Nakapag bihis na ako at handa ng umalis ng aking apartment papasok sa aking trabaho nang biglang may mag doorbell. Kunot noong na patingin ako sa orasan na suot ko. Baka si Bianca na iyon dahil ang sabi nito ay sabay na kaming papasok sa trabaho at dadaanan ako nito dito sa apartment ko para sunduin. Kaagad na kinuha ko na ang aking hand bag at iba pang mga kagamitan na gagamitin sa aking trabaho, bago tuluyang binuksan na ang pintuan para narin pagbuksan si Bianca. Ngunit hindi si Bianca ang bumungad sa harapan ko ngayon kundi ang napaka ganda at napakayamang babae na nakilala ko sa balat ng lupa. "Good morning love!" Nakangiting bungad nito sa akin. Amoy na amoy ko pa ang napakabango nitong perfume. Ang fresh niya talaga palagi. Hayyy. Napalunok ako at kaagad na itinago ang aking exci

