Naghintay ako sa pagbalik ni Dreyk. Almost an hour na siya sa kabilang kuwarto, at anong klaseng pag-uusap naman kaya ang ginagawa nila? Usap with matching benefiting themselves? Tsk. Nakapagpalit na ‘ko’t lahat, naubos ko na rin ang mug ng kape na tinimpla ko, kaya siguro ako kinakabahan na rin ngayon. Well, Dreyk and Liset are said to be friends, matagal na, kinakatakot ko lang na baka madala ang lalaki sa mga sasabihin ng bruha na ‘yon sa kaniya tapos ay maback out pa ito sa alok na maging asawa siya. Na siya namang hindi puwedeng mangyari, may mga plano nas siya oras na maging isang Sebastian. “Mas mabuti sigurong pag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na ‘yon, kung maaari nga’y bukas ay magpakasal na kami agad. Ayokong bumalik sa bar na ‘yon, sawa na ‘ko sa pagiging isang bayar

