Kanina ko pa pinagmamasdan ang bawat hampas ng mga alon na nagmumula dito dalampasigan. Pakiramdam ko kasi, ang peaceful peaceful sa isipan ng mga ito. Nandito ako ngayon nakaupo sa bench na nandito sa may dalampasigan sa harap ng beach house ni Breeze. Dito sa kanyang Sanctuary. Iginala ko ang mata sa buong paligid. I love this place so much! Bagay na pumasok sa isipan ko. Mahigit dalawang oras narin simula ng dumating kami dito. Medyo madilim na rin ang paligid dahil pasado alas sais imedya na ng gabi. At heto nga, dito ako dinala ng dalawang paa ko sa hindi ko rin malamang dahilan. Habang si Breeze naman ay nag-aasikaso na ng aming hapunan. Ayaw naman kasi ako nitong pagbigyan na tulungan siya kaya iniwanan ko na muna ito sa kusina at mas ginusto na lamang na lumanghap ng hangin dito

