GD's POV
"Malamang ikukwento kita, best friend kita diba" medyo awkward nyang sabi
Kumalas ako sa pagyakap ko sakanya pero tumatawa parin ako
"Nga naman HAHAHA" Sabi ko sabay simot sa plato ko. Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko at tumingin sa mommy ni Yuri
"Tita, thank you po sa masarap na dinner po ah" Sambit ko ng may ngiti sa labi. . . Este, may sarsa sa labi. Hindi ko napansin iyon kasi nga buong akala ko napunasan ko na ng tissue ang mukha ko. Nagulat na lang ako nang dumampi ang malambot na daliri ni Yuri sa pisngi ko.
"Ang kalat mo talaga kahit kailan bae" natatawa nyang sabi habang pinupunasan ang pisngi ko
Medyo awkward moment yun para sa akin. Oo, nakakahiya para sa best friend kong mayaman ang punasan ako sa pisngi dahil sa kagarapalan kong kumain. Hindi naman sa bini big deal ko ang concern nya okay, sadyang. . . Ah basta, ganun yon
"T-thank you bae hehe sorry po" Nauutal kong sagot habang muli kong pinunasan ang pisngi at buong mukha ko para siguraduhing wala ng sarsa ang cute na pagmumukha ko
Pagkatapos naming kumain, niyaya ako ni Yuri na manood ng movie sa living room. Tumambad sa akin ang napaka laking tv nina Yuri, nang tinanong ko kung anong size ng tv nila sabi nya lang sa akin 82 inches lang daw yun. Namangha ako lalo sa karangyaan nina Yuri, yung 82 inches? Ganon kalaking tv ni la "lang" nya lang? Wow. . .
Pinaupo nya ako sa napaka lambot nilang sofa at sya naman ang sumunod. Sunod na lumundag sa hita ko ang cute na cute na pusa nila. Mabalbon at fluffy, sarap tirisin ng buhay HAHAHA. Kulay puti sya and parang yung pusang puti sa Tom and Jerry, may kulay lilang laso sya sa leeg. Kinuha na ni Yuri yung remote at naghanap ng pwedeng panoorin. Hinahaplos haplos ko ang pusa nang marinig ko ang isang pamilyar na intro.
"Coffee Prince, it was our favorite movie right?" Wika nya ng may ngiti sa labi
"Hehe, oo" Tanging nabanggit ko. Naalala ko kasi yung katangahang ginawa ko sa foundation day. The Coffee Prince parody na nagdala sa akin sa kahihiyan sa harap ni Tobi.
"Uhh wait ka lang jan bae ah, kuha lang ako ng snack natin sa kitchen" Aniya sabay tayo
"Shala may pa snack, sige dalian mo ah balik ka agad" Sagot ko habang hinihimas himas yung pusa. Hinayaan ko na lang na umalis si Yuri at hinintay ko na lang na bumalik sya
**************************************
ALEZANDER SZENRI LEE's POV
After selecting our favorite movie Coffee Prince, nagpaalam ako kay GD na kukuha ng snacks namin sa kitchen.
"Uhh wait ka lang jan bae ah, kuha lang ako ng snack natin sa kitchen" sabi ko sabay tumayo ako sa couch
"Shala may pa snack, sige dalian mo ah balik ka agad" Sagot nya naman
I went to the counter and make some milk for us. Bukod sa bawal ako mag try ng ibang inumin, gatas lang talaga iniinom ko ever since, even on movie night para madali akong makatulog. After ko magtimpla ng milk for me and GD, binuksan ko ang fridge para maghanap ng perfect snack for our movie bond.
"Meron kaya dito nung favorite ni GD?. . . tch, hindi pala ako nakabili kanina ng favorite nyang Oreo fudge ah ano pa kaya dito magugustuhan nya" I mumbled to myself while looking for a snack
"Type mo sya noh?" The soft voice made me jump scare and bump on the fridge's door. Agad kong sinara ang pintuan ng fridge to face the person who told me those words
"Ano ka ba naman yaya! Alam mo ikaw, isa pang beses na gugulatin mo'ko makakatikim ka ng hagupit ng kamao ko" I said while showing her my fist
"Wow señorito, you're straight tagalog na ah, that's very good" English carabao nyang sambit
"Don't make fun of me yaya, Hindi ako nakikipagbiruan sayo"
"Eh sorry na señorito. . . Pero ano? type mo ba yun?" She uttered while nudging me
"Ihh tigilan mo nga ako, ano bang pinagsasabi mo"
"Huyy kilala kita, pagdating sa taong nagugustuhan mo napapa straight tagalog ka"
"I don't know what you're talking about okay so please shut up, mommy might hear you"
"Pero type mo nga?"
"Of course" I quickly covered my mouth when I realized what I have said
"Ayiee sabi na eh gusto mo yun eh, hindi talaga nagkakamali ng hinala ang mga babae"
"So what kung gusto ko sya, pake mo ba?"
"So bakla ka señorito?"
"No, I'm not gay okay. Iba ang bakla sa romantically attracted. Hindi ibig sabihin may gusto ako sa isang lalaki, bakla ako. Hindi ibig sabihin may gusto ako sa isang bakla, bakla na rin ako" I explained
"Ahh ganon pala yun. So sya? Ano sya?"
"May boyfriend na yun, there's nothing we can do. Magkaibigan na lang kami"
"Aww pero señorito pwede nyo naman pong agawin boyfriend pa lang naman eh hihi" She chuckled
"No, hindi ako ganong tao. . . I will not take the advantage of them. Hindi ko sya aangkinin para lang sa kasiyahan ko. And diba nga sabi nila. . .
—If you love the person, set them free—
—Be happy if the person you love found their true happiness—
—If they come back, then it's the only time to show them how much you love the person—
—best friends are only meant for support. nothing more, nothing less—
"Unless mahalin nya rin ako tulad ng pagmamahal ko sakanya, tsaka na yun magiging tama. . . Because love don't care what other people think, what matters is how you face the challenges of love. And that makes sense yaya"
"Wahhhh. . . Sinabi nila yun señorito?"
"Ako, ako may sabi nun. . . Kita mo namang galing mismo sa bibig ko diba"
"So bakit sabi mo 'sabi nila'?"
"Oh my god yaya use your common sense naman. Tatanda ako agad sa'yo eh"
"Woahhhhhhhhh. . . Grabe naman talaga pala kayo magmahal señorito. Alam nyo tatandaan ko yang mga quote of the day mo na yan"
"Quote of the day?"
"Quote of the day, yung mga hugot nyo. Ang lalalim kasi eh parang Hindi halata na nagmamahal ka pa pala, kala ko kasi puro ka lang aral"
"So ngayong nalaman mo na yung mga sagot sa katanungan mo, may you please leave me alone and shut your big mouth" Sabi ko habang nilalagay ang nakuha kong snack sa tray pati na rin ang gatas na ginawa ko at lumabas na ng kitchen para pumunta sa living room kung saan naghihintay si GD
I came back to the living room and saw GD is still playing with Jiraym. I sit down on the sofa and place the tray on the table in front of us and lean on the couch
"Having fun with her?"
"Oo bae, ang lambot nya kasi ehh diba cutie. . . Ano nga pala pangalan nya?"
"I call her raym pero Jiraym talaga pangalan nya"
"Jiraym anong klaseng pangalan pusa yan" he chuckled
"Hey don't laugh at it, it's cute kaya"
"Okay okay pero HAHAHAHAH" he laughed hard while holding raym
"Grabe ka naman pangalanan ng amo mo, kung ako ikaw magrereklamo talaga ako HAHAHAHAH" he laughed while talking to the cat
"Yeah yeah enough laughing at her name. Let's just continue watching" I uttered as I pressed the play button
If you're thinking why Jiraym? Of course some of OG fans know what Jiraym (지라임) means. Well for me, the name Jiraym is a very special name even though it's kinda weird talaga. Wanna know?
*FLASHBACK*
Back when we were grade seven, freshmen year, our subject teacher told us to have a role play activity that will be present in front of the class. All the girls refused to be the main character in our group. Good thing with GD's unisex cuteness, he volunteered to be the girl main character and the the act began. Our role play called Secret Garden. GD played the role of G Raim. Hindi ko na naalala kung sinu-sino pa yung ibang character sa kwento, naka focus lang kasi ako kay GD. The act went so good that we had a perfect presentation that time all because of GD's talent
*END OF FLASHBACK*
So in short, the name of the cat Jiraym was my idea. To remind me of GD all the time. I don't know if natatandaan pa ni GD yun pero kung Hindi man, better. . . Because it was a big embarrassment if he realized that part
Nanood kami ng tv magdamag, my mom kept looking at us and I just smile at her whenever she's going down stairs to check upon us. Kumain kami ng kumain hanggang sa makatulog kaming dalawa sa sofa ng bukas ang tv at makalat sa lapag. I enjoyed that night, especially it was GD who I spent my night with. Kasama ko ang taong mahal ko, at patuloy na mamahalin ko hanggang sa lamunin ako ng lupa
—TO BE CONTINUED—
**************************************
⚠WARNING⚠
There are parts that are grammatically incorrect, so be considerate and understanding enough for my mistakes. Thank you♡