, nakita ka lang namin na mahigpit na pinikit ang mga mata mo, habang nakatutok ang mga palad mo sa lawa, naghihintay ka lang kung kailan aahon si Aztar. Nang tuluyan nan gang lumabas sa mga palad mo ang malakas na pwersa ng kapangyarihan na lumabas mismo sa kamay mo. Para ngang may butas ang kamay mo, kasi ang daming yelo ang lumabas.” Dahil sa naging turan ni Ave, nagtawanan na kaming tatlo.             Ginawa pa talagang biro ang pagkakaroon ko ng ganoong klase ng kapangyarihan. Sinabi ba namang may butas ang mga kamay ko? Natatawa ako, kasi nga nang sabihin niya iyon, kaagad ko namang sinuri ang mga palad ko kung mayroon nga ba.             “Wala namang butas ang kamay ko.” Inosenteng anas ko. Kaya tawa ulit nang tawa ang dalawa, hanggang sa hawak-hawak na nila ngayon ang kanilang mga tiyan sa katatawa.             “Bahala nga kayo riyan, tumawa pa kayo, tuwang-tuwa naman kayo, ano?” panggagatong kong biro sa kanila. Pinipigilan ko na kasi ngayon ang pagtawa. Ang sakit na ng tiyan ko kapag tumawa nang tumawa.             Ilang sandali lang, paunti-unti na lang ang tawa nila, nang bumukas ang zipper ng tent. Nakakibit-balikat na lang ako kahihintay kung kailan matatapos ang dalawa sa pagtawa. Kaysa naman makisali sa kanila, eh, baka ayaw pa nilang tumigil.             “Abot hanggang labas ang tawa ninyo, ang saya niyo naman dito, anong mayroon?” kaagad na bungad ni Aztar sa amin, nang tuluyan na ngang nakapasok si Aztar, si Kith naman ang sumunod na pumasok, saka ako na ang nagpresentang magsarado ng tent, kasi nga ako naman ang nasa malapit. Tumabi na si Kith kay Ave, habang si Aztar naman ay nasa gili ko.             “Ito kasing si Deeve, napakamapagbiro.” Tawa pa rin ito ng tawa, kahit na nandito na ang dalawa.             “Sa tingin ko, mas mabuti kung matulog na lang tayo, maaga pa tayong maglalakad bukas. Tara na.” nauna na akong kumilos sa kanila. Para naman kahit papaano ay sabihin nilang seryoso ako sa aking sinasabi.             “Hala, nagalit na naman tuloy si Deeve.” Pananakot ni Aztar sa kaibigan.             Mukhang gumagana ang pananakot ni Aztar kay Ave, dahil tumahimik na ito. Nakapikit lang ako saka hindi na kumikilos. Nakikinig na lang ako sa mga usapan nila.             “Ikaw kasi, Ave. Ayaw mong tumigil. Ayan tuloy. Humingi ka ulit ng tawad kay, Deeve. Okay na iyon kanina, eh.” rinig kong usal ni Hamina.             “Bakit ako lang? Ikaw rin naman, ah. Nakikiktawa ka rin naman kanina.” Seryoso na ngayon ang boses ni Ave, na may halong panginginig pa sa kanyang pagsasalita. Ibig sabiin lang ay kinakabahan na ito.             Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko ang aking sarili. Kailangan na muna nila akong lapitan bago ako tumawa, kailangan ko munang mapakinggan ang kanilang paghingi ng sorry sa akin. Bago ko sila pagtawanan.             Naghintay lang ako ng ilang minuto nang walang lumapit sa akin para mag-sorry. Kaya nainip na ako, gusto na ring pumikit ng dalawang mata ko dahil sa sobrang antok. Nang wala talagang lumapit para man lang humingi ng paumanhin. Dahan-dahan ko namang nilingon ang gawi nila, nang nalaglag ang panga ko dahil tulog na pala silang lahat.             Ano iyon? Ganoon-ganoon na lang ba iyon? Imbes na lapitan ako para makahingi sila ng sorry sa akin, eh, mas pinili nilang matulog? Aish!             Makatulog na nga lang din, kung sana alam kung tutulugan niyo lang ako, sana pala hindi na lang din ako nagpipigil ng antok ko. Humanda kayo sa akin bukas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD