Chapter 62 "HE'S MY BOSS" Jutay POV: Umalis na nga si Sarah nang pumayag akong sumama sya bukas sa pagpunta namin ng bicol ni Airah. Mabuti na lang at tulog pa rin hanggang ngayon ang babaeng mahal ko at hindi nya man lang naramdaman ang presensya ni Sarah, dahil kung magkataon na nakita nya ang dalaga ay tiyak na magseselos sya. Pero sa ngayon, hindi ko muna dapat isipin ang mangyayari bukas. Hindi ko na ginising pa sya sa halip ay binuhat ko na lamang ito na parang pangkasal. Hindi naman gaanong mabigat si Airah kaya hindi ako nahirapang buhatin sya papasok ng kwarto. Hanggang ngayon ay sarap na sarap pa rin sya sa pagtulog kaya tinabihan ko na lamang sya. Hinalikan ko pa ang kanyang noo kasabay non ay yinakap ko pa sya at natulog na rin. Airah POV: "Hmmm" pag-uungol ko nang m

