Hanggang sa sumakay na kami at masayang nagkwentuhan sa loob ng sasakyan. "May ibibigay ako sa inyo, guys," sabi niya at binuksan ang backpack na dala niya. “Ano iyon?” tanong ko. “Mga damit, at pareho tayo," masayang sagot niya at naglabas ng anim na pirasong itim na damit. “Glen, wala ka bang sinasabi sa kanila tungkol sa trabaho natin?” tanong ni Lie sa kanya. "Wala. Tinago ko sa pamilya ko ang tungkol sa trabaho natin." "Mabuti kung ganoon. Para hindi sila malagay sa panganib." "Totoo. Inilipat ko sila sa aming lumang bahay para matiyak na ligtas sila," sagot niya. "Tama ang ginawa mo, Glen," sang-ayon ko. "How about you, Jenn? Binisita mo na ba ang mga anak mo?" tanong niya sa akin. "Oo. Kahit papaano nakakasama ko silang kumain sa labas, kahit patago lang." “Ang iyong

