Kapwa kami tahimik ni Breeze habang nakaupo sa bench dito sa park malapit sa dating apartment ko. Mabuti na lamang din at nandito kami sa medyo may malilim na parte ng punong kahoy dahil sa medyo may kataasan na at kainitan ang sikat ng araw. Katatapos ko lamang mag-impake nang dumating ito kanina sa bigay nitong tirahan sa akin. Hindi ko parin sinasagot ang tanong nito mula kanina kung saan ba ako pupunta. Basta ko na lamang hinila ang maleta at lumabas mula sa loob ng apartment na iyon. I'm glad dahil sinundan naman ako nito kaagad at walang imik na binuhat ang hila kong maleta at sinakay sa kanyang sasakyan. Walang nagawa na sumakay na lamang din ako roon at heto nga, kapwa kami dito dinala ng mga paa namin. Habang nakatingin ito sa ibaba at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri ay nag

