Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil napansin kong malapit na siya sa kotse niya. Pinutukan ko siya kahit walang kasiguraduhan. Buti na lang at natamaan ko ang binti niya, nalaglag ang isang attaché case na kanyang bitbit. Dadamputin pa sana niya ito, ngunit binaril ko ulit siya at muntik kong matamaan ang kamay niya, kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras para kunin ito. Tumayo siya para gumanti sa pagbaril sa akin. Subalit natigilan siya nang makita ang aking mukha. Hindi ko alam kung nakilala niya ako, dahil nagtama ang aming mga mata. Pinutukan ko ulit siya, pero mabilis siyang nakapasok sa loob kotse niya. Kahit tumakbo na ang sasakyan niya ay hinabol ko pa rin ito. Subalit pinaharurot niya ang takbo kaya hindi ko na siya naabutan. Kinuha ko na lang ang attaché case, ngunit hindi

