Kabanata 46

2272 Words
Kabanata 46             Nag-invisible ako, para hindi niya ako mapansin, yumakap ako sa likod niya at winala ang aking mahika na hindi nakikita, kaya gulat na gulat ngayon ang tatlo na nasa likod ako ni Ave at nakayakap sa leegan nito.             Hindi pa rin niya pansing nakayakap ako sa kanyang leegan, nang sinadya kong bigatan ang aking katawan sa pagyakap sa kanya.             “Ano ba, Hamina, ang bigat mo naman, huwag ka ngang yumakap sa akin.” Aniya pa kahit nakayuko.             “Anong ako? Nandito ako sa harapan mo, ‘no.” marahan siyang nag-angat ng kanyang ulo, nang napalaki ang kanyang mata sa gulat sa kadahilanang kitang-kita niya ngayon ang tatlo na nasa harapan niya.             “Eh, k-kung nandiyan k-ka? S-Sino itong n-nasa likod ko ngayon?” pinipigilan kong matawa ngayon, at b-baka mabuking ako. Hanggang hindi siya tumitingin sa akin, hindi ako magsasalita. Mas pipigilan ko pa ang aking pagtawa.             “See for yourself.” Turo pa ni Hamina sa likod nito.             Nang nag-invisible ulit ako, saka nagpagaan ng aking katawan, pero nakayakap pa rin ako sa kanya. Hindi na niya ako nakikita nang nilingon na niya ang banda ko.             “W-Wala naman, ah. Tinatakot niyo lang yata ako, eh.” nagpipigil na rin ng tawa ang iba. Kaya mas minabuti ko na ring magpakita.             “D-Deeve?”             May ibinulong ako sa kanyang tainga, kaya kaagad siguro niya akong nakilala dahil sa boses ko.             “Deeve?” ngumiti naman ako, bago ako nagbitiw ng yakap sa kanyang likod.             “Kanina ka pa ba riyan? Ikaw ba iyong tinuturo kanina ni Hamina sa likod ko?” nagtango lang ako na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya.             “I-Ibig sabihin ba no’n, narinig mo rin lahat ang pinag-uusapan namin kanina?” muli kong itinataas-baba ang aking ulo. Saka malapad ko rin siyang nginitian.             Nang nagyuko siya, nagulat na rin ako sa kanyang mga binibitiwang salita ngayon.             “Pasensya ka na talaga kanina, Deeve, simula pa lang nang nandoon tayo sa ilog. Hindi man lang ako nagsabi agad ng mga nakikita ko, saka hanggang kagabi, hindi ko pa rin magawang humingi ng tawad sa iyo. Kasi nga may nakara---.”             “Shhh…I heard everything, Ave. Kaya huwag mo nang isipin iyon, huwag mo na ring ipaliwanag ang sarili mo sa akin, kasi nga lahat naman tayo may trauma sa buhay.”             “So, narinig mo nga ang tungkol doon?” hindi ako umimik, pero nagtango lang ako.             Nakabibinging-katahimikan na ngayon ang sumakop sa aming lima. Kaya ngayon, sa isang palapak lang ni Aztar ay nawala ang kaninang pumapagitnang katahimikan sa amin.             “So, settle na ba ang usapan na ito?” ako na ang nagtango na may kasamang ngiti, para hindi na isipin nina Hamina at Ave na hindi pa rin okay sa akin ang lahat.             “Good, mabuti naman at maayos na tayo rito. Akala ko talaga at maabutan pa tayo ng ilang linggo sa hindi pagpapansinan.” Biro pa ni Aztar.             “Napag-isip-isip ko rin kasi nang narinig ko ang kwento ni Ave na may ganoon pala siyang nakaraan. Kaya kaagad akong nagpunta rito, para nga tapusin ang hindi pagkauunawaan. Saka isa pa, hindi naman kasi magandang patagalin ang ganoon, dahil may misyon tayo bilang isang grupo. Paano na lang ang tiwalang ipinagkaloob sa atin ni Vee kung masisira lang dahil sa isang maliit na bagay na hindi pagkaunawaan.” Taos-puso kong usal sa kanila.             Nakikita ko pa ang dalawang mga babae na pasinghot-singhot na at namumula na ang mga ilong. Habang nakikinig sa aking mga binibitiwang salita, habang si Aztar at Ave naman ay nakaakbay na sa akin ngayon.             Pero gusto ko talagang malaman ang buong kwento kung bakit ganoon na lang ang naging impact para kay Ave ang trauma na nangyari sa kanya noon. Kaya nang nagbitiwa sila ng akbay sa akin, binuksan ko na ang usapin tungkol doon.             “Kung hindi mo sana masasamain, Ave. Pupuwede ba naming malaman ang buong kwento mo noon sa El Federico? Kung paano ka nagkaroon ng trauma na ganyan? Na hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa ring humingi ng tawad sa kung sinong mga kaedad mo.” Maingat akong pumili ng salita para hindi maging masama ang dating para sa kanya.             “Gusto niyo ba talagang malaman?” sabayan naman silang nagtango.             “Kung gusto mo lang i-share sa amin, handa naman kasi kaming makinig sa iyo.” Pag-aayos ko sa naging tugon namin.             Unti-unti naman siyang umusog, at inaayos ang kanyang upo. Nakaipit ngayon ang kanyang dalawang mga paa, habang nakaekis naman ito. Kami naman ay ganoon na rin an gaming posisyon.             Lavender’s POV             “Lavender! Walang hiya ka talaga!” malakas na tulak ang aking natamo nang kapapasok ko pa nga lang ng silid-aralan namin.             “A-Anong kasalanan ko, Vizente?” sapo ang aking likod, habang nakatukod ang isang kamay sa sahig.             “Ulol mo! Nagtatanong ka pa kung anong kasalanan mo? Ito! Tignan mo ang ginawa mo sa notebook namin ni Glam! Anong tingin mo sa notebook namin, basahan?” itinapon nito ng malakas sa aking mukha ang makapal na kwaderno, sapo naman nito ang aking ilong, nanlalabo na ang aking salamin dahil sa nagbabadyang likido na kakawala sa aking mga mata.             “H-Hindi ko naman binasa iyan, nakita mo naman kanina na hindi ganyan ang pagbalik ko sa inyong dalawa ni Glam sa notebook ninyo. Maayos kong ibinigay sa inyo ang kwaderno ninyo.” May parang nagbabara na sa lalamunan ko, kapag mas nilakasan ko ang boses ko, paniguradong aagos na rin ang aking luha sa dalawa kong mata.             “At sinasabi mong nagsisinungaling ako, kami ni Glam, ganoon ba ang nais mong ipahatid sa amin? Sa aming lahat?” dahil sa ayaw ko ng gulo, umiling ako.             “Oh! Ayon naman pala, eh. Bakit ayaw mo pa ring tanggapin na ikaw ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang kwaderno namin? Dahil sa natatakot ka na managot? Huh? Lavender?” nilapit niya ng maigi ang kanyang mukha sa akin.             Hindi ako umimik, mas pinili kong hindi umimik.             “Anong gagawin mo? Tutunganga na lang diyan? Maghihintay kung kailan matutuyo ang aking kwaderno. Huh?” makahulugang turan niya sa akin. Tinulak-tulak niya ang balikat ko gamit ang kanyang hintuturo habang nagsasalita.             “Humingi ka ng tawad sa akin! Kung hindi ay isusumbong ko sa daddy ko ang katarantaduhang pagbabasa mo ng kwaderno namin ng babe ko!” sa isipan ko, natawa ako, gusto ko siyang tawanan kasi kahit nasa sekondarya na siya, umaasa pa rin siya sa daddy niya. Tsk!             “Bakit naman ako hihingi ng tawad? Hindi naman ako ang may kasalanan?” napakagat labi pa ito, nang gigil na gigil itong kuwenilyuhan ako.             “Hihingi ka ng paumanhin sa akin, oh, lilipad itong kamao ko riyan sa mukha mo? Baka naman gusto mong---.” At dahil nga sa duwag ako. Dahil sa kaduwagan ko, kaagad akong nag-sorry ng walang preno. Sa ilang ulit kong paghingi ng tawad sa kanila, ang nakuha ko lang sa kanila ay ang umalingawngaw na tawanan. Hindi lang sina Glam at Vizente ang tumatawa ngayon, pati na rin an gaming mga kaklaseng nakikisabay.             Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, sakto naman na nag-ring na ang bell kaya nagsilabasan na ang lahat sa silid, at nag-take ng recess. Habang ako ay nandito pa rin sa sahig at walang tigil ang aking mga mata sa pagpapalabas ng mga luha.             “Siyanga pala, ikaw naman ang may kasalanan. Pakikopya na rin lang lahat ang mga copies natin sa kwadernong iyan, at paki-transfer sa bago at malinis na notebook. Kailangang maibalik mo sa amin iyan ngayong Lunes. Dahil kung hindi, makatitikim ka sa akin! Tara na, Babe.” Aniya pa sa kanyang nobya.             “Teka lang, Babe. Bigyan ko lang siya ng pambili ng notebook natin at ballpen, baka akalain niyang hindi tayo nag-po-provide ng gamit natin. Bye, Lavnder, ayusin mo ang sulat kamay mo, huh? Thanks.” Tumawa pa ang dalawa na parang sinapian ng masasamang espirito, matapos nilang lumakad.             Nawala ang lungkot ko, mas namayani ngayon ang gigil at inis ko sa dalawa, hanggang kailan pa ba sila ganito sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanila? Ako pa ang humihingi sa kanila ng tawad? Gayong wala naman akong kasalanan. Anong kalokohan ba itong mga pinaggagawa nila sa akin? Nakaiinis!             Pinagpag ko ang sarili, dahil nga nadumihan ang itim na pantalon ko na uniporme nang napaupo ako sa sahig dahil sa pagtulak sa akin ng walang utang na loob na Vizente na iyon. Ugali ba niya talagang buwisitin ang buhay ko? Kulang siguro sa aruga sa kanila, at ang hilig mam-bully. Pero bakit ako lang yata ang palagi nilang inaagrabyado?             …             Nasa bahay na ako, na-late na rin ng uwi nang nagpunta ako saglit ng Mall para lang bumili ng kaparehong kwaderno ng dalawa. Baka kasi marami na naman silang masabi sa akin.             Mabuti na lang talaga at hindi pa gaanong karami ang nasusulat namin sa paksa na ito. Dahil kung nataon na Filipino subject ito! Naku, at baka magkasugat-sugat pa ang aking mga daliri sa kasusulat ng kanilang kwaderno.             “Bakit nga kaya nabasa ang kwaderno nilang ito? Sinadya kaya nila? Hmm…siguro nga. Pero binasa lang nila para ipahiya ako sa lahat? Ako pa nga ang nagsagot ng kanilang mga assignments gamit ang kwaderno nila, iyon pa talaga ang nabasa? Ano bang trip nila?”             Kausap ko sa aking sarili, habang gigil na gigil na nagsusulat. Wala akong choice, kung ‘di ang sulatan na lang talaga ang kanilang mga kwaderno. Dahil kung hindi ko naman gagawin ang kanilang mga ipinagagawa, ako rin naman ang kanilang hindi titigilan sa kalalapit.             Hindi ko na alintana ang oras, pabalik-pabalik na rin si mommy sa loob ng kwarto ko at tinatanong kung hindi pa ba ako bababa para maghapunan. Hindi ko na nga rin siya maimikan dahil binibilisan ko na ang aking pagsusulat.             “Dadalhan na lang siguro kita rito, Ave, mukhang abala ka riyan sa ginagawa mo.” Anas ni mommy. Sobrang focus lang talaga ako sa aking sinusulat. Nangangalahati na nga ako sa isang notebook, sa wakas ay natapos ko rin ng ilang oras ang kay Vizente. Ngayon naman ay kay Glam naman, sakto naman na dumating si mommy.             “Ave, kumain ka na muna rito, kanina ka pa riyan sa ginagawa mo. Baka magkasakit ka pa.” Nanunuot sa ilong ko ang bango ng ulam na dala ni mommy sa aking silid. Naka-aircon kasi ako kaya ang amoy ng ulam na luto ni mommy ay naglandas sa paligid ng aking silid. Kaya dahil doon ay kumalam ang aking tiyan sa gutom.             “Opo, mom.” Kaagad kong nilalantakan ngayon ang pagkain na dala ni mommy. Hindi umabot ng kalahating oras ang pagkain ko, natapos na ako.             “Gaano ba ka importante iyang ginagawa mo, Anak, at napakabilis mo naman yatang kumain.” Uminom na ako ng tubig sabay lapag ng tubig sa tray na dala ni mommy.             “Isusunod ko na lang mamaya ang gatas mo, huh? Maiiwan na muna kita. Para naman matapos mo na iyang ginagawa mo.”             “Salamat, mom.”             …             Nakabalik na si mommy sa silid ko, pero sakto rin na natapos na ako sa aking ginagawang pagkokopya ng mga sulat sa kanilang mga kwaderno.             “Mabuti naman at natapos ka na sa ginagawa mo, akala ko ay buong gabi mo iyong gagawin. Ano pala iyong ginagawa mo, Anak? Assignments niyo ba?” tinanggap ko ang isang baso ng gatas na inabot sa akin ni mommy. Hindi na naman ito mainit kaya inisahang lagok ko lang ito.             May mga natirang gatas sa ibabaw na parte sa aking labi, dinilaan ko iyon para mawala ang gatas doon. Tama lang ang timpla ni mommy, hindi masyadong matamis, hindi rin gaanong matabang. Sakto lang.             “Opo, mom. Assignments lang.”             “Ang sipag talaga ng anak ko. Siyanga pala, kamusta na pala ang pag-aaral?” nginitian ko si mommy.             “Maayos lang naman, Mom.” Hinaplos-haplos pa ni mommy ang kamay ko, matapos kong iabot sa kanya ng aking baso.             “Mabuti naman kung ganoon, mag-aral kang mabuti, Anak. At alam naman namin ng daddy mon a matalino ka. Kaya we fully trust you.”             “Thank you, Mom. I will never break your trust.” Niyakap ko si mommy. Nakaramdam naman ako ng ease sa yakap ng ina ko.             …             Maaga akong nagising, para maabutan ko pa sina mommy and daddy sa hapag, palagi kasi silang maaga na nagpupuntang opisina. Kaya ako ngayon ang maagang gumising para maabutan ko pa sila.             “Wow, ang aga naman yatang magising ng anak namin.” Nagmano ako kay daddy sabay yakap. Ganoon din ang ginawa ko kay mommy.             “Siyempre naman po, Dad. Minsan ko lang din kasi kayong maabutan tuwing umaga. Kaya ngayon, minabuti kong mag-alarm.” Nag-alarm talaga ako kagabi, gusto kong makita sina mommy at daddy. Para lumakas ang aking loob. Para hindi ko malimutan na nandiyan sila para sa akin.             “Ang sweet naman ng anak namin ngayon.” ani mommy. Nilagyan ni mommy ang pinggan ko, pati ang gatas sa akin baso. Nang ilang minuto lang din ay sabay na silang tumayo, sanay na rin ako sa kanila na sabay nang umaalis, at nauuna pa sila sa akin. Wala naman akong problema roon. Dahil nararamdaman ko naman ang pagmamahal nila sa akin, kaya mahal na mahal ko rin silang dalawa ng higit pa.             Nandito pa lang ako sa labas ng gate, nakita ko na ang dalawang mukha na sumira kaagad ng aking umaga. Maganda na nga ang bungad ng araw ko, dahil sa mga ito nasira na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD