Chapter 59 "HE'S MY BOSS" Jake POV: Maaga akong pumasok sa campus para hintayin si Airah. May dala-dala na rin akong explosion box na ginawa ko palang kagabi. Hindi naman to gaanong maganda dahil hindi ako masyadong magaling pagdating sa ganitong bagay. Pero sana, sana magustuhan nya kahit papano ang effort na nilaan ko para rito. Nga pala si Sarah, hindi sya umuwi ng bahay. Wala akong alam kung san sya tumuloy o natulog.Ilang beses ko na rin syang tinawagan kagabi pero hindi nya ito sinasagot. Masyado nya yatang dinamdam yung pakikipaghiwalay ni Gino sa kanya. Tangina, hindi ko tuloy mapigilan na di magalit kapag naaalala ko ang ginawa ng lalaking yon sa pinsan ko. Umupo muna ako sa may gilid ng gate para doon na lamang hintayin si Airah. Kailangan ko ng bilisan at galingan an

