Habang patuloy na inaalis ang bala sa loob ng aking tiyan, nakatingin naman sa akin ang aking boss. Nakahiga siya sa kabilang kama, at kinukuhanan pa rin siya ng dugo. Umabot ng mahigit kalahating oras bago natapos ang matagumpay ang operasyon. Pero apat na bag ng dugo ang inilipat sa katawan ko. Dahil medyo nanghihina ang big boss namin, sinabihan siya ng doktor na magpahinga muna. Dahil nahihilo siya ay nakatulog naman ito agad, at hinayaan siya ng doktor. Mabilis na tumayo ang mga kasamahan ko nang makita nilang lumabas ang doktor at pati na rin si Mr. Dark. “Doktor, kumusta si Cod015?” tanong ng mga kasamahan ko. “Successful ang operation niya, hintayin na lang natin siyang magkamalay.” "Iyan ay mabuti. Salamat, doktor," masayang sabi ng mga kasamahan ko. "Kumusta si boss?" tanon

