Mabilis at malalim ang aking pag hinga at malakas ang pag t***k ng aking puso nang makarating ako sa bahay.
"Oh Kiya,napano ka na naman? pawis na pawis ka"
Salubong sakin ni mama ng maka pasok ako ng bahay.
Ngumiti lang ako at umiling
"Wala ma padilim na kasi kaya nag madali na kong umuwi, ayokong maabutan ng pag lubog ng araw sa labas" sabi ko habang nag tatanggal ng sapatos,
tumango lang si mama at dumiretso ng kusina,malamang magluluto na ito ng hapunan alas singko na din kasi ng hapon.
Pag pasok ko sa aking kwarto nag bihis ako ng pambahay na damit at nahiga sa aking kama.
Naisip ko na naman ang nangyari kanina kaya ako nag tatatakbo, may humahabol saking babae nang mapadaan ako sa skwelahan ng elementarya malapit sa pinapasukan ko.
Sobrang nakaka takot ang itsura ng babae wala na syang panga na animo'y hiniwa ang kalahiti ng mukha nya mula sa pisngi, wala rin itong mga mata.
Kaya ganun na lamang ang takot ko ng humarap ang pag mumukha nito sa dereksyo ko at dahan dahang lumapit. Kaya nag tatatakbo ako hanggang sa maka rating ng bahay.
Alam kong ako lang ang nakaka kita sa kanya
Hindi ko alam ang pakay nya at hindi ko na gustong malaman.
Dala ng pagod sa araw na ito di ko na mapigilan ang maka tulog.
Nagising ako dahil sa mahihinang daing na naririnig ko. ngunit hindi ko parin idinilat ang mga mata ko at nag babalak pa sanang matulog baka kasi guni guni ko lang ito. Ngunit maya maya lamang ay naramdaman kong may ibang tao sa loob ng kwarto ko, at nararamdaman ko ang titig nito sa akin. Idinilat ko ng bahagya ang aking mata.
Ngunit wala naman akong nakita kahit sino,
tumingin ako sa wall clock ko na naka sabit sa taas ng pinto, alas sais na pala.
Balak ko pa sanang matulog kaya tumagilid ako sa derereksyon ng pinto at muling pumikit, ngunit naka ramdam ako ng hindi comportableng pakiramdam kaya bumaling naman ako sa dereksyon ng bintana habang nakapikit parin.
Ilang minuto lamang ang nakaka lipas ay naalimpungatan ako kaya bahagyang dumilat ang mga mata ko pero....
Nanigas ako sa kina-hihigaan ko ng makita ko yung babae kanina na dahan-dahang gumagapang papasok sa bintana ko. Naka titig ito sakin kahit wala itong mga mata gumagalaw ang talukap ng mata nito kaya nag sanhi ng patulo ng dugo mula dito. pipinipilit kong maka tayo ngunit hindi ako maka galaw pinipilit kong sumigaw ngunit wala ring boses na lumalabas sa bibig ko,hindi ko rin maipikit ang aking mga mata, unti-unti na rin akong kinakapos sa pag hinga habang lumalapit ang babae sakin.
Unti-unti na kong nawawalan ng pag asa, pakiramdam ko eto na yung katapusan ko.
Biglang may tumapik sakin na naging sanhi ng pag gising ko. Agad akong bumangon at umupo, hinihingal na napa tingin ako kay kuya, na naka titig lang sakin.
"okay ka lang Iya?" tanong nito sakin at umupo sa tabi ko.
"okay lang ako kuya, salamat sa pag gising sakin" sabi ko at napa tingin sa bintana.
"yung lalaki na naman ba?" tanong ni kuya sakin, timutukoy nya yung lalaking matagal nang sumusunod at laging sanhi ng bangungot ko.
Umiling ako
"Hindi kuya babae sya, sumunod sya sakin kanina galing sa elementary school ng mapa-daan ako dun" huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya
"nakaka takot ang itsura nito kuya, wala syang panga at mga mata" sabi ko at tumingin sa kanya. nanigas si kuya sa tabi ko, at bumadya sa mga mata nya ang takot
Ang kuya ko lang ang nakaka alam na nakaka kita ako ng mga multo at iba pang mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao. hindi ko ito sinasabi kay mama at papa dahil baka mag alala sila tanging ka kuya ko lang pina alam.
"kuya ayoko na ng ganito, gusto kong mamuhay ng normal, yung walang takot na dinadala, hindi ko magagawa yun kung ganito ako" nasabi ko na lamang kay kuya sobrang takot na takot na ko.
Sa totoo lang matagal na kong nakaka kita ng mga nilalang pero hindi ako masanay sanay, nag simula ito ng maaksidente ako noong 9 years old ako. na coma ako ng ilang linggo at pag gising ko sa ospital hindi ako maka kita, nawala ang paningin ko sa loob ng isang linggo matapos kong magising.
At pag lipas isang linggo ng mag balik ang paningin ko nag simula na akong maka kita ng maga nakaka takot na kaluluwa na namatay sa loob ng ospital.
"Malalagpasan mo rin yan Iya" sabi nya sabay hagod sa likod ko
"Tara na tawag na tayo ni mama para maghapunan, pinatawag ka sakin ni mama kaya nandito ako sa kwarto mo" sabi nya ay inalalayan ako papunta ng hapag.
Pag dating namin, nandon na si papa sa lamesa at hinahainan ni mama.
"kain na mga anak" sabi ni mama at minuwestra ang lamesa.
tumango kami ni kuya at nag pasalamat at kumain na. Nag pa sama nalang ako natulog ka kuya in case na mag pakita at bangungutin na naman ako ay nandyan sya. Pag kasama ko sya walang kahit anong nilalang akong nakikita at wala ding mga multo na nag papakita sakin kaya si kuya lang sinabigan ko.
Naalala ko noong maka kita na ulit ako matapos kong mawalan ng paningin ay ganun na lamang ang takot ko, samut saring nakaka takot na itsura ang nakita ko sa loob ng kwarto ko sa ospital. di ko mapigilan ang sumigaw at doon pumasok si kuya. Hindi sa maipaliwanag na dahilan bigla silang mawala. Simabi ko kay kuya ang nakita ko at pero hindi na kila mama dahil ayokong mag alala sila.
"anong iniisip mo iya?" tanong ni kuya ng makitanyang gising pa ako.
Bumangon ako at tumingin sa kanya na naka higa sa comforter sa baba sa gilid ng kama ko.
Umiling ako "wala naman kuya, iniisip ko lang bakit ako nakaka kita ng mga multo, at pano mawawala to" sabi ko at dumapa sa gilid ng kama para makita ko sya.
"May kilala akong baka may alam sa ganyan. Yung lola ni Ariel " sabi ni kuya at kinuha ang cellphone nya .
"Si Ariel na kaibigan mo ba kuya?" tanong ko, tumango na lamang sya at may mukhang may tinawagan.
"hello yel" sabi ni kuya sa kabilang linya
"Diba mang gagamot yung lola mo? may gusto lang sana itanong ni Kiya" tumango si kuya na parang kaharap lang ang kausap
"ah sige bukas ng hapon samahan mo nalang kami pwede ba?" ngumiti si kuya at nagpasalamat sa kausap saka ito binaba
" kamusta kuya anung sabi ni Ariel?" tanong ko.
Ngumiti sya sakin
" Sasamahan nya nalang daw tayo sa adress ng lola nya" sabi nya
"matulog na tayo at may pasok pa tayo bukas" sabi ni kuya.
Humiga na ako ng maayos at natulog.
Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni kuya, iisang school lang kasi ang pinapasukan namin Grade 10 ako at Grade 12 naman si kuya.
Hinintay nalang namin mag hapon at matapos ang klase ay sinamahan nga kami ni Ariel sa bahay ng lola nya.
Medyo mapuno sa lugar na ito na dinadaanan namin at iilan ilan lang ang bahay, Hindi naman ito ganun kalayo lagpas lang ito sa bahay namin kaya lang sa masukal na part ito ng lugar namin, dahil madadaanan naman ang bahay namin, dumaan din muna kami sa bahay para mag pa alam.
20 mins na pag lalakad ay naka rating kami sa isang hindi naman ganun kalakihahang bahay. ito na yata ang bahay ng lola ng kaibigan ni kuya.
Kumatok si Ariel at ilang ilang sigudo lang ay pinag buksan kami ng isang matandang babae na parang nasa 60's to 70's na ang edad pero mukhang malakas pa ang pangangatawan nito.
"Lola Karen" tawag Ariel at nag mano.
"oh apo napa sadya ka? tuloy kayo" sabi nito at hinawakan sa ulo ang apo.
" Ah may nais lang sanang itanong itong kaibigan ko at ang kapatid nya" sabi nito ng maka upo na kami sa mga kahoy na upuan sa sala ng lola nya.
Tumango ito at tumingin kay kuya at sakin, tumitig ito sakin na animoy binabasa ang buong pag katao ko, na nag iwan ito sakin ng malamig na pakiramdam.
"ikaw ang may tanong sakin diba iha? ano palang pangalan mo?" tanong nito.
Tumango ako "ako po pala si Kiya"
tumingin muna ito kay Ariel at sa kuya ko.
"Apo ipag handa mo muna itong mga bisita natin ng maiinom sa kusina, isama mo din itong kaibigan mo" sabi nito.
Tumango si Ariel at tinapik si kuya, tumingin muna si kuya sakin na animoy tinatanong nya kung okay lang ba sakin.
Tumango ako at ngumiti sign na ayos lang ako, kaya dumeretso sila sa kusina na hindi naman ganon kalayo pero sapat lang para hindi marinig kung ano man ang pag uusapan namin ng matanda.
"Lola nais ko lang itanong kung paano mawawa itong kakayahan kong maka kita ng mga multo at nilalang" pag sisimula ko
Sumeryoso ang itsura nito mula sa kaninang pag kaka ngiti.
"may dahilan kung bakit ka nakaka kita ng mga multo at mga nilalang" sabi nito na at biglang tumingin sa likod ko. lumingon ako at ganun nalang ang takot ko ng makita ko ang babae na walang panga na naka tayo sa pinto ng bahay ni lola.
"nakikita mo rin sila lola?" tanong ko,
tumango ito at kita sa mukha nya ang takot
"Hindi ko alam pero puno ng kadiliman at galit ang awra na nag mumula sa mga mata mo, hindi ito biyaya mula sa itaas" sabi nito sa akin.
"Lola maari ko bang malaman ano ang sanhi nito?" tanong ko, naguguluhan kasi ako.
Tumingin muli ang matanda sa aking likuran
"Wala akong ideya kung ano ang dahilan niyang kakayahan mo, pero ayokong maki alam" sagot nito sa akin.
Maya maya lang ay bumalik na sila kuya dala dala ang tinimpla nilang juice.
hindi na kami gaanong nag tagal at umuwi narin bago tuluyang mag gabi. nag pasalamat kami sa lola ni Ariel at kay Ariel bago tuluyang umuwi.
Sa kwarto ko ulit natulog si kuya,
"kuya naguguluhan ako sa sinabi ng lola ni Ariel"
sabi ko habang naka dapa sa gilid ng kama.
"bakit ano bang sinabi sayo" tanong nito
"sabi nya etong klasi ng kakayahan ko ay mukhang galing daw sa kadiliman, may nabanggit syang kadiliman at galit eh, hindi ko sya ma gets" napa kunot ang noo ni kuya sa sinabi ko
"bakit daw?" natong ulit nito.
"hindi ko alam kuya pero gusto ko rin malaman kung bakit pero ang sabi nya sakin ay wala daw syang ideya at ayaw nya daw maki alam" sabi ko
"hindi ko alam ang gagawin. hindi ko alam ang sulusyon dito, mukhang kailangan kong sanayin ang sarili ko"
"anong balak mong gawin?" sabi sakin ni kuya
"wala akong ideya, hahayaan ko nalang muna siguro, go with the flow nalang ako kuya, hindi ko pa al kung pano ko ito matatanggal," sabi ko at umayos ng higa sa kama.
"matulog na tayo at maaga pa ako bukas" haya sakin ni kuya
"goodnight kuya"
Pag ka gising ko ay wala na si kuya sa kwarto ko. nag asikaso na ako at bumaba para kumain, tinanong ko kung nasan si kuya , sabi ni mama nauna na daw pumasok. kaya mag isa ako pumasok sa skwelahan.
Pero habang nag lalakad ay may naka salubong akong batang babae na may hawak na lobo nasa lima o anim na taon ito,
Tumingin ito sakin na animoy nagulat. Nag taka ako
Lumapit ako dito at tumingin sa paligid pero mukhang wala itong kasama.
"Ate nakikita mo po ako?" tanong nito sakin
Nagulat ako palagay ko ay isa nang multo ang batang ito.
"Ate ikaw lang po yung pumansin sakin kasi kanina pa ko tumawag sa dumadaan ayaw ako pansinin" sabi nito at animoy nalungkot.
Tumingin ako sa orasan sa relo ko. late na ko, gusto ko man syang kausapin pero mamaya nalang siguro.
"Baby girl papasok muna si ate kasi late na ko" sabi ko at hinawakan ang ulo ng bata.
"pwede po ba ako sumama? di naman po ako nakikita ng mga people ehh" sabi nito at nag pa awa.
tumango nalang ako at nag lakad papasok sa skwelahan.
Lunch break na, nag kunwari akong may kausap sa phone para maka usap ang bata.
"baby girl alam mo ba na patay ka na?" tanong ko sa bata habang kumakain.
Tumango ito at biglang lumuha ng dugo. sumilakbo naman ang takot sakin ng makitang nag iiba ang itsura nito at naging mukhang nakaka takot
"shhh shhh wag kang umiyak, natatakot si ate sa blood ehh" sabi ko, tumahan naman ito at bumalik sa cute ang itsura nya.
"sorry po , tuwing naalala ko po kasi pano ako namatay bumabalik ang itsura ko kung ano ang itsura ko pano ako namatay" sabi nito at yumuko.
"sa totoo lang nakikita ko na hinahanap ako ng mommy ko, until now hindi padin ako nakikita" sabi nito at tumingin sakin.
"ate pwede mo po ba ituro ang katawan ko?" sabi nito. Kinilabutan ako sa sinabi nya. hindi ko yata kayang gawin ang sinasabi ng batang ito, nanahimik nalang ako at pinag patuloy ang pag kain.
"mamaya na natin pag usapan baby girl ha?" sabi ko bago pumasok sa klase.
Uwian na namin ng makita kong naka sunod na naman ang bata, hawak na naman nito ang lobo kanina.
"Ate gusto mo ba malaman kung nasan ang katawan ko?" tumingin ako dito, ngayon ko lang na realize na naka soot ito ng uniform ng elementary school na nadadaanan ko.
"Jan ka ba nag aaral sa elementary school na yon?" turo ko sa school na nadadaanan namin ngayon
tumango sya
"opo jan nga po, nanjan din yung katawan ko ihh" sabi nya. napatingin ako sa kanya
"nandyan? saan banda sa loob?" tanong ko,
nag isip ito naparang may ina-alala.
"meron pong room jan sa loob ng stock room na parang nasa ilalim ng ground kasi meron pong stairs pababa" sabi nito.
"wait baby girl sa bahay ka na mag kwento, baka kasi mapag kamalan akong baliw dito, nag sasalita mag isa" sabi ko at nag lakad na ng mabilis.
tumango nalang ito at sumunod.
pag kauwi ko ng bahay pumasok agad ako ng kwarto saka kinausap ang bata.
"so you mean hindi mo alam sino pumatay sayo?" umiling sya.
"hindi po. yung ala- ala ko po kasi is kung ano lang yung naalala ko before ako mamatay, hindi ko po nakita sino sya ih" sabi nito.
"baby girl sobrang bad ng person na gumawa nyan sayo, pero hindi ko alam pano ko maituturo yung body mo sa police kasi for sure hindi sila maniniwala sakin" sabi ko at nag isip, habang nag iisip may kumatok sa pinto at bumukas ito at pumasok si kuya. tiningnan ko yung bata hindi naman sya nawala naka upo parin sya sa tabi ko.
Ngumiti si kuya
"kamusta bunso?" tanong ni kuya tas naupo sa lapag, naka uniform parin ito at halatang di pa pumapasok sa room nya.
"okay naman kuya kaso may natuklasan ako" sabi ko sabay tingin sa bata.
"maniniwala ba sya sayo? " tanong nya, tumango ako.
tumingin naman sakin si kuya
"don't tell me may multo jan sa tabi mo?" sabi nya.
tumango lang din ako, lumatay naman ang takot sa mukha ni kuya,
"kuya batang babae sya and super cute nya kaya wag kang kabahan jan" sabi ko kaya parang kumalma naman si kuya.
"jan pala sya nag aaral sa elem school na malapit satin" sabi ko
sumeryoso naman si kuya
"what do you mean? jan nag aaral? wala naman akong nabalitaan batang namatay na jan nag aaral sa school, batang nawawala lang" sabi ni kuya then realization hits both of us.
them may kinuha si kuyang poster sa bag nya. at pinakita sakin, i looked to the poster and to the girl
sabay tango "yeah it's her"
"Her body still inside the school?" tanong ni kuya.
tumango ako.
"Yeah she said nasa stock room daw ito, and i think may hidden basement ang stock room na yon" sabi ko at tumingin sa bata.
"by the way Issa pangalan mo diba?" nakita ko kasi sa missing poster name nya, tumango ang bata.
"Wait pero sa elem school na yon ako nag aral ng elem and ni minsan di pa ko naka pasok sa stock room na yon kasi laging may lock" sabi ni kuya.
" that day po nag lalaro kami ng friends ko ng hide and seek habang wala pa sundo namin, and nakita ko na hindi naka lock yung stock room kaya dun ako pumasok para mag tago, then ayun bilang may black na plastic ang tumakip sa ulo ko" kwento ni Issa. inulit ko nalang yung sinabi nya.
"pero pano nalaman na parang may room sa ground or may basement?" tanong ni kuya
"hindi po kami lumabas ng stock room kasi hindi ko narinig na nag open yung door ,narinig ko lang na nilock nya and naramdaman ko na bumababa ng stairs yung bad person na yon " inulit ko nalang ulit kay kuya yung sinabi ni Issa.
tumahimik si kuya for a while then tumingin sakin
" maybe isa sa personel ng school yung killer"
sabi nya, tumango ako.
"yeah yan din yung suspected ko kuya, kasi that person knows a lot about that school, ni hindi mo nga alam na may basement yung stock room na yon even kahit dun ka nag aral for 7 years" sabi ko kay kuya, si kuya lang kasi nag aral dun. sa ibang school ako pumapasok ng elem, i dunno pero yun yung gusto ng parents ko.
"i have a plan Iya" nag taka ako sa sinabi ni kuya.
"ano yon kuya?" tanong ko, ngumiti sya sakin
"let's tell this wirh my friend Ken, Ali and Ariel, maybe matutulungan nila tayo ma expose yung body ni Issa" napa isip ako, yeah kung mas marami kami mas madali namin mahahanap and ma eexpose yung body ni Issa. and at the same time ma expose yung killer.